THIRTY - CHECK-UP

59.3K 1.2K 12
                                    

GABRIELLA’S P.O.V.


NANLALATA NA IDINILAT ko ang aking mga mata. Napagod kasi ako dahil hindi ako tinantanan ni James kagabi hanggang sa mag-umaga na. 
Dahan-dahan akong naupo sa kama dahil masakit ang parte na nasa gitnang hita ko. 
Hinahawakan ko ang kumot para takpan ang hubad kong katawan. 
Natulala ako habang iniisip ang mga nangyari, nahihiya talaga ako kay James.
Hinatid ako ni James sa kwarto at pinatulog muna niya ako para siguro makaalis siya habang tulog ako. Hindi ko alam kung saan siya pupunta, pero para silang sasabak sa giyera. Nakita ko kasi ang paglabas ng mga tauhan ni James sa mga baril na nanggaling yata sa bodega sa likod.
Dahil curious ako kung saan nila gagamitin iyon ay nagtulug-tulugan ako, at gusto ko rin malaman kung ano ba talaga ang totoong katauhan ni James. Kahit nakasama ko lang ng nagdaan buwan si James, alam ko na hindi ko pa siya lubusang nakikilala. Para kasing itinatago niya talaga sa akin ang bagay na ’yon. 
Masakit dahil nagtiwala ako sa lalaking hindi talaga ako sigurado kung ano ba ang pakay sa akin. Dahil sa katangahan nadamay pa tuloy sina Tatay. Kahit anong pilit ko na isipin kung may nagawa ba talagang kasalanan sila Nanay rito aya gumaganti siya at sa akin niya sinimulan ay nasasaktan pa rin ako. 
Kaya pala no’ng unang araw na magpunta kami sa bahay parang ilang at may tensyon na namamagitan sa kanila. Dahil siguro may alitan sila na hindi ko alam kung ano nga ba ang pinagmulan? 
Nang marinig ko ang paglabas ni James sa pinto ay idinilat ko na ang mga mata ko at pinakiramdaman ko ang paligid dahil baka biglang bumalik iyon at mahuli ako.
Nang masiguro ko nang wala na siya ay dali-dali akong tumayo. Kumuha ako ng pera sa wallet ko at tumakbo palabas. Kailangan ko siyang maabutan, baka mawala sila at hindi ko masundan.
Hindi pa ako nakakaapak sa labas ng pinto nang mahuli ako ni kuya na bodyguard, tila siya ang naatasan na magbantay.
“Señorita, bawal po kayong umalis,” sabi nito sa akin at hinarangan ang daraanan ko.
“Kung gano’n, samahan n’yo po ako sa pagsunod kay James, please. May mahalaga akong gustong malaman sa kanya,” pagpupumilit ko rito.
“Hindi po maari talaga, ako po ang mapapagalitan oras na pinalabas ko kayo, Señorita,” umiling-iling na sabi niya kaya huminga ako nang malalim.
“Kaya nga ho samahan n’yo ako, promise hindi po tayo magpapahuli kay James. At sandali lang po tayo, gusto ko lang malaman kung saan pupunta si James,” pagpupumilit ko at nakita ko naman na tila nakumbinsi ko na sya. Nang makitang tumango siya ay natuwa ako. 
Pumunta siya sa nakaparadang sasakyan sa labas at binuksan ang pinto ng passenger seat. 
Nagmadali naman ako sa pagsakay at umayos ng upo. Sinara na niya ang pinto at nagmadaling umikot patungong driver seat. 
“Alam mo ba kung saan pupunta sina James?” tanong ko sa kanya.
“Opo Señorita, alam ko po kung saan,” sabi niya habang focus na nakatingin sa kalsada.
“Saan?” naiinip kong tanong sa kanya.
“Sa warehouse po ng Lord, may bibigyan po sila ng leksyon,” sagot nito habang niliko na sa madilim na gubat ang sasakyan. 
“Bakit dito ka dumaan?” nagtataka kong tanong pero kinakabahan ako at baka masamang tao pala ito.
“Dito po kasi nakatayo ang warehouse, Señorita. Para po walang ibang makaalam,” pagkasabi niya no’n ay huminto na rin ang sasakyan. Tumingin ako paligid at bumugad ang napakalaking building. Warehouse ba talaga ito?
“Narito na tayo, Señorita. Halika na po at sasamahan ko kayo.” Umiling ako sa sinabi niya. Gusto ko na ako na lang para hindi kami makalikha ng ingay.
“Ako na lang, kuya. Hintayin mo na lang ako at sandali lang ako doon,” nakita ko naman ang pagtango niya kaya bumaba na ako.
Nilakad ko na papasok itong gusali. Warehouse ba talaga ito? Parang laboratory at call center agent, pero wala namang tao?
Huminto ako sa paglalakad dahil pader na lang ito at may one way na pasilyo.
Hinakbang ko ang paa para lakarin ko ito at nakita na nasa itaas pala ito. Parang ako ’yong audience na nasa itaas at nasa baba ang naglalaro ng boxing. Nilibot ko ang paningin sa buong paligid kung may babaan ba rito? May nakita akong hagdanan kaya bumaba ako doon. 
Malapit na ako sa pinakahuling baitang nang marinig ko ang mga yabag at hiyaw na tila nasasaktan.
Nakita ko ang mga nakaitim na bodyguard ni James na bitbit ang mga puro bubog na mga lalaki at isang babae na tila pamilyar sa akin, ngunit hindi ko na masyadong mamukhaan dahil bugbog ang mukha niya. 
Grabe, anong ginagawa nila sa mga iyan? Ganyan ba talaga kasama si James? 
Naputol ang iniisip ko nang may pumasok muli. Tatlong tao na nakaitim na kapa, kasunod ng tatlo ay sina Nelson at ang pinakahuli ay si James na may hithit na sigarilyo sa labi. 
Totoo ba ito?
Pagak akong natawa at nangingilid ang luha ko dahil talaga nga pa lang wala pa akong alam kay James.
Sinundan ko ng tingin si James na nakangisi at naupo sa upuan, habang nakadekwatro. Nagsindi ulit siya ng sigarilyo bago nagsalin ng alak sa baso. 
Habang pinapakinggan ko ang palitan ng sigaw, hiyaw, at boses ni James ay parang akong natulos sa kinatatayuan ko. Nanginginig ang kamay ko sa natuklasan ko kaya nasagi ko ang flower vase, kaya NAMAN natuon sa akin ang atensyon nila.
Wala palang kasalanan si James, pero bakit kamukha niya iyong lalakI kagabi? At ’yong babae na tinulungan namin sa Palawan, pati ’yong dalawang lalaking kasama niya. Bakit magkakasama silang lahat?
“Tsuupp!” 
Nagulat ako nang may humalik sa labi ko kaya napatingin ako sa nakatayong si James na kagagaling lang sa banyo. Nakatuwalya lang siya na nakabalot sa baywang niya.
“Good afternoon, Sweetheart.” Pilyong ngiti ang nakikita ko sa mga labi niya na ikinapula ng mukha ko. Alam ko kasi kung anong ibig niyang ipahiwatig.
“Don’t be shy, magkaka-baby na nga tayo, e,” nakangisi niyang sabi kaya kinurot ko ang tagiliran niya at tumayo. Hinawakan ko ang kumot para hindi malaglag dahil pupunta ako sa banyo. 
Hindi pa ako nangangalahati ng hakbang nang hatakin niya ang kumot. Dahil sa gulat kaya napabitiw ako ng hawak sa kumot kaya nahulog ito. Napatakip agad ako sa dibdib ko at sa gitnang hita ko. 
“Witwit! Ang sexy mo, sweetheart.” sumisipol pa niyang sabi kaya binato ko siya ng orasan na nakita ko at tsaka ako tumakbo papunta sa banyo. 
“Geez! Napakamanyak talaga niya! Ngayon ko lang nakita na may mas ipipilyo pa pala siya!” naiinis kong sabi. 
Maya-maya lang ay may kumatok sa pinto ng banyo. Sino pa ba?
“Sweetheart, kaya mo ba? Baka madulas ka, ha? At bilisan mo nga pala, pupunta tayo sa hospital,” sabi ni James sa akin mula sa likod ng pinto.
“Okay,” tugon ko sa sinabi niya. Hahakbang na sana ako papuntang shower nang magsalita ulit siya na ikinapula ng mukha ko.
“At sweetheart, kung kailangan mo ng magsasabon sa ’yo, narito lang ako . . .” natatawang pilyo niyang sabi. Umiling-iling na lang ako at tumapat na sa shower. 

The Mafia Lord James Esteban (Self Published)Where stories live. Discover now