Chain 35 - Play

141 13 1
                                    

Chain 35

Play

Their jaw dropped literally when I hit Xavierra's face. Narinig ko ang mga estudyante na suminghap dahil sa sobrang gulat. Hahakbang pa sana ako palapit pero hinawakan na ako ni Kendall sa braso.

Azure and Jinaze were holding Xavierra's arms to stop her too. Nakita ko naman ang mas lalong galit na si Rhyme, kinakausap siya ni Azalea at pinapakalma ngunit umiiling lang ito habang nakatitig na ng masama sa 'kin.

Umismid ako at binalingan na si Kendall. Nakita ko siyang namamangha rin ngunit ngumisi siya sa 'kin at kumindat. Nasulyapan ko ang akmang paglapit sa amin ni Zarvick kaya hinila ko na si Kendall paalis sa gitna ng mga estudyanteng nakikiusyoso.

"Let's go, Kendall." Mariin kong sinabi at tumingin kay Xavierra at Rhyme bago sila lagpasan.

Ngunit hindi pa kami tuluyang nakakalabas ng cafeteria nang biglang may marahas na humigit ng braso ko.

"You don't pull hair pala huh," inis na sinabi ni Rhyme at binigyan din ako ng suntok sa kanang pisngi.

Damn it! Matalim ko siyang tiningnan. Manununtok pa sana ulit siya ngunit nabitin ang kanyang kamao nang may malalim at matigas na boses ang namayani sa buong cafeteria.

"DON'T YOU DARE, RHYME ISIAH RALEIGH!" Zarvick voice thundered.

Mabilis siyang humakbang palapit sa akin. Umawang ang labi ni Rhyme habang tinitingnan si Zarvick na nasa tabi ko. Ang galit at iritado niyang ekspresyon ay naging maamo.

"W-What, Zar?" Napalunok siya at hindi makapaniwala.

Tumaas ang kilay ko. Ano? Ngayon lang ba siya nasigawan ni Zarvick nang ganoon? Psh. Humarap sa akin si Zarvick at hindi na pinansin si Rhyme na nasa harapan namin.

"Are you okay?" Marahan niya nang tanong.

Halos mapaigtad at makuryente naman ako nang bigla niyang dampiin ang labi ko gamit ang kanyang thumb.

"Oh my gosh," kinikilig na bulong ni Kendall sa gilid.

Lahat ng nakakita ng ginawa ni Zarvick ay nagulat at tanging si Kendall lang ang nag-react ng ganoon. Kumunot ang noo ko habang tinitingnan ang mga mata ni Zarvick. Nakatitig siya sa labi ko kaya't umatras na ako at umiwas ng tingin.

Nasulyapan ko ang paglaglag ng panga ng mga kaibigan niya dahil sa biglaan niyang ginawa. Para bang ngayon lang nila nakita si Zarvick na ganoon. Seryoso ko lang silang tiningnan bago sila talikuran at hinila na palabas si Kendall. Nakita ko pa ang pagdating ni Avarice ngunit hindi ko na pinansin. Alam kong away na naman 'to 'pag nagkataon. Darn!

Huminto kami sa isang bench na malayo na sa cafeteria. I groaned at closed my eyes firmly. Ang sinasabi kong tahimik na buhay dito sa Luxury University ay tuluyan nang naglaho! Akala ko ay makakahanap ako ng tahimik at maayos na lugar malayo sa dungeon ngunit nagkamai yata ako. I just messed up with the group named Unfathomable!

Malakas ang pakiramdam ko na hindi lang sila ordinaryong mga estudyante rito. Hindi sila 'yong mayaman, sikat, magaganda at gwapo lang. May kung aura sila na hindi pangkaraniwan lang. They are really unfathomable. They are really impossible to understand.

Tapos 'yung suntok pa sa akin ni Rhyme. Malakas iyon at kaunting dumugo ang gilid ng labi ko. Shiz! Hinawakan iyon kung saan din hinawakan ni Zarvick. Ramdam ko pa rin ang dampi ng hinlalaki niya rito. Oh, darn.

"Oh my! Oh my!"

Malawak ang ngisi ni Kendall nang umupo rin siya sa harap ko. Tuwang-tuwa siya sa nangyari. My goodness. Walang nakakatuwa roon!

Breaking The Chains (COMPLETED)Where stories live. Discover now