TWENTY SEVEN - YOU'RE MINE

58.7K 1.2K 24
                                    

GABRIELLA’S P.O.V.

UMIIYAK NA TUMATAKBO ako nang mabilis para hindi niya ako maabutan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta? Akala ko hindi na niya ako mahahanap pa ngunit nagkamali ako.
Tumingin ako sa likod upang tignan kung nasundan niya ba ako? Wala akong nakitang sumusunod kaya lumiko ako sa isang eskinita. 
Napaupo sa gilid ng isang malaking drum ng mga basura, hinihingal at pigil na lumikha ng tunog. Natatakot ako na makuha niya ulit at ikulong sa bahay niya. 
Handa na sana akong tumayo at maghanap ng ibang mapagtataguan,
pero bago pa ako makatayo ay may pares na itim na sapatos na tumapat sa harap ko. 
Nanginginig na tinaas ko ang ulo ko para makita kung sino iyon? Pero dapat pala ay hindi ko na ginawa, dahil sumalubong sa paningin ko ang galit niyang mga mata ngunit wala kang makikitang bakas ng kahit anong emosyon sa kanyang mukha. 
Sapilitan na itinayo niya ako at isinandal sa pader habang mahigpit na nakahawak sa pulso ko.
“Tatakasan mo pa ko, ha? Kahit anong gawin mo, wala ka nang kawala sa akin. Naiintindihan mo ba, ha? Akin ka lang, akin!” galit na sigaw niya sa akin sabay hatak sa baywang ko at hinalikan ako nang mapusok. 
Umiiyak na iniwas ko ang mukha sa kanya at pinagsusuntok ko ang dibdib niya. 
Naramdaman ko na isinandal niya muli ako sa pader na kinatatayuan namin, ramdam na ramdam ko ang galit sa kanyang halik at paghawak niya sa akin.
“Hmmp! T-tama na!” ungol ko habang humahagulhol. Napahinto naman siya at tumingin sa mga mata ko. Bumalik ang dating James na nagtangkang kumuha sa akin noon, wala na ang James na sweet.
“Ang ayoko sa lahat ng iniiwan,” mariin niyang sabi, “’yong tinatakasan ako!” Hinawakan niya ang baba ko para ibalik sa pagkakatitig niya. “At alam mo ba ang ginagawa ko sa mga sumusuway sa akin, ha?” mapanganib ang nararamdaman ko sa sinabi niya.
“Sagot!” galit niyang sabi kaya napaigtad ako. Umiling-iling ako bilang tugon at lumuluha na nakatitig sa mata niyang malamig.
“Pinoposas at pinaparusahan ko hanggang sa magtanda!” May ngisi sa labi niyang sabi, ngunit naroon pa rin ang malamig niyang tingin.
Umiling-iling ako habang umaatras, ngunit hinaklit niya muli ang braso ko para makalapit muli sa kanya.
“Napakasama mo! Ikaw na nga ang may kasalanan sa akin, tapos gagantuhin mo pa ako!” Humihikbi kong sabi habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak niya.
“Tsk. Wala na akong pakialam sa iniisip mo sa akin. Dahil kung kailangan kong maging masama sa paningin mo, gagawin ko.” Inilapit niya ang bibig sa tainga ko, kinilibutan ako sa hangin na tumatama sa tainga ko galing sa bibig niya. “At kung iyon lang din ang paraan para sumunod ka sa akin . . .” bulong niya pa.
Pagkasabi niya no’n ay napatili ko dahil sa pagbuhat niya sa akin.
“Bakit tila tumataba at bumibigat ka?” Ngayon ay nakakunot na ang noo niya habang pinagmamasdan ang katawan ko.
Napalunok ako at hindi ko siya sinagot.
“Tsk.” Rinig kong asik niya, tila hindi nagustuhan ang pananahimik ko.
Pagkasakay niya sa akin sa kanyang sasakyan ay sumunod siya sa akin sa pag-upo. Umusog ako at sa bintana tumingin. Ayokong dumikit sa kanya.
Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na sinenyasan niya ang isang bodyguard, at kahit hindi ko nakikita ang mga mata niya, alam kong nakatitig siya sa akin.
Napasinghap ako nang hapitin niya ang baywang ko kaya napasandal ako sa dibdib niya. Napahawak ako sa kamay niya nang humahaplos iyon sa tiyan ko. 
