Chapter 70: Happy Ending

8.9K 571 257
                                    

Kung bibigyan ka ng pagkakataong makabalik sa nakaraan . . .

Babalik ka ba?

Apat na taon magbuhat nang makabalik ako sa nakaraan—sa panahon kung kailan namatay si Mama; sa panahong inisip ko noong una, katapusan na ng lahat para sa akin dahil wala nang dahilan para mabuhay.  

Apat na taon magbuhat nang mamatay si Mama, at anim na taon na magmula nang mabago ko ang lahat sa mga panahong pinagsisisihan ko. Ito ako ngayon, nakapagtapos na sa isang magandang eskuwelahan—hindi na sa Santa Clara kundi sa mas magandang state university sa kursong Bachelor of Secondary Education. Alam kong hindi maganda ang naging karanasan ko noon sa eskuwelahan para pumili ng kursong kailangan kong manatili sa eskuwelahan araw-araw, pero sapat na iyon para maging dahilan para magpatuloy.

"Daprisia, Stella T." Natawag na ang pangalan ko. Umakyat na ako sa stage para kunin ang diploma ko. At sa panahong ito, hindi ako nag-iisa. Nasa guest si Papa kasama si Grace. Naka-attend din sina AJ at Belle dahil day off nila. Susunod daw ang iba mamayang pag-uwi nila dahil may pa-graduation party sila para sa akin.

Ito na ang pangalawang pagkakataon kong maranasan ang panahong ito, at kompara noon—na halos makalimutan ko na rin kung ano ba ang nangyari—pakiramdam ko, sobrang saya nito ngayon. Minsan, naiisip ko, parang ang daming nangyaring hindi ko na matandaan. Siguro kasi, sa pagkakataong ito, nabago ko na lahat. At kung ano man ang pinagsisisihan ko noon, nawala na lang iyon dahil hindi ko naman na naranasan. Maganda na rin iyon dahil wala na rin akong balak balikan pa ang lahat ng masasamang alaala.

"Stella! Picture!"

Haharapin ko na ang panibagong bukas nang may ngiti at may pag-asa. At nagpapasalamat ako dahil nabigyan ako ng pagkakataong maulit ang lahat sa umpisa.

Ten years later . . .

"Ma'am, sorry po. Di po ako makakapagpasa ng project ngayon. May problema po kasi sa bahay. Si Tatay po kasi . . ."

"Okay lang ba, Baradilla?" putol ko agad sa estudyante ko. Nakatitig lang ako sa kanya. May gasgas siya sa dulo ng labi at ang braso niya, may maliit na pasa rin. "Ano'ng nangyari sa 'yo? Sino'ng may gawa niyan?"

Napakamot siya ng ulo at nahihiyang tumingin sa akin kaya nag-iiwas lang siya ng tingin.

"Gabriel," pagtawag ko sa kanya kaya siya napatingin sa akin. "Sino? Si Tatay mo?"

Napahugot siya ng malalim na hininga at alanganing umiling. "W-Wala po, Ma'am Stella. A-ano lang . . . na-nahulog po ako. Sa hagdan po."

"Ayoko sa batang nagsisinungaling. Sino ang may gawa niyan?" pangangastigo ko sa kanya. "Sina Brillantes ba?"

Agad ang angat niya ng tingin at parang nagulat sa sinabi ko.

"Sila nga."

"M-Ma'am, saglit lang po!"

Tumayo na ako sa upuan ko at dali-daling naglakad palabas ng faculty. May klase pa sila sa math kay Sir Tom pero hindi ko palalampasin ito. Bugbog-sarado ang classmate nila at mukhang wala lang sa kanila ang ginawa.

"Sir Tom, pa-excuse nga muna kina Brillantes, Chua, saka Nazareno."

"Ma'am, parang awa n'yo na—"

"Gabriel," pag-awat ko at pinagbantaan ko siya ng tingin.

Nagtawag na si Sir Tom at dali-dali namang lumabas sa hallway ng second floor ang tatlo.

Agad ang duro ko sa uniform ni David na hindi maayos ang pagkakabutones. "Isara mo 'yan, Chua." Ang angas din nito ni David. Umismid lang habang padabog na inaayos ang uniform niya.

When It All Starts AgainWhere stories live. Discover now