FOURTY TWO - COMATOSE

47.9K 1K 5
                                    

NARRATOR’S P.O.V.


LUMULUHA AT NAGMAMADALING umalis si James sa opisina niya. Nangangatog pa ang mga kamay niya habang sinususian ang kotse. 
Nang maisusi ay agad niyang binuhay ito at pinasibat para pumunta ng hospital niya kung saan dinala ni Mark ang mag-iina niya.
Kumakabog ang dibdib niya sa kaba, hindi niya kayang isipin na heto na naman, nauulit na naman ang takot niya. Dati ay gustong-gusto niya ang hospital, pero ngayon ay hindi niya alam kung may puwang pa ba iyon.
Pagpasok ni James sa opisina ay tumuloy agad siya sa table para umpisahan ang paper works niya para maaga siyang matapos. Ayaw niya muna talagang pumasok, ngunit alam niya na wala siyang laban kapag si Gabriella na mismo ang mag-utos sa kanya. Tama nga siguro ang lagi niyang naririnig sa mga kolokoy na sila Nelson. Under De Saya siya. But he didn’t care what people think about him, basta masaya siya dahil alam niya na may pakialam ito sa kanya.
Lunch break na nang maalala niya na pupunta nga pala ang mag-ina niya. Kinuha niya ang phone at napangiti siya bigla nang family picture nila ang bumungad sa kanya, ginawa niya kasing wallpaper ito. Pipindutin niya sana ang phone number ni Gabriella nang may nagpadala ng text message sa kanya.

Iyon lang ang text sa kanya pero kinabahan agad siya. Nagmamadali niyang tinawagan si Gabriella upang ’wag na itong paalisin ng mansyon.
“Please sweetheart, sagutin mo . . .” mahina niyang hiling habang nagmamadaling pinindot ang elevator, ngunit napakatagal bumukas, kaya naghagdanan na lang siya. Napahinto rin siya nang sagutin na sa wakas ni Gabriella ang tawag niya.
“Nasaan na kayo, sweetheart? Malapit na ba kayo?” hindi niya mapakaling tanong habang patuloy na tinahak ang hagdan pababa.
Nang sabihin ni Gabriella na nakaalis na sila ay lalo siyang nataranta, napakuyom siya ng kamao at mas binilisan ang pagbaba. 
Nakarinig siya ng tila maingay sa kabilang linya kaya lalong lumakas ang kaba niya.
“Shit! Sweetheart, anong nangyayari? Damn it! Hello? Naririnig n’yo ba ako?” sunod-sunod niyang tanong ngunit walang sumasagot. 
Tinalon na niya ang huling hagdan at nagmamadali siyang lumabas, wala siyang pakialam sa mga taong tila gulat sa ipinapakita niya. Gusto na niya agad makarating sa mag-ina niya, hindi niya makakaya na may mangyari ulit sa mga ito.
“L-Lord, ang señorita po may tama. Dinala ko po sila dito sa hospital n’yo,” sagot ni Mark sa tawag niya mula sa telepono ni Gabriella.
“W-what? Sige, pupunta na ako. Basta ’wag kang aalis sa tabi nila, please,” pakiusap at paghingi nito ng pabor. 
“Masusunod, Lord,” gulat na sabi ni Mark sa kanya. Ngayon lang kasi siya nagmakaawa at nag-please dito. Binaba na niya ang tawag at tinungo ang sasakyan niya.
Pagdating sa hospital ay agad niyang tinanong ang nurse sa station 1.
“Anong room ng mag-ina ko? Bilis!” nagmamadali niyang tanong dito. Nataranta at hinanap naman nito agad iyon at itinuro ang third floor room 302. Wala na siyang sinayang na oras at sumakay ng private elevator niya, pagdating sa third floor ay itinakbo niya ang hallway at lumiko. Nakita niya si Mark na palakad-lakad at may tinatawagan.
“Yes, pumunta na kayo dali! Hinihintay ko lang si Lord, Oh, narito na pala. Sige.” Saktong paglapit niya ay ibinaba na nito ang tawag.
“Nasaan sila? Ayos lang ba sila, ha?” nag-aalala niyang tanong.
“’Yong dalawang kambal po ay nasa kabilang room po, pinapatulog muna dahil sa kakaiyak. Tila alam nila ang nangyari kay Señorita.” Kumabog ang dibdib niya at tinanong ang kalagayan ni Gabriella.
“Until now po ay hindi pa lumalabas ang doktor mula sa I.C.U. May tama ng bala sa balikat at bandang likod ang señorita dahil sinangga niya lahat ng balang tumama para hindi mapahamak ang kambal.” Napasabunot siya ng buhok at nagsusumigaw sa galit, napaupo siya habang umiiyak. Pero tumayo siya agad at pinuntahan ang I.C.U.
Sakto naman na lumabas ang doktor na naka-assign kay Gabriella, agad niyang nilapitan ito at tinanong.
“Si Gabriella, ano, ayos lang ba siya?” diretso niyang tanong ditto. Nakita niya na nagbaba ito ng tingin kaya kinuwelyuhan niya ito at galit na sinigawan.
“Answer me! She’s okay, right?” galit niyang sigaw rito.
“I’m sorry, Sir Esteban. But now, she’s in unconscious situation. Machine na lang ang nagbibigay ng support na bumubuhay sa kanya, pero magdasal kayo at kausapin siya, baka marinig niya kayo.” Parang gumuho ang mundo niya sa sinabi nito. Nabitiwan naman niya ito at naglakad siya papasok sa pinaglalagyan nito. Nakita niya ang kabit-kabit na aparato sa katawan ng asawa niya.
Nilapitan niya agad ito at hinawakan sa kamay.
“Sweetheart, gumising ka. ’Di ba sabi mo hindi mo ako iiwan? Ang kambal, hahanapin ka nila. Please, gumising ka na, ha?” pagmamakaawa niya rito, ngunit tunog lamang ng machine ang naririnig niya.

TULALA SIYA HABANG nakahawak siya sa kamay nito. Ilang oras na pero hindi pa rin ito nagigising. Ayaw niyang maniwala sa sinasabi ng doktor, dahil alam niya hindi na sila iiwan ni Gabriella.
Pumasok ang magulang ni James na bitbit ang kambal. Nakasunod doon ang Dark Tres, si Nelson, Mark, Basty, at Xesar. Tahimik lamang nila pinagmamasdan si James na tila walang naririnig sa paligid. 
“Uwahh! Uwahh!”
Iyak ng kambal ang pumatay sa katahimikan ng loob ng room, nagulat sila nang tumayo si James at kinuha ang kambal sa magulang niya. Itinabi nito ang kambal kay Gabriella na siyang ikinatigil ng iyak ng mga ito.
Nagkatinginan at naaawa napatingin sila sa mag-anak.
“Dark Tres, alam n’yo na ba kung sino ang hayop na ’yon?” Nabigla sila nang biglang nagsalita si James sa seryoso nitong boses.
“Yes, Lord. Si Martin Chen, ’yong drug lord na hindi pa natin nahuhuli. Tingin ko ay gumaganti siya sa inyo dahil pinakialaman natin ang binuo niyang grupo,” sagot ni Ice sa tanong ni James. Tumango lang ito at hindi na nagsalita.
Gabi na nang may kumatok sa pinto at bumukas iyon, pumasok doon ang matagal nang hindi nagpapakitang sila Junior, Carl, at Christian. Nakarating kasi sa kanila ang nangyari kay Gabriella. 
Saktong kakarating lang nina Junior at Christian sa bahay nila Carl upang tanungin si Gabriella dahil nawalan sila ng balita dito mula nang ma-kidnap ito. 
Ang akala nila ang masayahin at masiglang Gabriella ang sasalubong sa kanila, ngunit hindi nila inakala na nakaratay at puro aparato na ang madadatnan nila.
Nagtinginan at lumapit sila rito, tumayo naman si James at lumabas. Sumunod doon ang pito upang bigyan ng oras ang mga kadarating lang. 
Paglabas ni James kasunod ang pito, huminto siya at nagsalita.
“Tres at Nelson, sumama kayo sa akin. The rest, stay here. Bantayan n’yo muna ang mag-ina ko.” Iyon lang ang bilin niya bago tumuloy sa pag-alis. Nagkatinginan sila at nagtanguan, bago sinunod ang utos Lord nila.


© MinieMendz

The Mafia Lord James Esteban (Self Published)Where stories live. Discover now