Chapter 16: Saves the Day

6.7K 444 31
                                    

"Nakita mo 'yon, di ba? Alam mo e."

Nasa guard house kami na barracks din ng mga janitor at janitress ng school.

"Oo," sagot ko habang pinatutuyo ang buhok. Nakapagpalit na 'ko ng damit. Pinahiram ako ng pinsan nitong kausap ko.

Medyo fitted ang ipinahiram niya pero okay lang kaysa wala. Isang gray na sando na medyo kita ang cleavage kasi maliit sa katawan ko. May pang-ilalim naman akong maong na shorts na mabuti at hindi nabasa kahit basa ang palda ko. At nanghiram na lang din ako ng Islander na tsinelas para mapatuyo ang medyas at sapatos ko.

"Bakit mo itinuloy kung alam mo naman pala?" tanong niya.

"Teka, sino ka nga ulit?" tanong ko kasi nakalimutan ko ang pangalan nitong kumakausap sa 'kin.

"Ano ba? PJ! Ako nga sabi si PJ! Bakit kinalimutan mo agad?"

"Arte. Year?"

"Ano . . . first year."

Kumunot agad ang noo ko. "First year ka pa lang pala e, tapos kung makapagsalita ka! Ibang klaseng bata ka rin e, 'no?"

"Hindi na 'ko bata!"

"Lagi 'yang sinasabi ng mga bata." Tumayo na 'ko mula sa pagkakaupo sa monobloc na malapit sa pintuan. "Aalis na 'ko. Pakisabi doon sa hiniraman mo ng damit, salamat. Yung uniform, kukunin ko na lang mamaya." Dumiretso na 'ko palabas. "Salamat nga pala sa . . . pag-back up? Whatever. Basta, salamat."

Naglakad na 'ko pabalik sa room. Babalikan na kasi kami ni Ma'am Amy para sermunan. Nagbalik ako sa panahong 'to at napakaingay ng mga classmate ko. Ayaw pa naman ng principal na may mga nagwawalang estudyante sa mga room dahil istorbo sa iba pang klase.

Wala akong suot na uniform, sana lang hindi ako pagalitan ni Ma'am. May valid reason naman ako kung bakit.

Worst day ko dapat 'to, pero hindi ito naging worst gaya ng ine-expect ko.

Dito dapat magsi-start ang issue mamaya pag-uwi ko: binuhusan ako ng putik tapos uuwi akong umiiyak at puno ng dumi. Dahil doon, susugod sana si Mama dito sa school pero pinigilan siya ni Papa tapos magtatalo sila tapos hayun na. Mapipikon si Papa at aalis siya.

Pero ang nangyari, malamig na tubig lang ang bumuhos sa 'kin at wala rin akong balak umiyak. Huh! Strong na kaya 'to!

Meaning din, kung hindi ako uuwi nang maaga, walang pagtatalong magaganap at hindi aalis si Papa!

Wow. Mababago ko ang lahat!

Puwede.

Nasa tapat na 'ko ng room nang makita ko si Angelo sa corridor at nakatambay.

"Ano'ng nangyari?" nangingiti ko pang tanong. Hindi siya sumagot. Ni hindi rin niya 'ko nilingon. "Sorry kung dahil sa 'kin, hindi natuloy yung talagang balak mo."

Wala pa rin siyang inimik kaya hindi na 'ko nagsalita pa. Nasa labas pa rin siya kaya malamang na wala pa si Ma'am Amy sa loob ng room.

At tama nga ang hinala ko kaya umupo na lang ako mismo sa teacher's table para magpatuyo ng buhok. Alam kong bawal dahil may napagalitan na sa pag-upo rito, pero ito lang kasi ang puwestong abot ng wall fan.

Unang-una kong tiningnan ang grupo nina Chim mula sa puwesto ko. Ang yabang ng tingin ng tatlo sa 'kin, pero si Chim? Halatang hindi matanggap ang nangyari.

Parehas kaming nag-expect nang malaki. At siguro, sa point of view niya, walang kuwenta ang tubig kumpara sa putik. Pero tubig is enough para ipahiya ang kahit sinong estudyante. Good thing na kaya ko nang dalhin ang sarili ko ngayon. Kasi naman, may bumuhos nga sa 'kin at napahiya ako sa mata ng karamihan, pero alam naming pareho ni Chim na may isasagad pa ang pagkakapahiya ko at 'yon ang hindi nangyari.

When It All Starts AgainWhere stories live. Discover now