Chain 26 - Lifeless body

155 12 1
                                    

Chain 26

Lifeless body

Natapos ang klase sa buong araw na iyon. I don't know why but I am really damn tired. Pakiramdam ko ay sobrang daming nangyari sa araw na ito at lahat ng nangyaring 'yon ay hindi ko gusto. Darn. Worst day.

Naglalakad na ako palapit sa fountain kung saan naghihintay si Kendall. Marami nang mga estudyante sa labas dahil dismissal na kaya mas lumala ang bulungan sa paligid. Dumagdag pa ang nangyari kanina nang palibutan ako ng grupong sinasabing Unfathomable. Ilan sila? Thirteen? Shiz.

"Cli!" Kumaway sa 'kin si Kendall nang makita ako.

Kumunot ang noo ko nang siya pa ang lumapit sa 'kin at excited na naman ang mukha. I'm sure, she's gonna ask me about what happened. Kalat na kalat na ang pagsuntok ko kay Zarvick kaya imposibleng hindi iyon nakarating sa kanya. Knowing Kendall. Goodness.

"Oh my God, Cli! Are you okay? I mean, are they okay?" Tanong ni Kendall habang hinihila ako palapit sa gate.

"What?" Tumaas ang kilay ko.

"You know, no catfights happened? You're the talk of the town, I mean, talk of the school! You're not pissed? Hindi mo sila niaway?" Nakangiwing tanong niya. Bahagya pa ako sa term niyang niaway. Kinda childish.

Umiling ako. "I got a bigger problem than that. They're just a waste of time,"

"Woah? Really? Congrats!" Huminto siya sa paglalakad dahil bigla niya akong niyakap. "You can control your temper now!" Masaya niyang sinabi.

I rolled my eyes and smirked. Kumalas siya upang magtanong na naman.

"Ba't hindi mo talaga napigilan kay Zarvick? Why did you punch him?"

"I told you, I hate him. He deserves that," sagot ko at nauna nang maglakad.

Nakalabas kami sa mataas na gate ng Luxury University at naabutan namin doon si Valentine na nag-aabang ng masasakyan. Ngumisi siya at kumaway nang makita kami. Nakita kong nginisihan din siya ni Kendall na halatang peke. Napailing nalang ako sa ginawa niya.

May humintong taxi sa harap namin kaya sumakay na kami ni Kendall. Hindi ko na pinansin nang sumakay din si Valentine sa front seat. Siya na ang nagsabi ng address. Ilang sandali nang bigla siyang magsalita.

"How's the feeling to be with the Unfathomable, huh, Climate?"  Napatingin ako kay Valentine. Nakatingin siya sa 'kin sa rearview mirror. Seryoso ko lang siyang tiningnan galing doon at tinaasan siya ng kilay.

"You were with them, Cli?" Gulat na humarap sa 'kin si Kendall. Oh, hindi nakarating sa kanya 'yon?

I heard Valentine laughed and nodded at Kendall. "And she enjoyed it, right, Climate?" Then she smirked.

I arched my eyebrow even more and glared at her. What the hell is she saying?

"You like so much attention, Climate. Hindi ka pa nakuntento na sinuntok si Zarvick Izra at talagang sumama ka pa sa grupo nila." She added.

Napailing nalang ako. Iyon ba ang iniisip nilang lahat? Are they blind? Are they that brainless? Siguro nga dahil mga bibig lang ang kaya nilang gamitin upang manghusga. Can't they just use their brain not their damn mouth? O wala nga talaga silang utak para mag-isip?

"Is that true, Cli?" Tanong pa ulit ni Kendall.

"Think whatever you want to think. I don't give a damn." Mariing sinabi ko habang nakatitig kay Valentine sa rearview mirror.

Mabuti nalang at nakarating na kami sa dungeon. Pagkatapos ko magbayad ay lumabas na agad ako at dire-diretsong pumasok sa loob. Marami ngang tauhan sa labas na nagbabantay, lahat sila ay nandoon at wala na sa loob.

Breaking The Chains (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin