Chapter 42: The Pocket Watch's Owner

4.9K 397 60
                                    

Maaga akong naghanda ng almusal para kina Gelo. Wala akong balak sumabay sa kanilang mag-agahan para mapilitan silang umuwi agad sa mga bahay nila. Tapos na ang mga panahong nakasama ko sila—mga panahong hindi ko naman talaga maalalang nangyari dahil wala ako o hindi ako ang naroon.

Nag-iwan naman ako ng sulat sa mesa, sa kuwarto, sa ref, at sa mga pinto dahil alam ko namang maghahanap ang mga iyon. Nalaman nila sa ibang naging suicidal ako dahil sa pagkamatay ni Mama. At tingin ko, problema na iyon sa ibang banda.

Sa ngayon, kailangan ko nang pumasok sa school. Maaga ako dahil alas-sais pa lang ng umaga ay nasa biyahe na ako samantalang alas-otso pa ang talagang klase ko. May inaalala akong hindi ko alam kung nangyari nga ba. Napanaginipan ko kasi si Philip. Nagkita na naman daw kami sa tapat ng bahay ko.

Oo, alam ko, ang weird ng napapanaginipan ko si Philip. Hindi ko naman siya sobrang na-mi-miss. Napapanaginipan ko lang talaga siya habang nakatayo sa tapat ng bahay ko at masasaktong makikita ko siya roon.

At ngayon, papasok ako sa school, pero iba na ang rason ko para sipagin.

Gusto ko lang makausap si Philip. May gusto kasi akong malaman.

Hindi ko alam kung bakit paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang lahat ng mga walang kuwenta niyang tanong sa akin. Ngayon lang nag-si-sink in sa akin ang lahat ng mind-blowing questions niya. Kahit anong isip ko, hindi ko talaga maalala kung saan o kailan ba kami nagkakilala.

Sa school?

Sa school nga ba?

Pa-diretso ako sa punong santol. Ayokong mag-stay sa room. Nakakabato kasi roon.

"'Musta?"

Napahinto ako sa paglalakad at napatalikod. "O, Philip!"

"Gusto mo?" Inalok niya sa akin ang isang cup ng kape.

"Salamat." Kinuha ko naman ang bigay niya habang pinananatili ang tingin ko sa kanya. Kanina ko pa siya hinahanap—o kahapon pa. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong natameme ngayon.

"Ang aga mo, a," sabi pa niya habang patuloy sa paglalakad. Sumunod naman ako at sinabayan siya.

May gusto akong itanong sa kanya. Nakalimutan ko nga lang kung ano ang dapat kong itanong. Nakakainis, bigla akong nablangko.

Sabay kaming umupo sa ilalim ng santol.

"Philip."

"Hm?"

Pinanood ko siyang inumin ang kapeng hawak niya. "Ano pala'ng pangalan mo? Buong pangalan mo."

Sandali siyang hindi nakasagot. Tiningnan muna niya ang paligid. Wala pang tao dahil napakaaga namin doon. Hindi ko tuloy alam kung bakit pa niya kailangang tingnan ang paligid namin. Wala namang nanakaw ng pangalan niya.

"Philip. Jacinto. Philip Jacinto."

"Totoo?"

"Yes."

"May ID ka? Puwedeng patingin?"

Itinaas niya ang magkabila niyang kamay sabay kibit-balikat. "Wala akong dala. Pasensya na."

"Di ba, dapat lagi kang may dalang ID. Ilang taon ka na ba?"

"30, bakit?"

"Talaga?"

"Bakit mo naman natanong 'yan? Himala, a. Nagiging interesado ka na sa 'kin, 'no?" At sinundan niya ang linya niya ng mahinang tawa.

Gusto kong ma-bad trip sa sinabi niya, kaso ngayon, masasabi kong totoo ang sinabi niya. Gusto kong malaman kung sino nga ba si Philip. At kung bakit sa dinami-rami ng tao rito, ako pa ang napili niyang guluhin.

When It All Starts AgainOù les histoires vivent. Découvrez maintenant