Chain 49 - Pray

186 9 1
                                    

Chain 49

Pray

"Cli, no!" I heard Kendall said.

Pumipiglas siya sa posas na nasa kanyang palapulsuhan dahil sa kagustuhang makalapit sa akin. I just smiled at her to assure her that I'm gonna be fine. Umiling-iling lang siya bilang pagtutol sa gagawin ko.

"Baka mapaano ka! You can't risk your life, Climate!" She protested more.

Magsasalita pa sana ako nang biglaang may lumapit sa akin na isang  tauhan ni Evil Cat at agad akong pinosasan. Nagmura si Kendall.

"I can risk my life, Kendall, for my mother... for you, for all of you," I said seriously. Life isn't complete without risking, that's for me.

Narinig ko ang halakhak ni Kryz sa gilid ko dahil sa aking sinabi.

"Didn't know you are a hero, Climate,"

Tiningnan ko lang siya at hindi na nagsalita. I gritted my teeth. Ngumuso siya upang mang-inis habang nakangisi.

I drifted my eyes to Mr. Megarry when he stepped forward to face Kryz.

"Why the fuck are you here? Ano itong inutos sa inyo ng Frontier? We already talked about this!" Si Mr. Megarry na nanggagalaiti sa galit.

Kumunot agad ang noo ko. What?

"Because you didn't do your part well. He's still alive! Hindi mo nagawa ng maayos ang pinagkasunduan niyo!" Sagot ni Kryz.

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Mr. Megarry sa narinig.

"That's impossible! I planted a bomb in there at hindi agad siya makakalabas doon! He's wounded!"

"And guess what? Zarvick Izra's breathing and kicking and he's definitely planning now to kill you!"

My jaw dropped open. Nakuha ko agad ang pinag-uusapan nila. So that only means, kasabwat ni Mr. Megarry ang Frontier! What the hell? Paano mangyayari iyon?!

"So now, you know the consequences of you being failed." Ngisi ni Kryz. "Care to prepare for a eulogy to your daughter and lovely wife?"

"No! Fuck! You can't fucking do that!" Galit na naglabas si Mr. Megarry ng baril at itinutok kay Kryz.

Mabilis na naalarma ang mga kasama nitong tauhan kaya sabay-sabay din sila nagtaas ng baril. Nakatutok ang iba sa mga fighters ngunit ang karamihan ay kay Mr. Megarry. Para bang isang maling galaw niya lang ay tadtad na siya ng bala.

Hindi natinag si Kryz at hinigit pa ako palapit sa kanya saka may nilapat ng patalim sa leeg ko. Wala akong nagawa kundi ang tumingala upang hindi maramdaman ang lamig ng metal na iyon sa aking leeg. I clenched my fist. Damn!

"Hell yes, I can't do that, but Frontiers can," she smirked. "And this daughter of yours, I could surely kill–"

"Shut up! She's not my–"

"For Avarice she is! Iyon ang alam niya! So ano, David Megarry? Let's see what you can do for your little family?"

Binitawan ako ni Kryz kaya may dalawang nakasuot ng cat woman ang humawak naman sa akin. Ang sunod ko nalang na namalayan ay nakasakay na ako sa isang van kasama ang mga tauhan ni Evil Cat. Naiwan doon ang mga fighters at si Mr. Megarry kasama ang mga tauhan niya na walang nagawa.

I remembered Kendall's face when I looked at her before I could enter the van. Nagtatanong ang mga mata niya dahil sa narinig na usapan ng dalawa.  Mataman ko lang siya tinapunan ng tingin at tipid na ngumiti. I can do nothing but to smile at her. My best and only friend.

Breaking The Chains (COMPLETED)Where stories live. Discover now