Chapter 13: Assurance

9.2K 469 87
                                    

"Sino yung siraulong—?"

"Hahaha!"

Binalot ang pandinig ko ng malakas na tawanan. Wala akong ibang nakikita kundi mga mukha ng mga kaklase ko noong high school na pinagtatawanan ako. Nasa harapan ko silang lahat . . . at hindi ko alam ang nangyayari!

Saglit, wait, hindi ko alam ang nangyayari. Seryoso ba 'to? Joke ba 'to? Totoo ba sila? Totoo ba 'tong nagaganap?

"N-Nasa . . . nasa school ako?"

Tumingin ako sa labas ng bintana. Umaga. Ano'ng oras na? 8:53. Umaga, 8:53. Okay? Tapos?

Tiningnan ko ang pinakamalapit na classmate kong masasagot ako nang matino.

"Garet, anong araw na?" tanong ko agad. Nakaka-bad trip dahil natatawa pa siya bago ako sagutin.

"Ha?" sagot niya habang tinatakpan ng panyo ang bibig niya. Batuhin ko kaya 'to ng notebook. Iinisin pa 'ko e.

"Ang sabi ko, ano'ng—pwe!" Hinawakan ko ang labi ko. May lip gloss! Yuck! "Ano'ng araw na sabi?" tanong ko pa ulit dahil naiinis na 'ko, tawanan sila nang tawanan.

"Wednesday," sabi niya habang nakangisi.

"Wednesday na anong date?"

"Wednesday na 17?"

"17 na anong month?"

"Ano'ng klaseng tanong 'yan?" tanong pa niya dahil ang weird nga naman ng tinatanong ko.

"Ah! Yung kalendaryo!" Tumingin agad ako sa room calendar na nasa may pinto nakasabit.

"August . . .?"

August 17. Shocks! Ayoko talaga ng araw na 'to. This is my worst day ever. Ito ang araw kung kailan isinumpa ko ang buong mundo dahil sa nangyari sa 'kin. Ito ang araw kung kailan pinaliguan ako ng putik nina Angelo sa stage at napahiya ako sa buong school. At nalaman kong kasabwat sina Chim. Tapos . . . tapos . . . ang . . .

Araw na umalis sa 'min si Papa.

Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari. Wala rin akong alam kung ano ba'ng meron. Nakatayo lang ako sa harap kaya kinapa na lang ang bulsa ko. Walang panyo. Kinalkal ko naman ang bag ko para maghanap ng kahit anong pamunas.

Nakita ko sa peripheral vision ko ang parating na flying notebook kaya inilag ko agad ang ulo ko.

"Whoah!"

"Matrix!" boses ni Edison. Sure ako. Hindi sila tropa ni Angelo, pero isa sila sa sikat sa pagiging bully.

"Matrix mo mukha mo!" sigaw ko sa kanya. Natahimik silang lahat, sa wakas. At sa wakas, nakuha ko na rin ang face towel ko at nakaipit doon ang panyo.

"Kung sino mang demonyo yung bumato ng notebook sa 'kin, subukan mo lang ulitin, kakalbuhin talaga kita!" warning ko para sa lahat at saka na 'ko lumabas ng room.

Naririnig kong nagwawala na ang mga kaklase ko paglabas ko ng room. Kinakalampag na ang mga upuan. Mga asal-hayop talaga. Kaya ang haggard ni Ma'am Amy e. My God, kung maka-graduate man ako ng college, huwag naman sana akong makakuha ng tuturuan na gaya ng mga classmate ko.

Dumiretso agad ako sa restroom para maghilamos. Naiirita ako. Malamang, puno na naman ng makeup ang mukha ko. Nabibigatan ako sa mukha ko. Ang lagkit na ewan.

Pagkaharap na pagkaharap ko sa salamin pagtapak ko sa banyo ng school . . .

"Stellaaaa!" tili ko pa at sandaling pumikit. Parang gusto ko na talagang umiyak. "Anong klaseng—" Simangot na simangot ang mukha ko habang tinuturo ang salamin. Palalim nang palalim ang paghinga ko habang gusto ko na talagang iyakan ang nasa harapan ko. "Ano 'yan? Ano'ng pagmumukha 'yan?"

When It All Starts AgainWhere stories live. Discover now