Chain 41 - Tell her

153 10 4
                                    

Chain 41

Tell her

I muttered curses on my mind.

Hirap akong lumunok dahil sa patalim na nasa aking leeg. I bit my lower lip and I still manage to smirk.

"Thank you for the warm welcome then," I said sarcastically.

Pagkatapos no'n ay mabilis kong hinawakan ang kanyang braso. I twisted it as I faced her. Nagulat pa ako nang makitang isa na naman 'to sa alipores ni Avarice. What the hell?

Bago ko pa man tuluyang maitutok sa kanya ang patalim ay nakarinig na ako ng kasa ng baril mula sa likuran.

"One wrong move and I'll pull the trigger," sabi nito.

Wala akong ibang nagawa nang muling itutok sa akin ang patalim ng babaeng nasa aking harapan. Ngumisi ito bago balingan ang may hawak ng baril.

"You're just on time, Avarice..."

Kumunot ang noo ko at pinilit na harapin ang babaeng nasa aking likuran upang makumpirma iyon. Halos mapamura ako nang makitang si Avarice nga iyon! She's holding a gun pointing at me! Nakangisi, galit at nanginginig habang nakatitig sa akin.

What the hell is she doing here?

Lumipat ang tingin ko sa mga babaeng nakapalibot sa amin. They are all wearing dark red lipstick, on a high ponytail and with a cat woman outfit! Oh, fuck.

"You're... Evil Cat?" I said with gritted teeth.

Hindi ko maitago ang gulat sa aking mga mata ngunit mas nangibabaw ang galit ko sa harapan ng babaeng ito! She laughed evilly.

"Suprise?" Nang-aasar niyang sinabi.

I closed my fist angrily. Ramdam ko ang panginginig ng aking buong katawan sa sobrang galit. Halos hindi ko maiproseso ang lahat. Why is she doing this to me? What could be the reason? Anong mas malalim na rason bukod kay Zarvick dahil iyon lang tlang tanging naiisip kong dahilan niya! Paano niya nagawang pumatay at mandamay ng iba?

Is she that crazy over Zarvick Izra? Damn her!

"Fuck... you," I glared at her.

Binaba niya ang kanyang baril. Tumaas ang kilay niya sa akin ngunit mababakas pa rin ang galit.

"Get her inside, Jaque." She commanded coldly.

Tinalikuran niya kami at diretso nang pumasok sa warehouse. Pinagbuksan pa siya ng pintuan ng isang tauhan.

"Lakad!" Sabi ng babaeng si Jaque at marahas akong tinulak.

Nakatingala ako nang magsimulang maglakad dahil sa matulis na dulo ng patalim sa aking leeg. Ramdam kong konting galaw ko nalang ay masusugatan na ang balat ko. Damn it!

Pumasok kami sa warehouse at dumiretso sa maiingay na tao. Dito rin ako noon pumasok kung saan ko nakalaban si Anna Conda na iyon. Jaque removed the sharp weapon on my neck then nodded at the one cat woman nearby. Lumapit sa akin ang tinanguan niya at nilagyan ako ng posas. Hindi ako nanlaban. Hindi ako gumalaw. Nanatili lang akong nakatayo roon at tahimik na nagmamasid.

Ang amoy usok na sigarilyo, alak at nagsasayawang iba't-ibang kulay ng ilaw ay nakakahilo. Ganoon pa rin naman ang itsura nito ngunit ang nagbago ay walang pinagkakaguluhan sa gitna. Tanging mga halong babae at lalaking umiinom ng alak ang nandito. The music was solemn and they all look calm.

Where are those fighters? Where's Anna Conda?

Ilang sandali pa nang makarinig ako ng isang tinig at nakita si Avarice sa gitna nito. She's holding a microphone while grinning at me.

Breaking The Chains (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon