Chapter 57: Ex-Best Friends

4.3K 327 14
                                    

Hindi ko gusto ang pinatunguhan ng graduation day ko noon. Wala si Mama para samahan akong umakyat sa stage. Malungkot kasi siya dahil nga sa nangyari sa kanila ni Papa, at ayoko rin namang siyang pumunta nang ganoon siya. Mapapahiya kasi ako sa mga classmate ko. Ang totoo, nahihiya na pala ako noon kasi nga, alam na halos ng lahat ang nangyari sa pamilya ko.

Na nambabae si Papa at iniwan kami.

Na wala raw kuwentang babae si Mama kaya iniwan ni Papa.

Tapos pariwara pa akong anak kasi galing na ako sa broken family.

Siguro nga, iyon ang dahilan kaya lalo akong inayawan ng lahat. Lalo na noong wala akong pakialam kung magkasira sila dahil ayoko naman talaga sa parents ko noon.

Hindi kami perfect family, alam ko naman. At noong mga oras na iyon, wala rin naman akong pakialam kung perfect pa kami kasi hindi ko naman hinanap ang lugar ko sa parents ko. Hinanap ko ang lugar ko kina Chim. At ang laking pagkakamali na inasa ko ang buhay ko sa ididikta ng mga kaibigan kong hindi pala tunay na kaibigan ang turing sa akin.

Alam ko nang kaya mas madalas mag-stay ang mga teenager sa mga barkada nila ay dahil may issue sila sa pamilya. Doon sila nakakahanap ng belongingness na hindi maibigay ng parents nila dahil na rin sa generation gap. Pero ngayong nalampasan ko na ang stage na iyon—o kahit sa isipan ko man lang—alam ko nang mas mahalagang mag-stay ako sa tabi ni Mama kaysa piliin ko ang mga peke kong kabarkada.

Mag-isa akong pumunta sa school. Lipstick at pulbo lang ang makeup na nakaya kong ilagay sa mukha ko dahil wala na rin akong oras mag-ayos. At kailangan ko pang pigilan ang pag-iyak habang inaalala ko si Mama. Alam kong nandoon si Papa para alagaan siya, pero sana lang, huwag munang umalis si Papa habang hindi pa ako nakakabalik ng bahay.

Malayo pa lang, kitang-kita ko na ang lahat ng mga kasabayan kong ga-graduate kasama ang mga magulang at guardian nila. Nakasabit sa kaliwang braso ko ang toga kong ako mismo ang nagplantsa, nakasabit naman sa kanang balikat ko ang sling bag ko.

Noon, mag-isa lang ako sa isang sulok sa tabi ng puno ng makopa na katabi ng waiting shed at stage. Walang pumansin sa akin noon. Pinanonood ko lang silang lahat. Wala pa man ang graduation song, umiiyak na ako kasi wala e—wala akong kasama ni isa. Kahit sina Chim, may sariling mundo kasama ang parents niya. Silang lahat.

At mukhang sa pangalawang pagkakataon, mararanasan ko na naman iyon. Dumukot na lang ako sa bulsa ng palda ko para bumili ng graduation boutonniere na ilalagay sa dibdib ko.

"Ikaw lang mag-isa, Neng?" bati pa ng matandang tinderang binilhan ko ng bulaklak. "Wala kang kasama?"

Matipid akong ngumiti at tumango. Gusto ko na namang umiyak habang nakikita ang itsura ng tindera. Parang awang-awa sa kalagayan ko.

"Stella!" Nagulat ako kasi bigla akong hinatak ni Arlene nang makapasok ako sa gate. "Kanina ka pa namin hinahanap nina Belle! Saan si Tita Lyn?" Nilingon-lingon pa niya ang paligid para hanapin si Mama.

Pero mas nagtaka ako sa ikinikilos niya.

Si Arlene ba talaga itong humatak sa akin?

"Wala kang kasama?" tanong din niya tapos sinukbit sa braso ko ang kamay niya saka ako inakay ng lakad.

Hindi ko maintindihan. Bakit parang magkabati na kami ni Arlene?

"Stella!"

"My loves!"

"Uy, Ste! Akala namin, late ka na e!"

Natigil ako sa paglalakad. Ang dami nilang sumalubong sa akin. Sina Carlo at AJ na nakangiti. Sina Jasper at Belle na magkaakbay. Si Jane na kasama si Mikael. At si Gelo na mukhang may hinahanap sa likuran ko.

When It All Starts AgainWhere stories live. Discover now