Chain 22 - Sparring match

163 9 1
                                    

Chain 22

Sparring match

Sunday. My whole weekend ruined! Rest days no more. Ang plano kong matulog at magpahinga ay tuluyan nang naglaho. Maaga ulit akong nagising ngayon nang hindi ginigising ni Kendall. Naghanda muna ako ng breakfast bago pumuntang banyo upang maligo. Nagsuot muli ako ng sports bra at leggings, plano kong pumunta ng training area at mag-ensayo. Naabutan ko si Kendall na kumakain na sa lamesa paglabas ko ng banyo.

"Oh! Good morning, Climate!" She greeted with her mouth full of food.

Halos matawa ako nang makita ang itsura niya. Gulo-gulo pa ang buhok at halatang kababangon lang mula sa kama. Tapos maabutan kong kumakain na agad at mukhang gutom na gutom? Nagtataka ko siyang tiningnan habang umuupo sa katapat niyang upuan.

"Why are you so hungry?" Natatawang tanong ko.

Mabilis niyang nginuya ang pagkain para sumagot ngunit bigla siyang nabilaukan kaya agad kong inabot ang baso na may tubig.

"What the hell, Kendall! Hinay-hinay naman!" Hinagod ko ang likod niya habang umiinom.

Nang kumalma na ay bigla nalang siyang natawa. "I'm so tanga,"

"Talagang ikaw na ang nagsabi sa sarili mo n'yan ha?" I grinned at her.

Pagkatapos ay umirap ako at bumalik na sa upuan. Nagsimula na akong kumain habang naiiling. Yeah, maybe I'm right? There's a side effect of being from the hospital. Baka may kung anong gamot na pinainom sa kanya ang mga nurses doon?

Ngumiwi siya pero natatawa pa rin. "I think it's better judging myself than being judged by others. You know, the more judgment, the more it hurts." Then she smiled a bit. Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niya.

"Kendall... We're living in a judgemental society nowadays, so you just need to prove to yourself that whatever they saying about you were all wrong. Prove it to yourself, not to others. Just be yourself confidently. Because indeed, we can't please everybody with this judgemental society." Sabi ko habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. "Got it?"

Her face brightened and her smile widened.

"Another inspirational word from Climate! That's why I love you, badass sexy bitch with a halo over the head,"

Iirapan ko na siya dahil tinawag niya na naman ako sa kung anong nickname ngunit nagulat ako nang bigla niya akong yakapin mula sa gilid. Napangiti nalang ako.

Nagpatuloy kami kumain. Sinabi ko sa kanya na pupunta ako ng training area pero nagpahintay pa siya dahil gusto niya rin daw sumama. Natuyo na ang buhok ko habang hinihintay siya kaya napagdesisyonan kong itali na 'yon ng mataas.

"Done! Let's go!" She said ecstatically.

Masaya siya habang naglalakad kami papuntang training area. Marami kaming fighters na nadadaanan na bumabati sa amin. Si Kendall lang ang ngumingiti at kumakaway. Nang makarating kami sa training area ay kakaunti lang ang nag-eensayo. Maybe because it's Sunday? Karamihan ay nagpapahinga ngayon.

"Isn't that the new kid?"

Tiningnan ko ang gawi ng tinuro ni Kendall at nakita ko nga ang batang bago sa isang gilid. She's using jumping rope while she's talking to another fighter. Napalingon silang dalawa sa amin at mabilis na lumapit.

"Hi, Miss Climate!" Arcellie greeted. Nahihiya namang ngumiti ang kasama niya.

I just nodded. I'm glad I saw her here and do some pieces of training.

"A-Ahm, eto nga po pala si Alliza. Pwede ko po ba siya ka-sparring?" Tinuro niya ang kasama niyang babae na sa tingin ko'y kaedad niya. Ito rin 'yong kasama niya noong sinabi niya sa akin na magpapatulong siya.

Breaking The Chains (COMPLETED)Where stories live. Discover now