Pilit ko itong tinatanggal, ngunit pinipigilan niya ang kamay ko. Pinilit ko na huwag huminga at pinikit ang mata ko habang napakagat ng labi. Kinakabahan ako na malaman na niya na buntis ako.
“Are you pregnant?” bulong niya sa akin. Hindi ako sumagot at napansin ko ang kamay ko na nanginginig na pala.
“Uulitin ko at ayoko ng pagtango mo lang ang isasagot mo, maliwanag ba?” mariin niyang utos sa akin ngunit hindi ako tumugon.
“Are you pregnant?” ulit niya sa tanong niya kanina. Napaluha na lang ako at mahinang sumagot.
“O-oo,” alanganing sagot ko na ikinangiti niya.
“Talaga? Magiging daddy na ako?” Bakas sa boses niya ang saya at tila sa kanya lamang niya iyon sinasabi.
“Ilang buwan, sweetheart? Malapit ka na bang manganak, ha?” tuwang-tuwa niyang pagtatanong at nagulat ako nang umiyak siya.
“T-Three months and fifteen days . . .” mahina kong tugon at lumayo nang kaunti sa kanya.
“Talaga? Nagpa-checkup ka na ba? Ano ang magiging anak natin?” excited niyang tanong na tila nawala na ang galit niya sa akin. Umiling naman ako bilang tugon.
“Sige, bukas na bukas din magpapa-checkup tayo,” nakangiti niyang sabi. Hindi ko talaga siya maintindihan. Minsan galit, minsan masaya. Tumango na lang ako sa kanya bilang tugon.
“Excited na ako!” nmasaya nitong sabi at iniyuko ang ulo para ilapit ang tainga sa tiyan ko. “Hello, baby ko? I’m your daddy, you hear me? Yes, I’m your daddy . . .” kausap niya sa baby na nasa tiyan ko. 
Naramdaman ko na huminto na ang kotse kaya napalunok at napatingin ako sa driver na tila hinihintay na bumaba kami.
“Bababa na ako . . .” mahina kong bulong sa kanya na patuloy na nagsasalita sa tiyan ko. Nahihiya ako sa driver dahil sa tagal namin bumaba.
Tumunghay naman siya at tumingin sa bintana na nasa likod niya, tila ngayon niya lang naramdaman na narito na kami.
Umayos siya ng upo at binuksan ang pinto sa gawi niya. Hinawakan niya ang kamay ko pagkababa niya at inaalalayan ako sa pagbaba.
“Careful, sweetheart . . .” malambing niyang paalala sa akin. Alalay kung alalay talaga siya, nakakahiya na dahil nakatingin ang mga bodyguards niya at maging mga kasambahay niya. 
“O-okay lang ako, ’wag mo na akong alalayan,” mahina kong sambit sa kanya na ikinahinto niya. Tumingin siya nang seryoso sa akin kaya napaiwas ako ng tingin.
“Kung gusto ko alalayan ka, aalalayan kita, naintindihan mo?” mariin niyang sabi kaya tumango na lang ako. Hinawakan niya ulit ako at inalalayan.
Nang makalapit kami sa tauhan niya ay napahinto siya kaya napahinto rin ako.
“Mag-ready na kayo, Nelson. Tatapusin na natin ito,” maawtoridad niyang sabi na sinagot naman ng pagtango ng mga ito.
Bumaling naman siya sa mga kasambahay at guard na nagsiyukuan.
“Ayoko nang mauulit na makalabas ang señorita n’yo rito sa mansyon. Dahil oras na maulit pa iyon, tatanggalin ko na kayo, nagkakaintindihan ba tayo?” maawtoridad niya pangaral sa mga ito.
“Yes, Lord . . .” sabay-sabay nilang tugon habang ako ay nagulat sa sinabi nito na bawal akong lumabas. At tsaka saan siya pupunta? Masyado nang gabi, ah?
“At kayo Aling Ising, pag-alis ko ay bigyan n’yo agad ang señorita n’yo ng gatas at mga masusustansyang pagkain,” mariin niyang utos sa matanda na tinanguan naman nito.
“Good.” Pagkasabi ni James no’n ay inakay na niya ako papasok. 
Hindi ko maintindihan ang ugali niya? Hindi ko rin alam kung paano siya patutunguhan? At higit sa lahat, naiilang ako dahil kahit maging sweet siya ay hindi pa rin maaalis ang galit ko sa kanya.

© MinieMendz

The Mafia Lord James Esteban (Self Published)Onde histórias criam vida. Descubra agora