TWENTY SIX - CHASED

52.9K 1.1K 18
                                    

Twenty Six

Gabriella's POV

Dahan-dahan ko na idinilat ang mga mata ko at nilibot sa buong paligid. Naalala ko na narito nga pala ako sa mansyon ni- whatever. Tatlong araw na akong nakakulong sa kwarto. Hindi ako makalabas, dahil lagi syang nakabantay, kahit na hindi ko naman sya pinapansin.

Himala at wala sya? Nakibat-balikat ako at mas natuwa, dahil maari na akong makatakas.

Kahit gusto ko pang matulog, pinilit kong bumangon. Mahigit tatlong buwan kalahati na ang pinagbubuntis ko. Mabuti at maliit pa ito, kaya hindi masyadong halata pag malaking damit ang suot ko. Ang last check-up ko nung unang araw ko sa palawan at sinamahan ako ni junior. Speaking of Junilr. Kamusta na kaya sya? Sila ni Christian? Tiyak ko nag-aalala na ang mga ito, nadamay pa sila ng dahil sa akin. Nalulungkot ako, pero oras na makatakas ako, pupuntahan ko agad sila.

Maingat akong lumakad palapit sa pinto. Nagsign of the cross muna ako, bago binuksan ang pinto. Ngunit bago yun, kinuha ko muna ang jacket, dahil gabi na rin kaya malamig.

Pagbukas ng pinto ay sumilip muna ako. Mabuga ako ng hangin nang walang mapansin na tao. Yes!

Lumingon-lingon at nagmamadali akong maglakad, baka may makakita pa sa akin.

Pagbaba ko ng hagdan, napatago agad ako sa pader dahil nakita ko ang dalawang katulong na nag-uusap.

"Grabe, ginaya pala nya si Señorita." sabi nung isang katulong.

"Oo nga, patay sila kay lord. Siguradong hindi niya palalampasin iyon. Nakita ko nga umalis ang lord kasama ang mga armado nya tauhan." sabi naman ni Sonie. Nakilala ko na sya, madaldal at chicksmax. I mean chismosa.

"Ang alam ko papunta si lord sa warehouse, dinig ko may parurusahan sila." sabi nung isa na hindi ko pa kilala.

"Tara! Tawagin na natin ang señorita, baka mapagalitan tayo pag hindi pa natin sya napakain." sabi ni Donie na kinatango nung isa.

Kailangan ko na talagang makalabas, kundi malalaman agad nila na nawawala ako.

Paglagpas nila Donie ay tinakbo ko na ang kusina, kung saan may back door. Buti nakabisado ko itong bahay nya, thanks god, magagamit ko pala.

Nakakatakot lang dumaan, dahil madilim. Kahit nagmamadali ako, nag-iingat parin ako. Buntis ako at baka mapahamak si baby. Hinimas ko ang tiyan ko at kinausap ito. "Baby, sorry.. Pinapagod ka ba ni mommy? Promise, pag nakapagtago tayo sa malayo. Hindi ka na mapapagod." naiiyak kong sabi.

Hangga't nakikita ko si james ay maalala ko lang ang pagkamatay nila inay. Ang inaalala ko ang magiging anak ko, tiyak na magtatanong sya paglaki nya. Napabuntong hininga ako at tumuloy sa paglalakad.

Nakalabas na ako sa punuan, kaya nasa kalsada na ako. Maglalakad pa sana ulit ako ng may dadaan na sasakyan. Walang ibang makakapasok ng lupain ni james, kundi sya lang at mga tauhan lang nya. Kinakabahan ako sa aking naisip.

Kaya nataranta akong nagtago sa likod ng puno. Nararamdaman ko na palapit na sila, kaya pigil ang hininga ko.

Nangangatog ang tuhod na sinilip ko ito at napabuga ng hangin dahil nakalagpas na ang mga ito.

Binilisan ko na ang paglalakad dahil tiyak na alam nila na nawawala ako.

Kinuha ko ang hood ng jacket na suot ko at nilagay sa ulo. Baka makikila ako ng guard, pag nakita nya ang mukha ko.

Pasimple akong naglalakad at sa gilid ng mata ko ay pasimple kong tinignan ang guard, napangiti ako ng makitang tulog ito.

Kaya sinamantala ko na para tumakbo. Hinahingal pa ako habang nakasandal sa pader dito sa gilid ng kalsada, nakalayo na ako sa lupain ni james.

Nilibot ko ang tingin at may nakita akong waiting shed, kaya naupo muna ako dahil nangangalay na ang mga binti ko.

Napalunok at napahinga ako ng malalim sa pagod sa pagtakbo. Maya-maya lang may ilaw na nakakasilaw ang dumarating, kaya nagtago ako sa sulok.

Sinilip ko sa butas ng pader kung ano iyon? Nabuhayan ako ng loob ng makita ang jeep na pamasada.

Tumayo agad ako at pumara, kailangan kong magpunta kela Carl. Sila nalang ang matatakbuhan ko sa ngayon.

Nakasakay na ako at nagbayad hanggang kela carl. Buti at doon ang byahe ni manong, hindi lang naman ako nag-iisa marami kaming sakay.

-

Ilang minuto lang din at nakarating na rin ako, pinara ko ang jeep at bumaba. Nilakad ko ang kanto papasok kila carl habang lumingon-lingon pa ako baka may nakasunod sa akin.

Konting hakbang nalang at natanaw ko na ang bahay nila.

Nagdadalawang isip pa ako, bago tumingin sa tapat ng bahay nila carl.. Huminga ako ng malalim, bago kumatok.

"Tao po?! Carl? Aling belen?" tawag ko sa tao sa bahay nila. Nakita kong bumukas ang pinto kaya napangiti ako, ngunit gano'n nalang ang paninigas ko sa pagkakatayo at kalabog ng puso ko ng bumungad sa akin ang nakakatakot na tingin ni james.

"Trying to escape again, Sweet heart?" malamig nyang wika, kaya kahit kinakabahan ay napatakbo ako palayo sa kanya.

Diyos, Lord. Bakit ba lagi nya ako nahuhuli? Naiiyak na ako sa takot at kaba na mahuli nya. Ibang james nakikita ko ngayon, parang punong-puno na sya sa akin at hindi ko lang sure, pero nakita ko ang sakit sa kanyang mata.

Napahawak ako sa tiyan ko habang tumatakbo.

"Kapit lang baby." naiiyak kong sambit.

© MinieMendz

The Mafia Lord James Esteban (Self Published)Where stories live. Discover now