KABANATA 5 - FEELINGS

73.7K 1.6K 200
                                    

KABANATA 5
FEELINGS

GABRIELLA'S P.O.V.


TAHIMIK LANG AKONG umiiyak sa sulok ng kanyang sasakyan. Ayokong makatabi siya dahil kaba at takot ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko rin maintindihan kung bakit niya sinasabi na pagmamay-ari niya raw ko. Hindi ko naman siya kilala at ngayon nga lang din kami nagkita. Tapos bigla na lang niya ako pupwersahin na dalhin man kung saan niya ba ako dadalhin.

Napatingin ako sa pinto ng sasakyan nito at nakita kong hindi pala iyon naka-lock. Pasimple akong tumingin sa kanya na nasa bandang kanan ko, nakatingin lang siya sa harapan.

Lumunok ako at kinakabahan man ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pinakiramdaman ko siya. Pero napakunot-noo ako nang tumunog ang pinto bigla at na-lock nang kusa.

Napalunok muli ako at dahan-dahan na tumingin ulit sa kanya. Nakita kong hawak niya ang isang remote na sa tingin ko ay iyon ang ginamit niya para ma-lock ang pinto.

"Try again sweetheart at hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa 'yo," malamig ang tinig na banta niya at tumingin sa akin na nagdidilim ang mukha sa galit.

Tumahimik na lang ako at walang nagawa kundi ang umiyak sa isang sulok sa kawalan ng magagawa.
'Gusto ko nang umuwi. Bakit ba ayaw niya ko pakawalan?' piping ani ng isip ko. At dahil siguro sa sobrang pagod ko sa pag-iyak ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

NAALIMPUNGATAN AKO AT biglang napaupo dahil naalala ko ang pagkuha sa akin ng lalaki na 'yon. Pagmulat ko ng mata ay bumungad sa akin ang isang black and white na theme na kulay ng room.
Hindi pamilyar sa akin ang kwartong ito!

Nilibot ko pa ng tingin ang kinaroroonan ko. Mula sa kama na tingin ko ay napakalaki at napakalambot-hindi hamak na mas malaki sa kama ko na sobrang nipis na sa tagal ko nang ginagamit simula pagkabata ko. Tumayo ako at nilibot pa ang mga paningin ko hanggang sa napako ang aking tingin sa mga litrato ni Mr. Esteban na naka-business suit habang nakaupo sa swilver chair na tingin sa ko ay sa isang opisina kinunan.

Kaso hindi man lang siya nakangiti sa litrato. Para siyang greek model. Mas gwapo pa siya sa nakikita ko sa magazine ng kapitbahay namin. Nilibot ko pa ang buong paligid nang mapagdesisyonan ko nang lumabas para makauwi na sa amin.
Binuksan ko ang pinto at sumilip kung may tao ba sa labas.

Luminga-linga ako at nang makitang walang tao ay tuluyan ko nang binuksan ang pintuan. Dahan-dahan at maingat na lumakad ako palabas para hindi makalikha ng kahit ano mang ingay. Hinanap ko ang hagdanan nito pababa dahil napakaraming pasikot-sikot ang bahay. Sa bawat paglakad ko ay namamangha ako sa mga nakikita ko. Ngayon lang kasi ako nakakita ng ganitong kagandang bahay at ganitong kalaki.

Naglakad-lakad pa ko pakanan at sa wakas ay nakita ko na ang hagdanan. Hindi na ko nagpaligoy-ligoy pa at nagmamadali na sa pagbaba. At nang marating ko ang pintuan ay hinihingal pa ako dahil hindi ko inaasahan na napakahaba ng lawak ng sala, mas hamak na malaki pa sa bahay namin.

Nang makabawi ng paghinga ay binuksan ko na ang pintuan, pagbukas ko ay siyang kinapako ko sa kinatatayuan ko dahil bumungad sa akin si Mr. Esteban at nakapalibot sa kanya ang napakarami niyang bodyguard.

"Saan ka pupunta, ha?" galit na sabi niya na nagpakaba sa akin. Ang seryoso ng mukha niya na mababakasan ng galit. At ewan ko lang kung namalikmata ba ako o ano, pero parang nakita ko ang sakit at lungkot sa mata niya, pero bigla ring nawala agad iyon at bumalik ang galit niyang ekspresyon.

The Mafia Lord James Esteban (Self Published)Where stories live. Discover now