Chain 25 - One punch

147 10 1
                                    

Chain 25

One punch

"DAMN IT. IZRA!"

I gritted my teeth when I called him. Pumihit ako upang harapin ulit siya dahil nilagpasan niya lang ako. Tumigil siya sa paglalakad at dahan-dahang lumingon sa 'kin. My blood immediately boiled when I saw him smirked while his hands are on his pockets.

"What, miss?" Tumaas ang kilay niya.

My mouth was now half opened to say a word but nothing came. He ignored me! I feel so embarrassed! Lalo na dahil maraming estudyante ang nakakita sa ginawa niya. Damn him! Matatalim na titig ang pinukol ko sa kanya ngunit seryoso niya lang akong tinitigan.

"Hey missy, I thought you didn't know Zar?" Sumingit si Azure na nasa gilid na ni Zarvick.

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Azure at mabilis na naglakad palapit kay Zarvick. Then I gave him a hard punch on his face! Narinig ko ang pagsinghap ng mga estudyanteng nanonood sa amin. Maraming tumigil sa paglalakad o kung ano pang ginagawa nila. Nakita ko rin ang paglaglag ng panga ni Azure sa ginawa ko.

Ngumisi ako ngunit galit pa ring nakatingin kay Zarvick na nakabaling sa kaliwa ang mukha dahil sa pagsuntok ko. I saw him licked the corner of his lips and turned his eyes on me. Mabilis ang paghinga ko ngunit hindi ako natinig sa seryoso at madidilim niyang mga mata.

"Take Mr. Megarry's calls or call him right now. That's all, Mr. Izra." Mariin kong sinabi bago siya lagpasan.

"What the fuck was that, man?!" Narinig ko pa ang bulalas ni Azure bago ako tuluyang umalis.

Hindi ko na tinapunan pa ng tingin ang mga matang nakatuon sa 'kin. Alam kong gulat o galit sila dahil sa ginawa ko sa kanilang pinakamamahal na anak ng may-ari ng eskwelahang ito. And I don't fucking care. Naiinis ako at huwag nila akong pagtangkaang kausapin o lapitan man lang.

Bumalik ako sa cafeteria at naabutan kong nandoon pa rin si Kendall. Akmang tatayo na siya ngunit natigilan nang makita ako. I remained my serious face when I sat in front of her. Kinuha ko ang soft drinks at uminom doon.

"Hey Cli, what happened? Saan ka galing?" Tanong niya at muling umupo ng maayos.

"May ginawa lang sandali," sagot ko.

Sinubukan kong magpatuloy sa pagkain ngunit nawalan na ako ng gana. Tuwing naiisip ko ang ginawang pagpapahiya sa akin ng lintik na Izra na 'yon ay naiinis ako! How dare he do that to me? Ba't ganoon siya kung makaasta? Bakit naging ganoon? That asshole, jerk, jackass! Damn him!

Ilang minuto pa kaming tumambay sa cafeteria ngunit nagpaalam na agad ako na pupunta sa susunod na klase dahil hindi ako makatiis sa mga bulungan sa paligid. Mabilis na kumalat ang nangyaring pagsuntok ko kay Izra. Shiz! Why so big deal? That man deserves a fucking punch! Kahapon ko pa gustong-gusto gawin 'yon. It's such a relief coz' I did it today.

Naghintay pa ako ng halos kalahating oras sa loob ng classroom bago dumating ang professor. Hindi na ako lumabas dahil sa masasamang tingin ng mga estudyante sa akin ngunit hanggang dito pala sa classroom ay ganoon ang gagawin sa 'kin. My goodness. Ang sasarap pagdudukutin ng mga mata! Anong magagawa ng tingin-tingin nila sa 'kin? Kairita!

Nagsimulang magklase ang professor subalit natigil siya sa pagsasalita nang biglang bumukas ang pintuan at bumungad si Lethal.

"Mr. Stewart! May balak ka pa palang pasukan ang klase ko?" Tumaas ang mataray na kilay ng professor habang nakatingin kay Lethal.

"I'm sorry, Prof. Rigor, I was just busy–" Lethal pouted when the professor cut him off.

"Stop the excuses! Find a seat!"

Breaking The Chains (COMPLETED)Where stories live. Discover now