Chapter 58: Family. Friends.

4.3K 313 32
                                    

Kaibigan? Pamilya? Sa loob ng apat na taon, wala ako ng mga iyan. At alam na alam ko ang pakiramdam ng mag-isa higit pa sa dapat kong maramdaman. Kaya may dahilan para mangilabot ako at manibago sa pakiramdam ko ngayon dahil mayroon na ako ng mga wala ako noon.

"I can't remember what I used to do. Who I trusted whom. I listened to before . . ."

Nakatingin ako kay Gelo. Sumesenyas sa aking magpunas ako ng mukha kasi umiiyak ako. Hindi ko na alam kung hanggang kailan ko pa siya makakasama. Pero kahit alam kong hindi iyon ganoon katagal sa pakiramdam ko bilang present Stella, masaya ako kasi alam ko—minsan sa buhay ko—hindi lang high school life ko ang nabago ko kundi pati ang high school life niya.

"I swear, you've taught me everything I know. Can't imagine needing someone so. But through the years it seems to me I need you more and more . . ."

Napatingin ako kina Carlo na nag-aakbayan pa habang kinakanta ang graduationg song namin. Kunwari, umiiyak pero tatawa naman at mag-aasaran pagkatapos.

"Through the years, through all the good and bad. I knew how much we had, I've always been so glad to be with you . . ."

Noong nakaraang graduation ko, sobrang lungkot ko. Iyon na nga yata ang pinakamalungkot na parte ng high school life ko kasi kasabay ng pagtatapos namin ang pagtatapos na rin ng pagkukunwari ko bilang trying hard na Stella. Noong graduation ko nga napagdesisyunang huwag nang mag-aral pa dahil sa nangyari.

"Through the years, it's better everyday. You've kissed my tears away. As long as it's okay . . ."

Pero ngayon? Kung may babaguhin ako sa past . . . ito na iyon. Ang desisyon ko ngayong araw.

"I'll stay with you through the years."

Natapos ang ceremony at nagkahagisan na ng graduation cap. Wala man sina Mama ngayon, si Ma'am Anna naman ang nag-akyat sa akin sa stage. Nakangiti pa rin akong nakipagkamay sa principal namin. Nakangiti rin silang kinamayan kami—masaya siguro kasi wala nang mga maiingay na fourth year na palaging ipatatawag si Ma'am Amy sa office.

"Stella, may party kami pagkatapos nito, sama ka?" alok ni Jasper sa akin.

Alam kong mayaman sila. Alam ng buong school iyon, sa katunayan. At masaya ako kasi naging bahagi siya ng panibagong high school life ko. Pero hindi ngayon.

"Sorry, Jas, may sakit si Mama. Kailangan ko pang alagaan," pagtanggi ko.

Napansin kong natigilan silang lahat na nag-aabang ng sagot sa akin. Nagkatinginan pa sila para tantiyahin ang susunod na gagawin. Wala si Gelo, nasa faculty room at pinatawag ng tita niya.

"Kakausapin ko muna si Chim," paalala ko sabay talikod sa kanilang lahat.

"Stella, wait!"

Hahabol sana ako sa may gate para makausap si Chim kaso huli na. Paglabas ko, nakita ko na lang ang kotse ng Daddy niyang umaandar na papuntang main road.

Hindi rin pala siya nagtagal ngayong araw. Alam ko, dapat kasama siya sa party nina Jasper kung meron man. Ako dapat ang maagang uuwi at siya dapat ang aayain.

May kung ano sa loob ko na nagpabigat sa lahat. Kasi kung nabago ko ang buhay ni Gelo, nabago ko rin nang sobra ang buhay ni Chim. At hindi ko matanggap na dahil lang gusto kong maayos ang past ko, sinira ko naman ang past niya. Nasa intensyon ko man ang sirain ang kanya o wala.

* * *

Kaibigan. Pamilya. Hindi ko alam na magiging ganoon pala sila kahalaga noong bigla silang nawala. At hindi ko rin malalaman ang halaga nila kung hindi sila dumating.

When It All Starts AgainDär berättelser lever. Upptäck nu