Chain 24 - Like a wind

149 12 1
                                    

Chain 24

Like a wind

"Now, I'm done with you."

With those words, he left me but his cold and serious voice didn't leave my whole mind. It keeps on playing repeatedly on my ear. What does he mean by that?

"Ahm... Miss Climate?"

Natauhan ako nang bigla may nagsalita sa likuran ko. Seryoso kong hinarap si Arcellie na nakakunot-noo akong pinagmamasdan. I arched my right eyebrow.

"B-Bakit ang pula niyo po? Pati po ang mata niyo," Tanong niya sabay turo sa mukha ko.

Nagulat ko sa sinabi niya kaya kinunot ko ang aking noo. My lips were now in grim line while fiercely looking at her. Mukha naman siyang biglang natakot kaya umiwas ng tingin at tumitig sa mga paa niya.

"Cli!"

Narinig ko ang mabilis na yabag ni Kendall palapit sa 'kin. Bumuga ako ng hangin at napairap. I don't know but I feel so damn pissed. I don't want to talk to anyone right now. I'm not in the mood!

Nang makita ako ni Kendall ay mabilis na tumaas ang kilay niya. Pinagmasdan niya rin ang itsura ko katulad ng ginawa ng batang Arcellie kaya nilagpasan ko na siya. I know what she's thinking. Nagmartsa ako papunta sa cell namin.

"Climate, wait up!" Hinabol niya ako at sinubukan akong harangin kaya napahinto ako.

"Why your face and eyes red? Oh my. You cried?" Nanlalaki pa rin ang mga mata niya.

I ignored her question and continued walking. What is she saying? Why the hell would I cry? Siya ang may kasalanan nito dahil nahilam ako sa sabon habang naghihilamos! But I won't tell her that because I'm not in the mood to talk.

Hinabol niya ulit ako ngunit napahinto na ako dahil natanaw kong nakabukas ang pintuan ng aming cell. What the fuck was that opened?

"Climate–" Kendall's voice strangled when I started walking hurriedly towards our cell.

Nanliit ang mga mata ko habang nagmamasid sa paligid. Nasaan ang mga tauhan ni Mr. Megarry na nagbabatay dito?

"Climate what's the–"

Magkasalubong na kilay kong binalingan si Kendall. Nagtataka siya sa inasal ko.

"You didn't close the door?" Mariin kong tanong.

"Huh?" Ngumiwi siya at nagtataka pa ring tumango. "Why? What's the matter? Nagmamadali kasi tayo kanina–"

Naputol ang sasabihin ni Kendall nang biglang sumulpot si Valentine sa likuran namin.

"Oh! Hi Climate! Hello Kendall!"

I looked at her darkly kaya natigilan siya. Tinaasan niya ako ng kilay at ngumisi nang makabawi.

"Nakasalubong ko kayo, 'di niyo ko napansin?" Maarte niyang sinabi at tinuro niya pa kung saan siya nanggaling.

"Hindi ka naman kasi kapansin-pansin," ngumuso si Kendall pagkatapos niyang sabihin iyon sa slang na salita. She knows how to speak in Tagalog pero naiirita siya dahil slang ang pagbigkas niya at madalas siya mabulol.

Masama siyang tiningnan ni Valentine bago umikot ang mga mata saka tumingin sa 'kin. Ngumisi siya nang humarap sa akin at para bang may nakakatuwa siyang sasabihin.

"Oh well Climate, I saw what happened... Over there," malamya niyang tinuro ang hagdanan papunta sa training area gamit ang isang daliri.

Lalong kumunot ang noo ko ngunit maarte lang siyang tumawa at nagpaalam umalis. Kinagat ko ang aking labi sa sobrang inis. Damn it!

Breaking The Chains (COMPLETED)Where stories live. Discover now