Chain 8 - Passed out

252 21 2
                                    

Chain 8

Passed out

I was about to climb in the octagon ring when someone grabbed my arm. Akala ko ay si Zarvick na naman ngunit napangisi ako nang makita si Rheum na nakangiti sa akin.

"Galingan mo," he winked.

"Of course I will," I smirked.

Tumango siya. Umamba siya ng fist bomb kaya binangga ko rin ang kamao ko sa kanya. Napatingin naman ako kay Kendall na nasa tabi na pala ni Rheum. Nakanguso siya ngunit ngumisi na rin. Well, alam niyang wala na siyang magagawa. I just nodded at them saka tuluyan nang pumasok sa octagon ring.

"Climate! Climate! Climate!"

"Whoooo!"

The whole crowd cheered. Inilibot ko ang tingin ko sa buong Arena. Parang wala nalang 'to sa 'kin. I let out a deep sigh. Ngunit bahagya akong natigilan nang huminto ang tingin ko sa madilim na mga matang nakatitig sa akin. It's Zarvick Izra. Nasa VIP seat, nakahalukipkip at seryoso akong pinagmamasdan. Katulad ng una ko siyang nakita, kinakabahan ako. Hindi ko lang alam kung paano ko nalagpasan ang mga panahon na nagkakausap at nagkakasama kami. He's intimidating pero hindi ko lang pinapahalata iyon, lalong-lalo na sa kanya.

I rolled my eyes then I smirked at him before drifting my gaze to my opponent for tonight.

"And here at the left corner, the one who accepted the challenge of the defender, who's ready to uncrown the undefeated. The deadly... NATASHA WICKS!"

The crowd whistled at the entrance of the girl. Seryoso agad ang mukha nito nang tingnan ako. I can see that she badly wants to win. And I like the determination. I smiled sweetly at her.

Inayos ko na ang aking handwraps bago mag warm up. Kahit na ramdam ko pa rin ang kirot sa kanang braso ay hindi ko nalang pinahalata. Tumalon-talon ako. Sinubukan ko ring sumuntok sa ere at alam kong hindi ganoon kalakas ang magiging suntok ko sa kalaban. Fuck that girl Avarice! This is because of her being a damn coward.

I stepped forward when the referee motioned the center of the octagon ring. Naglapit kami ni Natasha Wicks. I'm standing proudly while looking straight to her. She arched her right eyebrow then she looked at me from head to foot. Mas matangkad siya sa akin, hanggang mata niya lang ako, maputi at mas malaki ang katawan. Nakasuot ng pula at itim na sports bra at cycling.

"We have three rounds, ten minutes per round. No rules. Ready?" Sabi ng referee.

Sabay kaming tumango ngunit hindi napuputol ang titigan.

After a second, the bell rang. Pinagtama namin ang parehong kamao bago maghiwalay para kumuha ng bwelo. Tumalon-talon ako.

She attacked me first. I was caught off guard. Hindi ko inasahan ang pagsipa niya sa akin bilang unang atake and luckily, sa kanang braso ko pa iyon tumama. Napamura ako nang muntikan na akong bumagsak sa sahig, mabuti nalang at naitukod ko ang kaliwa kong kamay.

"Owwww!"

"Break her bones, Climate!"

Nagsigawan pa lalo ang mga manonood.

I heard Natasha Wicks chuckled while walking towards me. Nang makita ko ang mga paa niyang malapit na sa akin ay mabilis akong tumayo ng diretso. I attack her with my leopard blow straight to her face using my left hand. Napaatras siya ng ilang hakbang. Ngunit parang wala lang iyon sa kanya dahil tumakbo agad siya papunta sa akin. Tumalon siya at dinaganan ako. Napahiga ako sa sahig. Sinakal niya ako.

"You're just for the first round, Climate." Nangingising sinabi niya.

I hold her wrists but she tightened her grip more. Napalunok ako at umubo. Shit. Inalis ko ang hawak ko sa kanyang pulso at inilagay ang braso ko sa binti niyang nasa magkabilang gilid ko. Nagulat siya nang buong lakas ko iyong itinaas at binagsak siya sa gilid. Her grip loosened that's why I was able to escape. Ako naman ang dumagan sa kanya. Hinila ko siya sa buhok at marahas na binitawan pabalik kaya tumama iyon ng malakas sa sahig. Pagkatapos ay sinuntok ko siya nang malakas gamit ang kaliwang kamay. Be thankful Natasha Wicks, hindi ko magamit ang kanan kong kamay.

Breaking The Chains (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें