Chain 27 - Confused

146 11 1
                                    

Chain 27

Confused

"Climate, anong nakalagay?"

Akmang kukuhanin ni Chandella ang maliit na puting papel nang iiwas ko iyon sa kanya. She looked at me with widened eyes.

"May alam ka ba sa nangyari?" She asked but I just shooked my head.

"Aalamin ko," maikling sagot ko.

Sinundan niya ng tingin nang itago ko ang papel sa aking bulsa.

"What are you gonna do with that? May kinalaman ba 'yan, Climate? Answer me please, bakit ito nangyari kay Claudia? S-She's kind at wala akong maalalang kaaway niya o may galit sa kanya rito sa dungeon..." Naiiyak muling sinabi ni Chandella.

"So you think nandito lang sa dungeon ang may gawa sa kanya no'n?"

She stiffened and stared at me for a while. "I-I'm not sure. Siguro dahil sa sobrang bilis ng pangyayari. Malapit lang naman ang cell niyo kaya nandito lang 'yong pumatay sa kanya kasi sinabi niya ay pupunta siya sayo dahil may gusto siyang sabihin-"

"What?! Pardon?" Parang hindi ko masyadong naintindihan ang huli niyang sinabi.

"Pupunta siya ng cell niyo dahil may gusto siyang sabihin sayo, Climate. Climate, pakiramdam ko ay may alam ka rito. May kinalaman ka sa nangyari." She said that suspiciously.

Wait, inaakusahan niya ba 'ko? Sa tingin niya ba ay ako ang may gawa no'n? What the hell. I let out a deep sighed. Wala akong kinalaman ngunit alam kong ako ang dahilan. Umiling ako sa kanya.

"I know what you're thinking, Chandella and you have to stop that and answer me... Ano pang sinabi sayo ni Claudia?"

Noong una ay wala siyang balak sumagot ngunit nang makita niyang seryoso ako ay umiling siya.

"Iyon lang. I asked her but she just said that it's something important and you need to know." Sagot niya.

Kumunot ang noo ko at mas lumalim ang naisip. Noong naabutan ko si Claudia sa labas ng cell namin, alam kong hindi ang pag-aaya niya na ka-sparring ako ang sadya niya. I have this feeling that she knows something, she saw something. May alam siya kaya siya pinatay, is that it? Damn. Kung ganoon ay ano 'yon?!

"Noong naabutan ko kayong nag-uusap ni Claudia, anong pinag-uusapan niyo no'n?" Tanong ni Chandella.

"We just talked a bit when you came. Sinabi niya lang sa 'kin na aayain niya 'ko ka-sparring partner niya. But I know that there's something, may alam siya kaya siya pinatay."

Nagulat siya sa sinabi ko at hindi siya makapaniwala. I nodded to confirm it to her.

"Now, I want you to trust me, Chandella. Don't tell this to anyone, especially to Zarvick Izra. Leave this to me. Ako ang aalam kung sino ang may gawa nito,"

Mukha namang kumbinsido siya sa sinabi ko ngunit gulat at nagtataka pa rin siya.

"Kung ganoon ay ano ang isasagot ko kay Mr. Izra?"

"Just gave him a vague answer. Sabihin mong umalis si Claudia at matagal na hindi bumalik, 'wag mo sabihing sa akin ang punta niya. Huwag mo rin babanggitin ang tungkol sa nakuha mong papel." Matamang sinabi ko. "Now, clean yourself and go to him,"

Hindi ko na siya hinintay magsalita at lumabas na ng banyo. Mabuti nalang at madali siyang kausap. I don't trust her wholly dahil maaaring madulas siya at may kung anong masabi. But I had no choice, ayokong may makaalam na may koneksyon ako rito. Na ako ang sadya ng pumatay. Ako na ang bahala rito.

Noong una ay pambubugbog at pagkidnap lang ang ginawa ng nasa likod nito upang matakot ako, ngunit ngayon, nagawa na nitong pumatay. Fuck. This is getting serious. Ano bang kailangan nila sa 'kin at kailangan pa nilang mandamay ng iba? It sucks for not having any idea about the killer behind this! Damn it!

Breaking The Chains (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora