Chapter 66: Drunk Confession

4.5K 349 38
                                    

umalalim na ang gabi at natapos nang maaga ang Homecoming event, pero nag-aya pa silang mag-inuman sa ibang lugar dahil pasara na ang school. Sabi nila, sa bahay raw nina Carlo kasi 'yon ang malapit kaya doon kami pumuntang magkakaibigan—kung 'yon nga ba ang tamang tawag sa 'min.

Malawak ang backyard nina Carlo. May manukan nga. Pero sa dami ng kulungan ng manok, dadalawa lang ang naroon at mukhang tulog na rin. Nakagitna roon ang mababang mesa, may nakahandang pitsel ng alak, ilang mga bote at baso, saka pulutang binili sa malapit na tindahan.

Magdadalawang oras na silang maingay at nakitawa na lang din ako. Saglit akong nakigamit ng banyo at pabalik na nang matigilan ako sa likuran ng pintong nakasara.

"Si Stella?" sabi ng boses ng lalaki, kay Gelo 'yon.

"Oo, ang tagal mo rin kayang naghintay sa kanya," boses ni Carlo.

"Okay lang, mukha namang naka-move on na kaming pareho."

"Talaga ba?"

"Maniwala?"

Hindi ko ma-explain ang feeling ko. Parang nalungkot ako pero nakakablangko lang. Hindi ko kasi alam ang pinag-uusapan nila kahit nabanggit ang pangalan ko.

"Ang weird kaya nila noon, as in!" malakas na sabi ni Jane. "Kasi di ba, binu-bully mo 'yon, Gelo? Tapos naging kayo."

"Oo nga! Ano pala'ng nangyari, paano naging kayo?" boses ni Arlene. "Sobrang na-curious kaya kami! Hindi ka namin matanong, Italy pa more!"

"Pasalamat kayo, umuwi na yung girlfriend ko," sabi ni Gelo na mukhang ayaw pang sumagot.

"'De, wala! Kuwento!"

Saglit na tumahimik. Sumilip ako sa bintana at nagtakip ng kurtina para hindi ako masyadong makita. Umiinom si Gelo. Ang dami na niyang naiinom. Sunod-sunod, kinakabahan ako.

"Mabait naman talaga si Stella. Saka ang ganda niya, so why not?"

"Eeeh! Maniwala?"

Sabay-sabay ang kantiyawan nila tapos binato ng kung ano-anong nasa mesa si Gelo.

"Hoy! Isa, hahampasin ko kayo ng bote!"

Nagtawanan sila. Bully pa rin talaga hanggang ngayon.

"Si Stella lang yung nakaintindi sa 'kin that time, okay? Believe it or not, hindi ko na nga halos matandaan yung sama ng ugali ko before maging kami. How can you not love the person who stayed with you kahit ang toxic mo?"

Natahimik sila. Uminom na naman si Gelo. Nagdalawang baso pa.

"Alam niya e. Alam na alam niyang bully ako—bully niya 'ko. Pero lapit pa rin siya nang lapit. Sinubukan niyang—alam n'yo 'yon? Yung barrier? Yung wall ko before na sobrang taas? I didn't expect that to happen e. And if you're gonna ask me why her? How did I fall in love with her? Who wouldn't, right?"

"Papsy Gels, lasing ka na ba? Ine-English mo na kami e!" kantiyaw ni Carlo.

"'Na mo ka, Caloy! Panira ka ng mood!"

Nagbatuhan na naman sila ng pulutan habang nagtatawanan ang iba.

"Untouchable kaya sila no'ng fourth year," sabi ni Arlene na umiinom din. "Kahit nga si Chim, hindi siya nakanti that time."

Nagtinginan silang lahat kay Chim na tahimik na nanonood sa kanila.

"I admit naman, I bullied her," sagot ni Chim na ikinatahimik nila. "And now, habang iniisip ko, I was thankful na si Gelo ang boyfriend niya way back then."

Napainom silang lahat. Nagsalita na kasi si Chim. Kahit ako, kung may hawak lang akong beer, mapapainom din ako e.

"Masama kasi talaga yung loob ko, as in. Kasi, imagine, I spent my school days being at the top tapos isang summer lang, at first day na first day of school, bigla niya 'kong pinaandaran ng attitude."

When It All Starts AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon