Chapter 28: Chocolates

5.5K 376 60
                                    

7:45 a.m. Monday.

Gumising ako nang maaga at nagluto ng instant noodles. Naghanda na rin ako para pumasok sa school.

Medyo naninibago ako kasi ang bagal ng panahon dito sa panahong ito pero pakiramdam ko, ang dami nang nangyari.

"Para saglit!"

Ang ganda ng umaga. Maganda ang bagsak ng sikat ng araw habang nasa biyahe ako. Napansin kong may nakatingin na naman sa akin. Lalaking tagakabilang school. Nakaupo sa katapat kong puwesto.

Nagulat siya noong nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Pinilit naman niyang ngumiti. Para tuloy siyang natatae dahil sa itsura niya. Ngumiti na lang ako nang sandali at inilayo ang tingin sa kanya.

Ang weird. Medyo good mood ako ngayon kaya maaga akong pumasok. Lagi kasi akong late.

"Para!"

Bumaba na ako sa tapat ng gate ng school. Nandoon na naman ang guard na laging nag-che-check ng bag. Iba sa guard na nakausap ko kahapon.

"Sige, pasok na," sabi ng guard sa akin bago ko pa ipa-check ang bag ko.

"Hindi nyo i-che-check yung bag niya?" tanong ng isang estudyante sa likod ko.

"Hindi na kailangan," sabi ng guard.

Hindi ko na lang inintindi ang mga estudyanteng tsini-check pa rin ang bag nila at tumuloy na lang ako papunta sa room ko.

"Wala pang tao?" bulong ko kasi talagang wala pang kahit sino sa room pagtapak na pagtapak ko roon. Umupo na lang ako sa puwestong walang nagtatangkang kumuha sa akin. Fil 2 namin at mukhang katatamaran na naman kaming pasukan ng prof.

"Ano kaya? Sa last birthday kaya ni Mama?" bulong ko habang iniisip kung saan at kailan ko pa gustong bumalik sa past.

Naaalala ko pa rin ang mga nangyari noong Christmas party. Ang saya lang. Napapangiti ako nang hindi sinasadya.

First time kong ma-experience iyon kahit na second time ko iyong ginawa at napuntahan.

"Ay, nga pala!" Naalerto agad ako. Hinawakan ko ang leeg ko. "Bakit wala?"

Nasaan na ang kuwintas na regalo ni Gelo? Siguro naman, nasa akin na iyon ngayon kasi natanggap ko sa past. Imposibleng wala, kasi kung meron akong kopya ng mga picture, dapat nasa akin iyon.

Kinalkal ko ang bag kong walang kalaman-laman. Walang kahit anong kuwintas.

"A, baka iniwan ko sa bahay noon."

Naaalala ko pa ang design. Bakal ang gilid tapos crystal glass ang kabuuan.

Ang ganda talaga niyon. Sayang at hindi ko suot ngayon.


* * *


Malapit na palang matapos ang sem. Inuunti-unti na kami ng mga project.

Natapos na ang klase ko ngayong araw kaya manananghalian na naman ako sa may punong santol. Naglalakad ako sa campus para makapuwesto na agad sa tambayan ko nang biglang . . .

"Yo! 'Musta na?"

Inakbayan na naman niya ako.

"Puwede bang tanggalin mo 'yang braso mo sa balikat ko?" naiirita kong utos sa kanya kasi ang bigat.

Tinanggal naman niya agad. Tumayo siya sa harapan ko at nginitian lang ako. Napahinto tuloy ako sa paglalakad.

"Ano na namang kailangan mo?" tanong ko pa.

When It All Starts AgainWhere stories live. Discover now