Chapter 22: All I Want For Christmas

5.7K 421 27
                                    

Bumaba agad ako sa kusina at nagluto ng instant pancit canton. Kumain na 'ko pati na rin si Miminggay.

Hindi ko kayang sundan ang araw ko sa past. Masyadong kaunti ang chance na meron ako. Pagkatapos naming kumain, naghugas na 'ko ng mga ginamit ko at bumalik na 'ko sa kuwarto.

"A-attend kaya siya?"

Kinuha ko ang pocket watch.

"9."

Weird. Paatras nang paatras ang oras nito.

Siguro nga, aasa na lang akong pupunta si Angelo sa Christmas party.

Napahiga ako sa kama at tinitigan na naman ang kisame.

Mabait si Angelo ngayong panahon na 'to. Nanlibre pa ng pagkain. Hindi ko alam kung naging mabait ba 'ko sa kanya sa past kaya niya nagawa 'yon. Nabanggit din niya si Carlo kaya malamang na nakakapag-usap pa sila.

Saglit. Nakakapag-usap sila ni Carlo? Kailan pa?

Inangat ko naman ang pocket watch at tiningnan 'yon.

"Ibalik mo nga 'ko sa huling Christmas party namin no'ng high school."

Sinusian ko ulit ang pocket watch at hinintay ang lahat.


* * *


Kung may something na memorable sa Christmas party noong high school, malamang na 'yon ang kahihiyang natamo ko noong araw na 'yon.

Ang isinuot ko noon ay isang rainbow dress kasi ang sabi ni Chim, ganoon ang isusuot niya kaya gumaya naman ako. Ini-imagine ko pa lang, nahihiya na 'ko sa itsura ko. Paano ba naman, super luwang sa 'kin at hanggang sakong ko ang haba. Naka-strap pa na de-tali kaya para akong nagsuot ng duster at maglalaba sa ilog. Tapos malaman-laman kong hindi naman pala 'yon ang isinuot niya, pinag-trip-an lang niya ako. Ang lakas pa ng loob kong magsuot ng maraming kuwintas na rainbow din at hairclips na higit sa sampu at ang kapal pa ng makeup ko. Ang sabi nga nila, bagay raw ako sa event. Christmas clown.

So much for a trying hard. Nakakahiya.

Ngayon, kinalkal ko pa ang cabinet ko para hanapin ang iniregalong dress sa 'kin ni Mama noong second year high school ako.

Ang sabi niya, isuot ko raw kapag malaki na 'ko. At buti, naalala ko pa ang tungkol doon ngayon.

Nataon na literal na malaki na nga ako, dahil para sa height kong five foot five, nagkasya na sa 'kin ang regalo niya.

Isang simpleng bodycon red dress na above the knee ko ang haba. Hindi ako sigurado kung ganito ba talaga ang sukat nito o matangkad lang talaga ako kaya para akong naka-mini skirt. Fitted pa sa 'kin dahil ilang taon pa ang aabutin bago ako mangayayat kaya kita pa ang curves. Maganda pala ang shape ng katawan ko dati. Sayang lang at napabayaan ko ang sarili ko sa kagustuhan kong mawala na lang sa mundo pagkatapos mamatay ni Mama. Strappy din na alanganing plunging neckline at V-neck, at medyo kita ang kaunting balat. Overall, okay naman at hindi naman bastusin—sa paningin ko.

Ang makeup ko: lipstick na red, winged eyeliner, tapos mascara lang. Tatlong taon pa ang inabot mula ngayon bago ko matutunang mag-makeup nang light. Buti at pinkish white ang skintone ko kaya okay lang kahit hindi na maglagay ng kung ano-ano. Ayokong mag-foundation. Naglugay na lang ako dahil masyado nang kita ang balat ko mula leeg hanggang itaas ng dibdib. Nag-pearl earrings na lang din ako at nagsuot ng relo na may red leather strap para match sa damit. May pinabili ako noon kay Mama na black stiletto na four inches ang taas ng takong para gaya ng kay Jane. Ito lang yata ang ginamit ko noong Christmas party na gagamitin ko pa rin ngayon.

When It All Starts AgainWhere stories live. Discover now