Chain 48 - Free

187 9 1
                                    

Chain 48

Free

He was stunned.

Kinuha ko ang pagkakataon na 'yon upang tuluyan nang umalis sa harapan niya. Malalaking hakbang ang ginawa ko upang makalapit sa gate. Kita ko ang pagkaalarma ng mga tauhan sa bawat sulok na daanan ngunit walang nangahas na lumapit sa akin dahil ang nagpipigil lang sa kanila na hulihin ako ay si Zarvick.

Inasahan ko na ang muling pagpigil sa akin ni Zarvick kaya naman nang hinarap ko siya ay binigyan ko siya ng isang suntok. I punched him straight to his gorgeous face! Bukod sa gusto kong hayaan niya na akong umalis ay mas nangingibabaw ang galit at inis ko sa kanya ngayon.

"We're just even," I said coldly.

Mabilis na naglapitan sa amin ang mga tauhan at pinaligiran ako habang may mga nakatutok na baril sa akin, ang iba ay umambang parang pinoprotektahan si Zarvick mula sa akin.

Hell! I could just punch their master but I couldn't kill him! I didn't have any weapon here and if ever I have one I don't think I can do that!

Damn. I know from the very start that he's not really serious about me. But my shitty feelings for him controlled my whole system! I let myself fell for him deeper and harder. I forgot that he's an Izra. A playboy, jackass, and an asshole! Kaya ngayon ay ako pa ang nahihirapan.

Tatlong bodyguards ang nasa likuran ko habang may mga hawak na baril ngunit hindi pa rin ako natinig. Nanatili lang akong nakatayo roon at pinantayan ang galit sa mga mata ni Zarvick. Nagmura siya.

"Put all your guns down!" He said with a very dangerous and authoritative voice.

Mabilis na sumunod ang mga tauhan sa kanyang inutos at ibinaba ang baril.

"You are all fucking fired!" He growled and looked at them.

Suminghap ako sa gulat sa sinabi niya. Sa galit niya ay nasabi niya 'yon. Halos magsalubong na ang kanyang makakapal na kilay at nagtatagis na ang mga panga. Tama lang naman ang ginawa ng mga tauhan na panunutok ng baril sa akin. I harassed their master that's why! Nandadamay pa siya ng iba sa galit niya! Damn you, Izra!

"Fuck it. Go on! Just kill me!" I said without tearing my eyes off him.

Punong-puno ng panghahamon ang aking mata. His face darkened.

"Cliandria," He warned.

"It's either you're going to kill me or just let me get out of here!"

"I won't do that. I won't choose–"

"Then I'll choose! Aalis ako!"

Umiwas siya ng tingin sa akin at matalim na tiningnan ang mga tauhan na nakapalibot pa rin sa amin kaya nagsialisan agad ang mga ito.

"Ihahatid kita–" he continued.

"No!" I said immediately.

Akmang lalapitan at aabutin niya ang aking siko nang umatras ako. Nawala ang galit sa mukha niya at napalitan iyon ng pagsusumamo. He tilted his head and looked at me softly.

"Baby, please..."

Tangina. Parang gusto ko nalang makita na galit siya upang mas magalit din ako sa kanya. Mahihirapan lang akong itaboy siya! Sinaktan ko na siya't lahat pero bakit ayaw niya pa ring sumuko? Sinasaktan niya rin ako ngunit bakit mahal ko pa rin siya? Am I that crazy over him like his damn girls?

"Cliandria, baby, please... I love you. Don't do this,"

Umiling agad ako. Stop being so gullible this time, Climate. Remember he's a ruthless playboy!

Breaking The Chains (COMPLETED)Where stories live. Discover now