Chapter 4: Past is . . . Past?

15.9K 541 90
                                    

"Stella, gumising ka na! Tanghali na!"

"Um, ten minutes."

"Alas-siyete na! Bumangon ka na at kumilos!"

Naramdaman kong may pumalo sa paa ko.

"Wala akong pasok. Bukas pa."

Baag!

"Aw!" Napabangon agad ako dahil doon sa tunog ng bumalibag sa ulunan ko. "Bakit ba kasi?"

"Hoy, bata ka! Sabihin mo lang kung ayaw mo nang mag-aral, ha!"

"Ma, naman! Ang ag—" Halos lumuwa ang mata ko sa sobrang gulat.

"Ano? Pandidilatan mo lang ako ng mata diyan, ha?"

"Aaahh!" Napatakbo agad ako sa sulok ng kuwarto habang tumitili. "Ma, naman! Walang ganyanan!"

"Aba't nakasigaw ka pa, ha! Maligo ka na't may pasok ka pa! Ikaw na bata ka talaga!"

"Ma! Alam kong tamad akong mag-aral pero, promise! Wala akong bagsak! Dos ang pinakamababang grade ko sa Rizal! Ma, please!" pagmamakaawa ko habang naka-cross sign ang magkabilang hintuturo.

"Ako ba, niloloko mo, ha!" Binato niya 'ko ng hanger. Nailagan ko naman.

"Ma, please! Yung ilaw! Yung puting ilaw!" Itinuro ko ang itaas. "Sundan mo ang puting ilaw, Ma! Follow the light! I will pray for you, promise! Kahit hindi ako marunong magdasal, gagawin ko 'yon para sa 'yo! Yung mga boses! Tinatawag ka na nila! Si God, Ma! Tinatawag ka na ni God!"

Binato niya 'ko ng notebook na hindi ko na nailagan. "Aray, Maaa!" Tinamaan muna ako sa hita bago bumagsak sa sahig.

"Hoy, Stella! Anong God-God ka diyan?" Tumayo siya nang diretso at nagpamaywang. "Hindi kita in-enroll sa school na 'yon para lang mag-aksaya ng pera! Kaya kung ayaw mong gr-um-aduate ng high school, sabihin mo lang nang hindi kami nag-aaksaya ng pera sa 'yo!"

"E sino ba kasi ang may sabing i-enroll n'yo 'ko sa . . . high school?"

Bigla akong natigilan doon. Tiningnan ko ang buong kuwarto. Ang kalat! Mga damit, mga papel, yung gitara, mga stuff toy, mga unan, at kung ano-ano pa.

Tiningnan ko ang oras. 6:49 a.m. At . . .

Luma ang orasan pati ang kalend—no way.

No way!

What the heck?

June 3 . . . six years ago pa 'tong kalendaryo!

"Papasok ka ba o hindi?"

Halos matulala ako kay Mama habang nakapamaywang pa rin siya sa may pintuan. "Pa-papasok po . . .?"

Nananaginip ba 'ko? Totoo ba 'to? Expired ba yung nakain kong noodles? Lumakad si Mama palabas ng kuwarto. Hinabol ko siya agad sabay tusok sa likod niya ng nakakalat na Hello Kitty ruler.

"Aray ko— Ano ba!" sigaw agad ni Mama. Pinalo agad niya ang balikat ko.

"Totoo kayo?" tanong ko pa.

"Aba, talagang—!" Hinabol na naman niya 'ko ng hapuras sa braso kaya dali-dali akong humakbang pabalik sa kama ko.

"Sorry na, Ma! Sorry na!"

"Ano ba'ng pinaggagagawa mo sa buhay mong bata ka!"

"Wala naman e!"

"Bilisan mo ang kilos kay may trabaho pa kami ng Papa mo!"

"S-Si Papa?"

Lumabas na si Mama at isinara ang pintuan.

Nandito sa bahay si Papa?

When It All Starts AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon