Chain 45 - Cheated

168 8 1
                                    

Chain 45

Cheated

"Cliandria, anak..."

Mama spread her arms wide to welcome and hug me.

I smiled. "Mama, I missed you so much," bulong ko sa kanya nang niyakap ko siya.

Pagkatapos ay sandali siyang sumulyap sa likuran ko bago muli akong balingan.

Pumasok kami sa malawak na sala ng mansyon. Umupo si Mama sa sofa at iginaya ako sa kanyang tabi. Nanatili lang ang titig ko sa kanya habang nagpapahanda siya ng meryende sa isang kasambahay.

"Do you want something, anak?" Mama looked at me.

I just gave her a smile and shook my head. "I'm fine, Mama," I said. "Gusto ko sanang sa labas na tayo kumain,"

My eyes remained on her. Pinanood ko ang pagkunot ng noo niya ngunit nangingiti. Pagkatapos ay nakita kong sumulyap siya sa aking likuran. I know that Mr. Megarry is standing there.

Wala akong makita sa mata ni Mama kundi ang paghingi ng sagot kay Mr. Megarry. Her soft features didn't fade. Alam kong noon pa man ay mahinhin at mabait si Mama kaya normal na sa akin na makita siyang ganitong makitungo sa iba. Isa pa ay pinapatuloy siya rito ni Mr. Megarry sa mansyon kaya iniisip niya na malaki ang utang  na loob niya rito. I wonder if she knows about the dungeon?

Bumaling ako kay Mr. Megarry na seryosong nakatingin kay Mama at saka bumaba ang tingin sa akin. He let out a deep sigh.

"I'll go with you two," sabi niya.

My brows furrowed at him, simbolo ng hindi pagsang-ayon.

"You cannot! Iyon na nga lang ang hinihingi kong oras upang makapag-isa kami ni Mama, guguluhin mo pa?"

Tumingin ako kay Mama na bumubuntong hininga rin.

"David, just this time. Pagbibigyan ko lang ang anak ko," Mama said to him.

"You'll bring bodyguards," maikling sagot ni Mr. Megarry bago tumingin sa akin.

"Great! Hintayin mo ako sandali ako at maghahanda lang ako. Ngayon mo ba?"

Ngumiti ako kay Mama at tumango. "Yes, Mama,"

Pinanood ko ang paglakad ni Mama paakyat sa magarang hagdanan hanggang mawala siya sa paningin ko. Masama ang tingin ko kay Mr. Megarry nang umalis si Mama.

"Don't do stupid move, Climate." Nanliliit ang mga mata niyang sinabi.

"Kung iniisip mo na tatakas ko si Mama at tatakas ako, well, tama ka. Magagawa ko sana 'yon kung wala kang bodyguards na ipapasama," I smirked.

"Iyon ay kung magagawa mo,"

Nakita kong nagalit ang mukha niya. His eyes narrowed and his jaw clenched. Yeah, David Megarry. Hindi ko man magawa ang plano ko sa ngayon pero sisiguraduhin ko na maililigtas ko si Mama mula sa kanya.

"I will fucking make sure of that! Malay ko ba kung anong pinaggagagawa mo rito kay Mama? Pinapahirapan mo? What is she here? A maid?"

He laughed heartily while shaking his head. "Can't you see it, Climate? She's good and fine. Walang kahit anong galos at maayos na maayos,"

Tumigil ako sandali. "Who knows? Matagal ko siyang hindi nakasama–" pinutol niya ang sasabihin ko.

"Ayaw mong nahihirapan ang Mama mo ngunit ano sa tingin mo ang mangyayari kung ikaw ang kasama niya? Eh, puro gulo ang dala, Climate."

Kumuyom ang kamao ko sa sinabi niya at hinarap siya. Nanginig ang kamay ko at handa na siyang sugurin ngunit narinig ko ang mga yabag ni Mama pababa. Huminto agad ako at tinitigan nalang si Mr. Megarry nang masama. Damn him!

Breaking The Chains (COMPLETED)Where stories live. Discover now