Chain 33 - Evil Cat

137 11 1
                                    

Chain 33

Evil Cat

I can't believe it!

Arcellie Lamzon, a fifteen years of age, an innocent girl... I trained her but she was the one who planned to kill me! Siya ang nakapasok sa cell namin at ang may-ari ng patalim at ng hairpin! What the hell!

Laglag ang panga ko nang lumuhod sa harapan niya dahil sa nakita kong maliit na puting papel na nakalagay sa kaliwa niyang palad. Oh, fuck. She's one of them! She knows Conda! She knows the real identity of a person or people behind this. And her cat shadow tattoo. Anong kinalaman no'n? Paano nangyari ito?

"Is this... A-Arcellie? T-The new kid?" I heard Kendall's gasped and I almost hear her sobs.

Mabilis kong tinago ang nakuha kong papel at hinarap siya. Nakita kong halos hindi siya makatingin sa duguang katawan. Kitang-kita kasi sa likuran nito ang tagos ng patalim na nakasaksak sa puso.

"I-I can't believe this..." Mahinang sinabi niya. "Cli, why did she do this damn thing? S-She tried to kill you and now... s-she's dead. What the hell?"

Humugot ako ng malalim na hininga at muling binalingan ang kaawa-awang katawan ni Arcellie.

"Umpisa palang ay hindi na maganda ang pakiramdam ko sa kanya. Hindi ko na siya madalas pansinin ngunit lapit pa siya ng lapit sa 'kin. Now I know why. She tried to earn my sympathy," matamang sinabi ko.

"Is she connected to those who kidnapped and beaten me?"

Tumango ako. "Yes... and she killed Claudia,"

"W-What?" Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. "Paano niya magagawa 'yon?"

Bago ko pa masagot ang tanong ni Kendall ay may mga yabag nang papalapit sa amin.

"Climate, anong nangyari rito?" Tanong ng tauhan na dumating.

Tatlo sila at hinihingal dahil mukhang galing pa sa labas.

"Siya ang hinahabol namin kanina. Nakita namin siya na tumatakbo palabas ngunit bigla nalang nawala." Sabi naman ng isa. Siguro ay noong sinubukan ko ring habulin ay nakita naman nila.

"She killed five of our guards kaya nakatakas," sabi ng pangatlo.

"H-How can she– she looks so innocent and fragile, she's just a kid!" Umiiling-iling si Kendall at hindi pa rin matanggap ang nangyari.

"She's not. She's wearing a mask and she's not just an ordinary kid." Sabi ko.

"Oh my god. T-That's why... That's why I find her good at fighting even when she's just new," napagtanto niya sa kanyang sarili.

"Kaya pinigilan kitang manood habang nag-isparring siya dahil magiging pigil ang kanyang mga galaw," dagdag ko pa.

"Napatay mo siya, Climate?" Biglang tanong ng tauhan.

Kumunot ang noo ko at umiling. I won't kill.

"Naabutan ko siyang patay na rito sa labas," seryosong sagot ko kaya tumango naman siya agad.

"Sino ang posibleng may gawa nito sa kanya?" Tanong ng isa habang sinusuri ang katawan ni Arcellie.

Nakita kong ang isa ay may tinatawagan sa telepono. Maybe reporting this happening to Mr. Megarry.

"M-Miss Climate?" Sabay-sabay kaming napalingon sa isang babaeng fighter na papalapit sa amin.

"Ba't gising ka pa, bata?" Tanong ng isang tauhan at hinarang si Alliza.

"H-Hinahanap ko po si Arcellie– oh my god!" Napaatras at napatili siya nang makita ang walang buhay na kaibigan niya sa sahig.

Mabilis ang pag-iyak niya ngunit bago pa man siya nakalapit sa katawan ng kaibigan ay hinawakan na siya ng isang tauhan.

Breaking The Chains (COMPLETED)Where stories live. Discover now