Chain 12 - Missing

230 12 1
                                    

Chain 12

Missing

"Hey... Climate!" I heard Kendall murmured.

Kumunot ang noo ko at iritadong tinalikuran siya. I remained my eyes closed as she tapped my cheek, trying to wake me up.

"What!" I groaned without opening my eyes.

"I'll go to school now!"

"What!?" Mabilis akong dumilat saka bumangon pero pinigilan niya naman ako.

"Today is the first day of school and I'm excited!" She giggled.

Nagugulat ko siyang tiningnan. Seriously? I didn't know! Ngayon palang pumasok sa isip ang tungkol sa eskwela. Goodness.

"What time is it? It's still early. Wait for me–" aalis na sana ako ng kama nang pigilan niya ako.

"Ops! No, I'll go alone. I was just waking you up to say bye and wish me luck for the first day. Oh my gosh. I'm really excited!"

Pinasadahan ko siya ng tingin. Nakagayak na nga, with proper uniform! Seriously? First day palang and I'm sure, regular classes won't start today.

"And you told me, you'll meet your mom today, right? I'm happy for you, Cli!" Mahigpit niya akong niyakap. I smiled.

Ngayon nga pala ang sinabi ni Mr. Megarry. Gusto ko sanang pumasok sa paaralan ngayon, I want to be there for the first day but I remembered my mom, she's more important than this. Iniisip ko palang na makikita ko siya after how many years, naiiyak na 'ko. Damn.

"Ah, yeah," sagot ko at malapad na ngumiti.

"Alright, I'll go now! Bye!"

"You take care. Don't do catfights there, Kendall Pennington!" Paalala ko.

"I won't!" Tumawa siya at dire-diretso nang lumabas. Noong una ay ayaw pang mag-aral tapos siya ngayon ang excited pumasok. Napailing nalang ako.

Nahiga muli ako dahil maaga pa naman. Mamaya pa ang punta namin ni Mr. Megarry sa kung nasaan man si Mama. Nagising ako ng mga alas diez ng umaga at dumiretso na agad sa banyo. Pagkatapos ay kumain na ako, may tira si Kendall na inulam niya kanina bago umalis, pinainit ko iyon.

Ngayon ay kasalukuyan akong nakaharap sa salamin. Iniisip ko, ano na kayang itsura ni Mama? Kamusta siya? Anong pinagkakaabalahan niya? Is she treating well in there? Did she miss me too? Sino ang karamay niya pagkatapos ng trahedya sa pamilya namin?

Lahat ng tanong ko ay biglang naglaho nang huminto na ang sinasakyan naming kotse papunta kay Mama. Mr. Megarry was beside me at the back seat, marami kaming kasamang tauhan. Buong biyahe ay nanatili akong tahimik, tinatanaw ang dinadaanan na hindi pamilyar sa akin. Kumunot ang noo ko nang pumasok ang sasakyan sa isang mataas na gate at huminto sa tapat ng isang mansyon.

Pinagbuksan si Mr. Megarry ng isa niyang tauhan kaya lumabas na rin ako. Pinagmasdan ko ang buong paligid, inilibot ko ang mga mata ko bago bumaling kay Mr. Megarry na nakangisi. Sinong nakatira rito? Bakit napakaluwang? At anong ginagawa ni Mama rito? Is she just a maid here? Tiningnan ko ng masama si Mr. Megarry sa naisip.

"Let's go inside, Climate. Your mom's waiting for you," seryoso niya akong tiningnan bago ako lagpasan. Sumunod nalang ako at nasa likuran ko naman ang mga tauhan.

Pumasok kami sa isang magarbong sala. May mga maid kaming naabutan na naglilinis at bawat madadaanan ni Mr. Megarry ay bahagyang yumuyuko bilang paggalang. Is this his damn mansion?

My curious eyes looked around the living room. Napapatingin sa akin ang mga maid pero agad ding umiiwas 'pag nakitang nakatingin ako. Nilagpasan namin sila at huminto lamang sa dining area.

Breaking The Chains (COMPLETED)Where stories live. Discover now