Chain 17 - Second note

171 9 1
                                    

Chain 17

Second note

I wiped the blood on the corner of my lips after removing my hands on her jaw. I looked at my white blouse and there's a blood stain on it.

Dinampot ko ang aking bag sa sahig. Napailing nalang ako ngunit nagulat ako nang may biglang humigit sa aking braso at inilayo sa nagkakagulong mga tao. Idinala niya ako sa isang gilid. Sa madilim at walang pumupuntang tao. Nanlaki ang mga mata ko nang maaninag kung sino iyon.

"Anong ginagawa mo sa lugar na ito, Climate?" Mariing bulong sa akin ni Mr. Watts.

Napatitig ako sa kanya at agad na kumunot ang aking noo. I closed my fist. Hindi ako makapaniwalang nandito siya! Anong ginagawa niya? Bakit siya nandito?

Gideon Watts. He's my trainer, simula palang nang mapunta ako ng dungeon. Ngunit noong nakaraang buwan ay nagulat nalang ako dahil wala na siya sa dungeon. Hindi ko alam kung magagalit ba 'ko dahil sa ginawa niyang 'yon dahil makikita ko nalang siya ngayon sa magulong lugar na ito! Sa mahigit isang buwan na pagkawala ay dito ko lang siya makikita? He's like a father to me! And he's been with me all the damn time. Dahil sa kanya ay ganito ako ngayon. Malakas at kayang protektahan ang sarili. He trained me well. Laking gulat ko nalang nang bigla siyang mawala isang araw at hindi man lang nagpaalam.

"Bakit ka nandito?" Malamig na tanong ko sa kanya pabalik.

He's aging. I know that. I think he's now fifty plus? Ngunit makikitang malakas pa rin ang pangangatawan niya. Ang makapal niyang balbas sa kayang baba niya ay lalong kumapal at humaba.

"Dito ka lang pala pumunta, Mr. Watts?" Tanong ko ulit sa matabang na boses.

Hindi na siya makatingin sa akin at tanging nagawa nalang ay bumuntong hininga.

"Climate, hindi ka dapat pumunta rito-"

"Bakit? Delikado? Bakit? Ikaw, anong ginagawa mo rito? Ikaw ba ang namamalakad nito? Kaya umalis ka ng dungeon?" Hindi ko na mapigilan ang pagtatanong.

I can't be angry at him because he helped me to go through my life but I can't accept the fact that he just left without any damn word!

"You wouldn't understand, Climate." His lips were in grim line.

I know. Alam kong ayaw niyang sabihin ang dahilan. Kahit na alam niyang maiintindihan ko ay ayaw niya lang ipaalam. I wonder why? Ano ang dahilan upang umalis siya ng dungeon? Tinanong ko si Mr. Megarry tungkol doon ngunit sinabi niyang wala na dapat si Mr. Watts doon. May nagawa bang masama o mali si Mr. Watts? Then what the fuck is it?

"Then why the fuck did you leave me?"

"You're now good, I can see that until now. You don't need me anymore-"

"But you promised me!" Hindi ko na napigilan ang pagsinghal sa kanya. "You promised me you'll help me leave dungeon but you're the one left me, Mr. Watts!"

Nanggagalaiti ako sa sobrang inis. Iyon ang lagi kong sinasabi sa kanya tuwing lalaban ako. Sa bawat laban ko ay iyon ang naging motibasyon ko. Umasa ako. Ngayong wala na siya. Ako na mismo ang tutulong sa sarili ko. Kasama si Kendall.

"I'm sorry..." Iyon lang ang nasabi niya kaya lalo akong nainis.

"How dare you," I said as I punched his face. "I'm sorry too." Dugtong ko bago sana siya lagpasan ngunit pinigilan niya ako.

"Huwag ka nang bumalik dito Climate. David Megarry might know about this-"

"I don't care. Anymore." Suminghap ako. "And one more thing, may alam ka ba sa nangyari kay Kendall?"

Breaking The Chains (COMPLETED)Where stories live. Discover now