Chapter 51: Surprises

4.7K 340 33
                                    


Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog. Hindi ko na rin sinilip yung orasan. Basta nagising na lang ako, mataas na ang sikat ng araw.

Mukha pa naman akong tanga kakamadali sa pagligo at pagbihis, ni hindi ko na nga nagawang mag-almusal pa tapos malaman-laman ko na lang sa kapitbahay namin na holiday pala.

Lugo-lugo akong bumalik sa bahay na nanlalaki ang butas ng ilong. Lakas pa ng loob kong lumabas ng bahay na hindi na nagsuklay habang tumutulo pa ang buhok tapos wala pala akong pasok.

"Meow."

"Oo na, 'wag mo na 'kong sermunan," sabi ko pa kay Miminggay saka ko siya dinampot at niyugyog. "Bakit di mo sinabi sa 'king wala pala 'kong pasok, ha? Alam mo ikaw pusa ka, sio-siopao-in na kita e." Inilapag ko na rin siya sa tapat ng pintuan tapos inambahan siya ng sipa kaya dali-dali siyang pumasok sa loob ng bahay.

Knock! Knock!

Napatingin agad ako sa may gate dahil doon sa kumatok. Agad ang atras ko ng ulo nang makita si Philip na nakasampay ang braso sa gate at nakangiti sa akin.

"Good morning!" masayang bati pa niya.

"Hoy! Ano'ng ginagawa mo rito, ha?" bulyaw ko pa sa kanya sabay pamaywang.

"Holiday ngayon e. Di ka makakapasok."

"Ba't di mo sinabi sa 'kin?" paninisi ko pa sa kanya.

"Akala ko kasi alam mo. Di ba, 'pag estudyante, mas updated pa sila sa mga araw na walang pasok."

Binugahan ko na lang ng hangin yung sinabi niya. E malay ko ba kasi kung may pasok o wala.

"O, ano nga'ng ginagawa mo rito, ha? Pa'no mo nalaman 'tong bahay ko?"

Nginitian na naman niya 'ko. Alam mo, ako naiinis na rin ako sa ngiti nito ni Philip e. Di ba 'to marunong mamroblema?

"'Wag mo 'kong ngitian diyan," naiinis na sinabi ko. "Di nakakaganda ng araw 'yang ngiti-ngiti mo."

Imbis na tumigil, lalo lang siyang ngumiti.

Alam ko namang maganda ang smile niya, pero hindi pa rin ako natutuwa. Tinatanong kung ano'ng ginagawa rito, ngingitian lang ako? Ang tino rin kausap e.

"Akala ko ba, kakausapin mo 'ko?" tanong na lang niya. "Di ka makakapunta sa may santol ngayon kaya pinuntahan na lang kita."

"Ah—" Matapos kong magulat kasi may usapan nga pala kami, pinaningkitan ko na lang agad siya ng mata. "Paano mo nalaman 'tong bahay ko?"

Imbis na sumagot, tinawanan lang niya 'ko.

Ito, babatuhin ko na talaga ng sapatos 'to e. Sarap ding kausap e.

"Wala ka bang ibang isasagot kundi ngiti at tawa, ha, Philip?"

Inalis niya yung ngiti niya kaso halata namang sapilitan pa. Nakangiti pa rin kahit na gusto niyang itago. Natanaw ko sa may bakod yung kapitbahay naming nagwawalis sa tapat at nakatingin kay Philip.

Naku, naku! Di ko naman puwedeng palayasin 'tong siraulong 'to, ako pa naman ang nagsabing mag-uusap kami ngayon.

Lumapit na 'ko sa may gate para papasukin siya.

"'Wag kang gagawa ng kung ano sa loob ng bahay ko, ha?" banta ko pa sa kanya sabay duro sa kanya. "'Pag ikaw talaga, nako!"

Nagtaas lang siya ng magkabilang kamay para sabihing wala siyang gagawing kahit ano.

Gusto ko sanang alukin ng pagkain si Philip kaso wala akong maaalok maliban sa instant pancit canton. Kaso pagsilip ko sa cabinet, lalo ko lang naramdaman ang katangahan ko kasi kaya nga pala ako lumabas kagabi e dahil wala akong stock na pagkain.

When It All Starts AgainWhere stories live. Discover now