Epilogue

328 11 14
                                    

:<<<

Epilogue

We are not in total control of everything around us.

Freedom is not absolute, and in our lives, there are lots of things we couldn't choose. When can I be able to taste the sweetness of freedom? When can I be able to decide and choose what makes me happy? Who makes me happy and complete. Is it that hard to reach for that?

I stared at my phone when I received a text from Zarvick. He said he's on his way to pick me up. Gusto ko sana na magkita nalang kami sa pupuntahan namin ngunit sabi niya'y susunduin niya nalang ako.

I inhaled deeply when I saw his car nearing. Napabuga ako ng hangin bago siya tuluyang salubungin ng matamis na ngiti. I watch him walk confidently when he finally parked his car. Ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakalapit nang salubungin ko siya ng mahigpit na yakap.

I heard him chuckled.

"Missed me so much, my Climate?"

"I missed you so bad," I whispered as I closed my eyes firmly.

This isn't our last hug, right? Magkikita pa ulit kami kapag tuluyang gumaling si Azahara.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kanyang kotse at naglahad ng kamay. Ngumisi ako sa kanya bago pumasok. Sumalubong agad sa aking ilong ang amoy ng kanyang pabango. It's his damn Red Corvet Stingray. I missed this. I missed his manly scent.

"This car is your favorite?" Tanong ko nang makaupo na siya sa driver seat at nag-ayos ng seat belt.

He glanced at me. Kumunot ang noo niya at tinanggal ang kinabit niyang seatbelt upang abutin ang akin at ikabit iyon. Ngumuso ako upang pigilan ang pagngiti sa ginawa niya.

"This is my only car," sagot niya pagkatapos.

Tumaas ang kilay ko. Sa pagkakaalala ko nung napunta ako sa mansyon nila, maraming kotse ang nakaparada lang doon. Imposibleng ito lang ang kanya! Plus he's filthy rich and damn successful businessman! Tapos isa lang ang sasakyan?

"I've been there to your mansion, ang daming sasakyan doon."

He started the engine before answering.

"That's Cheanne's collection of cars. Marami pa sa basement. She's into sports car and car racing." He stated.

Namilog ang labi ko. "And your parents allow her?"

"My Mom, yes, but Dad didn't. My Dad is a bit strict pero wala rin naman siyang nagawa,"

But his Mom looks so strict more than his Dad!

Natahimik kami at hindi na muli akong nagsalita. I silently looked outside the window and sigh. Saan ba kami pupunta? Bumaling ako kay Zarvick upang magtanong ngunit hindi ko na natuloy.

I just stare at him.

I watched every bit of his move while driving. Even the movement of his Adam's apple attracts me. My eyes wondered around his face. Ang magulo niyang buhok na halatang pilit niyang sinusuklay patalikod ngunit may iilang hibla pa rin na nahuhulog sa nakakunot na noo niya. Ang makakapal at matatapang na kilay. Matangos na ilong at maninipis na labi. Thick curvy lashes. And those inscrutable dark eyes. I'm leaving but I know that those tantalizing eyes will remain inscrutable... unfathomable... mysterious... yet attractive.

"You're staring at me too much, baby." He licked his lower lip and look at me.

Imbis na mailang at mahiya sa lantaran kong pagtitig sa kanya ay ngumisi pa ako. He's mine so why not?

"So what? I'm your girlfriend," ngumuso ako.

"No, you're not."

Tinigil niya ang sasakyan. Sa tingin ko'y nandito na kami ngunit hindi ko na iyon pinansin dahil sa sinabi niya. My brows furrowed. Anong sinabi niya?

Breaking The Chains (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon