Chain 15 - School owner

188 11 1
                                    

Chain 15

School owner

Maraming estudyante na kumakain sa Resto. Punuan at wala nang bakanteng lamesa. Suminghap ako nang lapitan ako ni Azalea dahil hindi ako umaalis sa aking kinatatayuan. All of them are watching me.

Zarvick Izra is intently looking at me. He titled his head and smirked. Hindi inaalis ang mga mata sa akin.

"Hey, Cliandria, I'm sorry. There's no table available so I sat at my friends and cousins' table,"

Umiling agad ako sa sinasabi niya. "No, it's okay. I'm late. I'm sorry."

She smiled shyly. "Dito muna tayo sa kanila?"

I arched my eyebrow to refused. No. No way! Nakita kong ngumuso siya.

"N-Nahihiya ka ba?" Nagtataka niya akong tiningnan.

I looked at her. Umawang ang labi ko para magsalita ngunit hindi iyon natuloy dahil may biglang sumulpot galing sa aking likuran.

"Oh! Cliandria? You're here?" Nagugulat na humarap sa akin si Rye Skein.

Tiningnan ko siya at tumango nalang. Nakita kong kunot-noong tiningnan ni Azalea si Rye Skein.

"You know Rye?"

Rye Skein nodded and smiled while looking at me. "I brought her in her classroom, right Cliandria?"

"Uh, yeah,"

"Why don't you invite her to our table, Aza?" Rye Skein said to Azalea.

"That's what I'm gonna do," pabiro niyang inirapan si Rye Skein bago ako hinawakan sa braso at hinila sa table nila.

Nakita kong magulo ang nasa mahabang lamesa. Ang mga lalake ay nagtatawanan at ang mga babae ay nag-uusap-usap at may sariling mundo. Lumipat ang tingin ko kay Zarvick. Siya lang ang tahimik dahil nakatuon sa akin ang kanyang atensyon. Nakahalukipkip at seryoso. Dito rin siya nag-aaral? Damn it!

"Uh, Azalea..." Pipigilan ko sana siya sa ginagawa niyang paglapit ngunit nginitian niya lang ako.

Si Rye Skein ay nasa gilid ko na nauna nang umupo sa bakanteng upuan nang makalapit kami sa mahabang table. Pinapanood kami ng mga estudyanteng nandoon din sa loob. They are curiously looking at us. Especially me. Dahil ba bago ako? And what with this group of people? Azalea is an Izra and Zarvick Izra is here. I just sighed and composed myself.

Narinig kong tumikhim si Azalea at inayos ang kanyang suot na salamin upang makuha ang atensyon ng mga tao sa mahabang lamesa. Isang dosena silang nakaupo roon hindi pa kasama si Azalea.

"Uh, guys, makikitable muna kami ng partner ko ah? You see, there's no table available-" pinutol ko ang sasabihin niya.

"No, it's okay. I'll go now. Pwede pa naman natin pag-usapan ang gagawin mamaya o bukas,"

"Huh? I'm sorry. Ayaw mo ba rito?" Nag-aalangang tanong ni Azalea.

"She's fine here, Azalea. Go take a seat," malamig na sinabi ni Zarvick.

Sabay kaming napatingin sa kanya. Halos lahat din yata ng nasa table ay binalingan siya. I mentally rolled my eyes. Ano? I'm not fucking fine here! Lalo na dahil nandito siya!

"Here's your chair, miss."

Napatingin ako sa lalaking naglagay ng monoblock chair sa tabi ko. Namukhaan ko agad siya. Siya 'yong lalaking bumungad sa akin pagkagising ko kanina. Hindi ko alam kung maiinis ako sa kanya o ano. Dahil sa kanya ay nagising ako ngunit kung hindi niya naman ako nagising ay malelate ako sa usapan namin ni Azalea na partner ko. But it would be better if he didn't wake me up. Ayos lang na hindi na ako pumunta rito, e 'di sana ay hindi ko nakita si Zarvick!

Breaking The Chains (COMPLETED)Where stories live. Discover now