Chain 30 - Make sure

148 11 1
                                    

Chain 30

Make sure

I closed my eyes slowly as I kissed him back. I feel so weak and I can't control myself. I heard him grinned and muttered curses between our kisses. Fuck. Napapikit ako ng mariin.

I shouldn't be in love with him. I couldn't be in love with him. He's an Izra for Pete's sake!

I gathered all my senses to pushed him away from me. Nagulat siya sa ginawa ko kaya umatras na ako palayo sa kanya. I shook my head repeatedly and tried to give him a glare. Hindi ko pwedeng ipakita sa kanya na nanghihina ako. Hindi niya pwede malaman na naaapektuhan ako sa lahat ng ginagawa niya. Hindi niya pwedeng mapansin na may nangyayaring ganito sa sistema ko.

This is wrong. Damn it!

"Cliandria–" before he could say a word, I immediately ran towards the door.

Mabilis akong lumabas ng restroom at mabilis na naglakad papunta kung saan. I just need to get away. Ayoko nang mangyari ang nangyari sa akin kahapon na halos hindi makagalaw dahil sa sobrang lapit niya. Luminga-linga ako at halos wala nang estudyante sa paligid. Nasa open gym na nga yata lahat. Hindi pa tapos magperform ang iba dahil hanggang ngayon ay naririnig ko pang may kumakanta.

I decided to go back to the open gym. Sigurado akong hahanapin ako ni Zarvick at hindi niya na 'ko makikita sa dagat ng estudyante roon. Dumaan ako sa naglalakihang puno sa likuran nitong stage ng open gym. Mas malapit kung doon ako dadaan ngunit isang malakas na paghigit sa aking braso ang aking naramdaman. Halos mapamura ako nang isandal ako nito sa isang puno. Suminghap ako nang makita si Zarvick sa aking harapan. Magkasalubong ang makakapal na kilay, seryoso ang mukha at galit na tinitigan ako. Oh, hell! Ba't ang bilis niya akong naabutan?

Sinubukan kong pumiglas sa hawak niya ngunit kinulong niya ako sa malaking puno gamit ang kanyang mga braso. Ang kamay niya ay nasa gilid na ng aking mukha.

"Fuck, Zarvick! Can't you just leave me alone?!" I said frustratedly.

Narinig ko ang sigawan at palakpakan ng mga estudyante nang matapos kumanta ang nagpeperform. Alam kong hindi nila maririnig ang sigaw ko dahil sa sobrang ingay doon. Isa pa ay walang makakakita sa amin ni Zarvick dahil nakatago kami sa likuran ng puno.

"I can't leave you now, Cliandria. After you fucking made me crazy with your kisses?!" Pinantayan niya ang iritasyon ko ngunit mas dama ko ang galit niya.

Nagmura ako at sinubukan siyang itulak ngunit parang wala lang 'yon sa kanya. Ang matigas niyang dibdib ay hindi man lang natinag. I can push him but I am too weak to do that again. Maswerte lang ako kanina dahil hindi niya inasahan ang pagtulak ko.

"Damn it, Cliandria! You're confusing me!" Sabi niya nang hindi ako nagsalita dahil sinubukan ko siyang tinulak.

You're fucking confusing me too, Zarvick! But I can't tell him that. Hindi ulit ako nagsalita at galit lang siyang tiningnan. Pero hindi ako galit, gusto kong ipakita sa kanya na malakas ako. Na hindi ako bibigay sa kanya. Na hindi ako katulad ng mga babae niya!

"Tell me, you're not in love with me, Izra, coz' that would be useless.'" Matigas kong sinabi sa kanya.

Umangat ang tingin niya sa 'kin kasabay ng pag-uumpisa sa pagtugtog at pagkanta ng sumunod na magpeperform.

Say something, I'm giving up on you

I'll be the one, if you want me to

Anywhere, I would've followed you

Say something, I'm giving up on you

Halos mawalan ako ng hininga sa sumunod na kanta. Shit. What's with the song? Natigilan ako at mas lalong hindi nakahinga ng maayos. Naramdaman ko ang malalalim na paghinga ni Zarvick sa harapan ko. Was he affected too?

Breaking The Chains (COMPLETED)Where stories live. Discover now