Chain 46 - Used

162 11 1
                                    

Chain 46

Used

I feel dizzy.

Madilim na silid. Isang ilaw sa gitna habang ako'y nakaupo sa kahoy na upuan. Nakagapos. May tali sa kamay at maging sa paa. May tape sa labi upang hindi ako makagawa ng anumang ingay.

I slowly opened my sleepy eyes. Kasalungat ng iniiisip ko ang bumungad sa akin nang tuluyang luminaw ang aking paningin.

Malamig at maayos na silid ang nakita ko. The white ceiling and gray walls welcomed me. Nakahiga ako sa malambot na kama at walang kahit anumang nakatali sa aking katawan. Ganoon pa rin ang suot kong fitted jeans at itim na blouse.

Tumingin ako sa paligid at agad na nanlaki ang mga mata ko. Hinawi ko ang kumot na nakatabon sa katawan ko at umahon sa kama. My jaw dropped literally when I surveyed them.

"I'm glad you're awake now, Celeste."

Seryoso akong tumingin sa nagsalita na unang nakapansin sa paggalaw ko. Sarkastiko ang pagkakasabi niya habang masama ang titig sa akin.

"Thank you, Rhyme," I replied with sarcasm too.

Her stare darken. She stood from where she is sitting but someone grabbed her wrist to stop her from walking towards me. Mukhang handa na siyang sampalin o suntukin ako.

"Rhyme, stop it," Lethal said.

Nakita kong hinila ni Rhythm si Rhyme pabalik sa couch upang maupo. Rhyme rolled her eyes at me. I smirked.

Tuluyan ko nang hinawi ang kumot sa akin mabilis na umalis sa kama. Wala naman akong maramdaman na ibang sakit sa katawan ko bukod sa pagkahilo. Maaaring dahil sa pinaamoy nila sa akin. Damn!

"Care to explain to me why I'm here?" I crossed my arms and shot up my eyebrow.

Tiningnan ko si Jinaze at Azure na nakatayo malapit sa veranda nitong kwarto. Pagkatapos ay sina Levity, Dazel, at Azalea na nasa couch, sa kabila naman ay nakaupo sina Xavierra, Rhyme at Rhythm. Habang sina Rye Skein at Lethal ay nakatayo malapit sa pinto. Oh, fuck. The whole Unfathomable is here. Kulang nalang ay si Zarvick at ang dalawa niyang kapatid.

"Care to explain to us what you just did?" Mataray na sinabi ni Xavierra.

Nasulyapan ko pa ang muling pag-irap ni Rhyme sa tabi niya. Galit na galit talaga siya sa akin. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o iintindihin nalang siya. I somehow understand her. Masakit naman talagang malaman na may ibang mahal pala ang mahal mo.

Napabuntong hininga nalang ang iba nang sinaway ni Azalea si Xavierra.

"What's wrong with that, Azalea? Siya naman dapat ang kailangang magpaliwanag," umirap si Xavierra at sumandal sa couch.

"Yes, but it can wait," sagot ni Azalea.

"Wait, and what? She'd find a way to escape? No way. Hindi ko mapapalagpas ang ginawa niya," masamang tingin pa rin ang pinukol sa akin ni Rhyme.

"Pare-pareho lang natin gustong malaman ang totoo kaya naiintindihan kita–"

"Anong malaman ang totoo? It's too obvious that she planned this all out!"

I'm not dumb nor stupid kaya alam kong ako lang naman ang tinutukoy nila. Ngunit hindi ko alam kung anong plano ang sinasabi nila! Sila ang dumukot sa akin pero nasaan si Mama? Nandito rin ba siya? What the hell do they need from me?

Magpapatuloy pa sana ang pagtatalo ng tatlo kung hindi lang sumabat si Azure na nakasandal sa haligi ng pintuan papuntang veranda.

"God, girls! Will you just shut up? Seriously, girls are really a pain in the ass. Damn!" Maarteng sinabi nito at umirap pa.

Breaking The Chains (COMPLETED)Where stories live. Discover now