SIMULA

110K 2.4K 377
                                    

SIMULA

KANOR'S P.O.V

NANLALATA AT BAGSAK ang balikat ko habang papunta sa kwarto na kinaroroonan ng mag-ina ko. Kasalukuyan kami ngayong nasa ospital. Hindi ko alam kung saan kukuha ng pera para sa pambayad ng gastos sa panganganak ng asawa ko sa bunso kong anak na si Gabriella. Pati na rin pambayad sa renta ng bahay at kuryente ay pinoproblema ko, tapos ay kailangan na ring operahan ang panganay kong anak na si Calvin. Pinuntahan ko na lahat ng kakilala at kamag-anak na pwedeng pag-utangan, pero wala akong nahiram ni kusing. 


Huminga ako nang malalim at pipihitin ko na sana ang pinto ng kwarto nang may biglang tumawag sa akin.

"Mr. Cruz!" sigaw ng isang lalaki.


Nilingon ko ito at nakita ko ang isang lalaki na naka-business suit attire. Tantiya ko ay nasa edad bente pataas na ito.

"Mr. Karlorito Cruz, right?" tawag nito sa akin.

"Ako nga. Bakit, anong kailangan mo sa akin?" tanong ko.

"Ako nga po pala si Atty. Alfred Bautista," pakilala nito at naglahad ng kamay. Agad ko namang tinanggap iyon kahit naguguluhan pa akong nakatingin dito. "Attorney po ako ni Mr. Esteban, ang may-ari nitong hospital. Nalaman po kasi niya na hindi pa po kayo nakakabayad ng gastos n'yo rito sa hospital," sabi nito na nagdulot ng kaba sa akin.

Ipapakulong ba nila ako dahil sa hindi pagbabayad ng utang namin?

"Maaari bang bigyan n'yo pa kami ng palugit para makabayad ako? Gagawa ako ng paraan, basta 'wag n'yo lang po kaming ipakulong," nagmamakaawang sabi ko at lumuhod dito.

Kailangan ko itong gawin upang bigyan pa nila ako ng pagkakataon.

"Mali po kayo ng iniisip, hindi po kayo ipakukulong ni Mr. Esteban. Sabi niya sa akin ang lahat daw po ng gastos at utang n'yo sa iba ay babayaran niya, pati ang pagpapagamot sa anak n'yong panganay ay siya na rin ho ang sasagot, ngunit may kondisyon ho siya sa lahat ng iyon," sabi niya sa akin.

Hindi ko mapigilan ang mabuhayan ng loob dahil parang biyaya ang na rinig ko mula sa kanya. Ngunit kinakabahan din ako sa magiging kondisyon nito.

"A-ano ang kondisyon niya?" nauutal kong tanong.

"Ang kondisyon ni Mr. Esteban ay ang anak n'yo pong babae. Kapalit ng lahat ng utang n'yo at may ibibigay rin ho siyang malaking halaga sa in'yo, basta po ay pumayag kayo sa kagustuhan niya," mahinahong sabi nito. Kumabog ang dibdib ko sa galit.

Bakit ang anak ko pa ang gusto nilang maging kapalit?

"B-bakit ang anak ko? Pwede naman akong magtrabaho sa kanya hanggang sa mabayaran ko ang lahat ng utang ko. Bakit ang anak ko pa? Hindi ako makakapayag sa kondisyon n'yo, iba na lang, 'wag lang ang anak ko," pagmamakaawa ko rito.

Hindi maari na ang anak ko ang magiging kabayaran sa lahat ng ito.

"Pasensya na, ngunit ang anak n'yo po ang gusto niya. 'Pag hindi po kayo sumang-ayon sa gusto niya, baka mapahamak lang din kayo at ang pamilya n'yo," sabi nito na kinaiyak ko.

Akala ko, sa wakas ay may mabuti nang tutulong sa amin, ngunit may kapalit pala ang lahat.

"Hindi! Hindi ako papayag sa gusto niya! Magbabayad ako basta bigyan n'yo ako ng palugit, nagmamakaawa ako . . ." umiiyak na pakiusap ko rito.

The Mafia Lord James Esteban (Self Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon