Chain 21 - Trainer

179 9 1
                                    

Chain 21

Trainer

Mabilis na natapos ang isang linggong klase sa Luxury University. Wala namang masyadong nangyari and I'm glad about that. Umiwas ako kay Zarvick at maging sa mga pinsan at kaibigan niya. That's the right to do dahil naging tahimik ang buhay ko simula no'n. I haven't seen him the whole week actually, maliban lang noong makasama ko si Azalea sa Resto at makita ko siya na kasama si Avarice sa harapan ng Main Building. Though, that Rye Skein guy keeps on pestering me and I don't entertain him that much. Lalo na 'pag kasama niya si Azure dahil kaklase ko sila sa ibang subjects.

Ngunit may isa pa palang bumabagabag sa akin, ang taong nasa likuran ng death note. Death note na ang tinawag ko dahil halata namang kamatayan ang gusto ipahayag ng sulat, kamatayan ko. They want to play. They threatening me. And I'm scared, not for myself but for the people around me. Hindi ko alam kung ilan o sino ang nasa likuran ng lahat ng ito but I assumed na marami.

Today is Saturday and I'm planning to sleep for the whole weekend. Rest days! No fights. No trouble. No Climate outside of the dungeon. Subalit parang hindi yata mangyayari ang inaasahan ko dahil naramdaman ko ang pagyugyog sa akin ni Kendall upang magising ako.

"Climate, someone's looking for you!"

Gusto kong matapos na ang lahat ng sinasabi niya kaya mabilis na akong bumangon. With a very very frustrated face. Damn. What is it this time? Sino ang pupunta rito na ganito kaaga?

"Who the hell is that?" Inis kong tanong.

Umismid lang sa akin si Kendall at tinuro ang pinto. "She's outside,"

"Anong kailangan?" Tanong ko habang tumatayo.

Kendall just shrugged her shoulders. "She's the new fighter. I don't know why she's looking for you. And gosh, Cli, why she looks so innocent? She's young and cute! What do you think? She's not bagay dito." Nakanguso niyang sabi.

Well, damn, parang alam ko na ang pagkakaabalahan ko this weekend. I thought it's a rest day! Sinabi ko nga pala sa bata na ite-train ko siya if I'll have my spare time. But hey, I don't have spare time, I'm gonna sleep! Goodness. Bakit ba kasi sa akin pa? Naubusan na ba ng mga trainer si Megarry?

I'm ready to turn down the kid's request but I immediately closed my mouth when I saw her innocent face outside. Yeah, Kendall's right. Hindi talaga siya bagay dito.

Katulad ng dati ay hindi talaga siya makatingin sa akin. Her eyes were fixed on the ground like there's an interesting thing in there. Umirap nalang ako at humalukipkip. Naiinis ako. Naiinis ako dahil nakikita ko ang batang sarili ko sa kanya. A pitiful, weakling and innocent kid. But I was just nine when I first entered the dungeon and I think she's fifteen or sixteen. That age, nakalaban na agad ako sa Arena. Siguro kung mga fifteen of sixteen din akong napunta rito ay ganitong-ganito rin ako sa kanya.

"A-Ahm..." Panimula niya.

"How old are you?" Tanong ko.

Umangat ang tingin niya sa akin at hindi inasahan ang tanong ko. "P-Po? F-Fifteen po..." Mahina niyang sagot.

I knew it.

"Why did you end up here in dungeon?" I asked again.

"Ayokong mawala ang pamilya ko..." Sagot niya at tumingin sa akin. Buo ang boses niya dahilan upang tumaas ang kilay ko. She's serious and damn determined. Okay, I understand her. That's the main or usual reason why fighters end up here in dungeon, like me. Hindi ka pipilitin pero mapipilitan ka.

"K-Kaya, please... Miss Climate, tulungan niyo po ako..." Dagdag niya at muling nagmukhang kaawa-awa.

"What's your name?" Huling tanong ko.

Breaking The Chains (COMPLETED)Where stories live. Discover now