Chain 13 - Face your fear

186 12 1
                                    

Chain 13

Face your fear

Hindi ko na pinatagal pa ang pakikipag-usap ko kay Valentine dahil sa sobrang inis ko. I immediately turned my back at her right after I punched her face. Narinig ko pa siyang minura ako ngunit hindi ko na pinansin. Next time Valentine, hindi lang 'yan ang makukuha mo.

I made my way to the main dungeon. Mabilis kong binuksan ang double doors. Ang mga bodyguards sa labas ay hindi na ako napigilan.

"Where the hell is Zarvick Izra?" Bungad ko at dire-diretsong lumapit sa table ni Mr. Megarry.

May kung ano siyang ginagawa sa kaharap niyang laptop. Tiningnan niya lang ako ng seryoso.

"What do you need from him?"

"I want to talk to him. Call him now!" Binagsak ko ang mga kamay ko sa lamesa niya.

Nakita kong naalarma ang mga tauhan niya sa ginawa ko. Umirap ako. Pinigilan sila ni Mr. Megarry sa pagtangkang paglapit sa akin.

"Bakit, Climate? Sisimulan mo na ba ang pinapagawa ko?" Sumilay ang ngisi sa labi niya.

Hindi ko iyon pinansin at iritado ko siyang tiningnan lalo na nang ituon niya muli ang atensyon sa kanyang laptop.

"Damn it! Wala pa rin si Kendall dito hanggang ngayon!"

"I know," simpleng sinabi niya nang hindi pa rin ako binabalingan.

"What? Hindi mo man lang siya ipapahanap?"

"She knows how to come back here, Climate. Alam niya rin na kapag hindi siya bumalik dito sa loob ng labing dalawang oras, may mangyayari sa pamilya niya."

"Fuck you!"

Nakalimutan ko ang tungkol doon. Damn blackmailer!

"She's with Zarvick Izra–"

"Walang sinasabi sa 'kin si Mr. Izra, Climate. How can you say that?"

"Just ask him and call him now!" I said frustratedly.

Nag-aalala na ako kay Kendall dahil baka kung ano nang nangyari sa babaeng 'yon. He's with a dangerous man right now!

"Then call him, Celeste. Ask him yourself. Stop wasting my time here."

Inihagis niya ang kanyang cellphone sa akin at nasalo ko iyon. I glared at him. Binuksan ko ang cellphone at hinanap ang pangalan ni Zarvick sa contacts. I dialed him immediately when I saw the name Zarvick Izra on the phone. Damn it. I'm only doing this for Kendall. I swear! Hindi na 'to mauulit!

Nag-ring ang kabilang linya, bumagal ang paghinga ko at kumalma. Hindi tulad kanina na sobrang iritado. Nang tanggapin niya ang tawag ay halos maestatwa ako. Hindi ko alam kung bakit. Shit.

"Yes..." Ang mahina niyang boses ay nagpakaba sa akin.

Wala ako sa sariling napalunok ngunit natigilan ako nang naabutang pinapanood ni Mr. Megarry ang reaksyon ko. Matalim ko siyang tiningnan.

"Hello... Mr. Megarry?" Nahimigan ko ang medyo kagigising niya lang na boses. Yeah right, it's already late at parang nagising siya sa tawag. Wait. But how about Kendall? He's with her? Damn.

Tumikhim ako bago magsalita.

"Where's Kendall?" Kalmado ngunit mariin kong sinabi.

Sandaling natahimik ang kabilang linya. Paniguradong nagtataka siya dahil hindi si Mr. Megarry ang nagsalita gayong si Mr. Megarry ang tumawag.

"Wait. Is this Cliandria?" Nagtataka niyang tanong.

Umirap ako. "Yes. Where's Kendall? Are you with her?"

Breaking The Chains (COMPLETED)Where stories live. Discover now