Chapter 59: He Came

4.3K 348 69
                                    

"Meow."

"Oo, alam ko." Dinampot ko si Miminggay at inilapag sa mga hita ko habang nakatapat ako sa computer ko. Nadagdagan ang mga picture ko. Kasama ko ang mga classmate ko noong high school. Si Gelo, sina Jasper, kahit sina Arlene, kasama ko rin. At sa kung paanong dahilan, pakiramdam ko, may natatandaan ako pero hindi ko ma-recall nang malinaw. Malamang kasi, hindi ako ang talagang nandoon. O baka masyado ko lang binalewala para alalahanin pa matapos ang lahat ng nangyari.

Pinalipas ko ang buong gabi at hinarap ang bagong umaga nang binabagabag pa rin. Ano kaya ang nangyari noon sa prom na tinutukoy nina Gelo?

Last day na ng exam sa pre-finals at mabuti na lang dahil may ilang photocopied notes na binenta ang mga classmate ko para may reviewer kami. Bago ako pumasok, nakapag-review pa ako kahit paano at may naisagot sa worksheets.

Friday na at nakipagsabayan na naman ako sa mga estudyante sa lunch time pagkababa ko para mananghalian. Siomai at kwek-kwek ang binili ko at dumiretso na agad ako sa may punong santol para kumain. Pero bago pa man ako umupo, ito na naman ako sa weird na feeling ko. Iyong pakiramdam na may inaabangan akong tao sa bench na puwesto ko naman palagi pero wala akong matandaang kasama ko roon.

Umupo na ako at para akong tangang nakatingin sa kaliwa ko. May gusto akong sabihin na nasa dulo ng dila ko at hindi ko mabanggit-banggit. Nagsimula na akong kainin ang binili ko at tiningnan ko ang campus.

Ang daming estudyante, exam day kasi kaya masisipag ang lahat na pumasok. Napahawi ako ng buhok kong maikli kasi humahampas sa mukha ko gawa ng malakas na hangin. Kapag February, ibang klase ang windy days. Makalipad-palda talaga. Kaya nga panay ang hawak ng ibang estudyante sa mga skirt nila para hindi umangat.

"Ang hangin!" reklamo ng isang estudyante nang huminto sa dulo ng bench. Napaangat ako ng tingin nang makita na naman ang estudyante ng kabilang school. May dala na naman siyang mga folder at clear book. Hindi naman na nagkalat ang mga dala niya pero inirereklamo niya ang hangin.

Nginitian niya ako pagtama ng mga tingin namin.

"Hi!" bati niya at inilapag sa tabi ko ang mga dala niya. Mabilis niyang dinukot sa bulsa ng green pants niya ang isang white hanky sabay punas sa pawisang mukha. Nakasuot siya ngayon ng salamin na inalis din niya para makapagpunas nang maayos. "Nandito ka ulit?" tanong pa niya habang alanganin ang ngiti sa akin. Nakasimangot siya dahil sa liwanag ng araw na bahagyang tumatama sa mukha niya.

Ewan ko ba pero parang nakita ko na siya noon.

"Puwedeng makiupo?" tanong niya at itinuro ang kaliwang gilid ko. Tumango naman ako kaya inalis din niya ang mga folder at saka siya umupo sa tabi ko.

"Nandito ka na naman," puna ko pa. "Kilala mo na yung hinahanap mo?"

Tumango naman siya kaso napansin kong dismayado siya. "Oo, kaso wala siya sa graduating list e."

"Aw, sayang," iyon na lang ang nasabi ko saka ako sumubo ng kinakain ko. Nahiya naman ako kaya inalok ko na rin siya kahit ayoko naman talaga siyang hatian. "Kain tayo."

"A, sige, thank you," sabi na lang niya at tumanggi naman. Buti na lang.

May awkward silence sa pagitan namin. Sino kaya ang hinahanap nito eito sa school namin? Pangalawang araw ko nang nakikita siya rito, a.

"Sino yung hinahanap mo?" usisa ko at saglit siyang sinulyapan habang hinahalo ko ang kinakain kong nakalubog sa sawsawan.

"A, ano . . . crush ko no'ng first year high school ako," nahihiya niyang sagot.

Natawa tuloy ako kasi hindi ko inaasahan ang sinabi niya. "Seryoso 'yon?"

Napakamot siya ng ulo at saka tumango habang naiilang na nakangiti. "Sabi kasi niya puntahan ko siya rito sa may punong santol. In-e-expect ko namang nandito siya. May permission naman niya, hindi naman ako stalker."

When It All Starts AgainWhere stories live. Discover now