Chapter 36: Birthday Party

5.5K 374 79
                                    

"P-Philip . . . ?"

"Bakit hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?"

Nakahiga kaming dalawa. Nakayakap siya sa akin. Iniligtas niya ako roon sa humaharurot na motor na bigla na lang sumingit sa sidewalk.

"Stella!"

Tumakbo papalapit sa amin ni Philip sina AJ. Bumangon na ako at umupo sa gutter ng kalsada, ganoon din siya.

"Philip? Philip!" Niyakap ko siya agad. "Philip, ikaw nga!"

"M-miss, sandali, sandali nga." Tinatanggal niya ang kamay ko sa palibot ng batok niya. "Hindi ako si Philip."

Ha?

Bumitiw agad ako at umatras. Napansin kong may gasgas ang braso at palad niya.

"Hala, sorry! Philip, sorry talaga! Hindi ko alam! Hindi ko napansin!"

"Stella, okay ka lang?" tanong nina AJ sa akin pero hindi ko sila pinansin kahit naririnig ko naman.

"Philip, ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko ulit habang hindi ko alam kung paano siya hahawakan.

"Miss, hindi nga ako si Philip. Philip ang name ng kapatid ko, oo. Hindi ako si Philip, ako si Patrick."

"Patrick?" ulit ko. "Pero . . . kamukha mo si Philip."

"Miss, kung yung kapatid ko ang tinutukoy mo, siguro. Kaso bata pa 'yon."

Tumayo na siya at pinagpag ang damit niya.

"Pero kamukha mo talaga siya," sabi ko pa habang nakatulala sa sementadong gutter. Tinulungan na akong tumayo ni Gelo.

"Miss, mag-ingat ka na lang sa susunod, ha?" sabi niya. Lumakad na siya palayo. "Nakakaabala ka e."

"Hindi ba ikaw yung nasa gate 1 ng Immaculate kanina?" pahabol na tanong ko.

Huminto siya at lumingon sa akin. "Pupunta pa lang ako ngayon doon para sunduin yung kapatid ko. Siya ang Philip."

Bumitiw ako sa pagkakahawak ni Gelo at tumakbo ako palapit sa kamukha ni Philip. Pumuwesto ako sa harapan niya at pinigilan siya. Hinawakan ko siya sa magkabilang braso.

"Sandali," sabi ko. Tinitigan ko siyang maigi.

Matangkad nga siya pero mas dark ang skintone niya kaysa kay Philip. May nunal siya sa dulo ng mata, si Philip wala. Wavy ang buhok niya, si Philip, hindi naman masyado. Parehas sila ng mata ni Philip pero magkaiba nang bahagya sa hugis ng labi. Pero sa biglang tingin, kamukha niya talaga si Philip.

"Tapos ka na bang titigan ako?"

"Ha?"

"Miss, nawiwirduhan na 'ko sa 'yo," sabi niya habang tinatanggal ang kamay ko sa braso niya.

"I'm sorry. Kamukha mo talaga kasi yung kakilala ko. Thank you nga pala sa pagligtas mo sa 'kin."

"Okay, okay. Puwede mo na ba 'kong padaanin?"

"Ha? Ah." Tumabi na ako para padaanin siya. "Gusto mong pumunta sa clinic para magamot 'yang mga gasgas mo?"

"Salamat pero magsusundo pa 'ko ng kapatid ko. Galos lang naman. I-report mo na lang yung motor na dumaan na muntik nang makasagasa sa 'yo."

Pinanood ko na lang siyang maglakad palayo.

"Hindi nga siya si Philip. Kamukha lang niya."

"Ano ba 'yan, Stella!"

"Kilala mo ba 'yon?" tanong ni Jasper.

"Sino 'yon?" usisa ni Carlo.

"Sino si Philip?" dagdag pa ni AJ.

When It All Starts AgainWhere stories live. Discover now