THIRTY NINE - PAY BACK TIME

50K 1K 14
                                    

NARRATOR’S P.O.V.


KATAHIMIKAN AT TAKOT ang bumabalot sa buong mansyon. Naroon ang Dark Tres na napapangisi at napapailing sa nakikitang takot ng mga tao dito. Nakaupo naman sa sofa si Michelle na hindi mapalagay. Kinakabahan siya at naiisip kung ayos na ba ang kalagayan ni Gabriella at ng mga apo niya. At nababahala rin siya sa galit ng anak niya.
“Rose at Marie, harapin n’yo ang kasalanan n’yo sa anak ko. Sinabi ko sa inyo na itigil na, ’di ba?” mariin niyang sabi sa mga ito.
“Señiora, tulungan n’yo po kami. Baka mapatay po kami ng Señiorito . . .” Nagmamakaawang humihingi ng tulong ang dalawa. 
“Hindi n’yo ako sinunod, pare-pareho natin salubungin ang galit ng anak ko,” napapailing na sabi ni Michelle at napapikit. 
Napadilat din siya agad nang makarinig ng yabag papunta sa gawi nila, napakapit siya nang mahigpit sa suot niyang dress at napayuko. Alam niya na masama na naman ang loob nito sa kanya at wala ang asawa niya na si Romano upang maipagtanggol siya. Nasa business trip ito sa Macau kaya wala itong kaalam-alam sa nangyayari dito. 
Napatalon siya sa gulat nang pagbuntunan ng anak niya ang mga gamit na makita nito. 
Pabagsak na naupo ito sa nag-iisang sofa at nagsalin ng alak na nasa mini table.
“Umpisahan n’yo na magpaliwanag, dahil oras na hindi ko magustuhan ang sinabi n’yo, sa lupa kayo pupulutin!” mariin na banta ni James at inisang lagok ang alak na hawak.
“P-patawad po, Señiorito . . . N-napag-utusan lang po kami . . .” nakaluhod na sabi nina Rose at Marie. 
“At sino naman poncho pilato ito?” tanong muli ni James na wala pa ring kaemosyon-emosyon na tumingin sa dalawa. Napalunok muna ang dalawa at nagtinginan bago sagutin ang tanong ni James.
“S-si Ms. Stella po, inutusan niya po kami na pahirapan si Ga—Señiorita . . .” nauutal na sabi ni Marie. 
“Oh!” Napapangisi at tumango-tango si James habang kinukuha ang baril sa tagiliran niya, pinaikot-ikot niya ang baril sa daliri at muling tinanong ang dalawa.
“Tapos? Ano-ano naman ang mga inutos n’yo sa señiorita n’yo habang wala ako?” mariin niyang tanong sa dalawa na nangangatog na sa takot.
“L-lahat po ng gawain namin ay sa kanya po namin inatas. Patawarin n’yo po kami, kinailangan ko lang po ng pera para sa pambayad sa utang ng pamilya naming . . .” nagsusumamong sabi ni Rose. 
Inihinto ni James ang pag-ikot sa baril at pinutok ito sa direksyon ng dalawa na tila tinakasan ng dugo. Napasinghap ang lahat at walang nagtangka na makialam. 
Kamuntikan na sa ulo ng dalawa tumama ang bala na pinutok ni James, napahagulhol ang dalawa dahil akala nila ay tumama na ito sa kanila. 
Tumayo si James palapit sa dalawa at pasabunot itong itinayo. 
“Pasalamat kayo at iniisip ko ang sasabihin ng mahal ko, dahil kung ako ang tatanungin? Sa lupa ko kayo ibabaon . . .” mariin niyang sabi sa dalawa at binitiwan ang buhok ng mga ito. At bago umalis sa harap ng mga ito ay sinampal niya muna ang dalawa nang pagkalakas-lakas na ikaupo ng mga ito habang humahaguhol.
“Tama na, please! Anak!” nagmamakaawang pigil ng kanyang ina. Tumingin siya rito na masama ang loob.
“Kayo, Ma?! Ano, masaya na kayo at napahirapan n’yo si Gabriella, ha? Alam ko no’ng una pa lang na ayaw n’yo sa kanya, pero wala kayong narinig sa akin. Pero anong ginawa n’yo? Alam n’yo, lalo ko kayong kinasusuklaman. Nang dahil sa inyo, kamuntikan nang mawala sa akin ang mag-iina ko. Pasalamat kayo, dahil kung may nangyari sa kanila at kahit ina ko kayo, hindi ko palalagpasin ang ginawa n’yo,” sunod-sunod at galit na sambit ni James kay Michelle na naluluhang nakatitig sa anak.
Umalis si James sa harapan ng mga ito habang nakasunod ang team niya. Kailangan niyang pagbayarin ang tunay na salarin.
Mula sa mansyon ng mga Samson, naroon ang pamilya ni Stella na masayang nagmemeryenda sa garden.
“Kumusta na kayo ni James, anak? Kailan ba kayo magpapakasal?” tanong ng ama ni Stella. Huminto muna sa pagsubo si Stella ng macaroni salad at nagpunas ng bibig.
“We’re okay, Dad. May kailangan lang akong idispatya, masyadong epal,” nakangising sabi ni Stella.
“Okay. Pero anak, dali-dalian mo. Alam mong pabagsak na ang company natin, kailangan mong makasal sa billionaryong Esteban na iyon,” paalala ng ama nito sa kanya.
“Chill lang kayo, Dad. I’m pretty sure na sa akin babagsak iyon, kailangan lang mawala sa landas ang magiging anak nito sa malanding babaeng iyon,” seryoso sabi ni stella na may namumuong masamang plano sa isip.
“At sisiguraduhin ko rin na sa putikan ang bagsak n’yo!” Naestatwa si Stella maging ang magulang nito.
Napatayo agad siya sa upuan at inosenteng tumingin kay James.
“Babe, nand’yan ka pala. I miss you so much!” Yayakap na sana siya nang lumapat ang palad ni James sa pisngi niya kaya napahawak siya dito habang nakamaang ang bibig sa gulat.
“May pagkademonyita ka palang itinatago. Childish, tsk. Ito ang tatandaan mo, hindi ka na maari pang umapak sa hacienda. At ’wag mo rin subukan na kantiin si Gabriella, dahil ako ang makakaharap mo,” banta ni James bago ito umalis. 
Napakuyom ng kamay si Stella at nagagalit na pinaghahagis ang mga plato’t kutsara nakikita niya. 
“Anak, Enough! Oh my god! My expensive cali plate!” naghihisterikal na sigaw ng kanyang ina dahil nabasag niya ang platong nabili nito sa auction. 
Hindi niya pinansin ito at nagmamartsa na umalis sa garden. Kinuha niya ang phone upang tawagan ang asset niya sa masyon ng mga Esteban.
“Pahirapan n’yo pa ang babaeng iyan, Rose. Kung kailangan patayin ang nasa sinapupunan nito gawin n’yo,” utos niya kina Rose. Nakarinig naman siya ng hagulhol na kinakunot niya ng noo.
“Hindi maari ang gusto mo, dahil alam na rin ng señiorito iyon. Bahala ka, pero hindi na kami susunod sa ’yo. Nang dahil sa ’yo muntik na kaming mamatay,” pagkasabi ni Rose no’n ay ibinaba na nito ang tawag na kinainis niya, kaya binalibag niya iyon. 
Nanginginig siya sa sobrang galit at napasabunot sa buhok.
“Hindi! Hindi ka maaaring maagaw sa akin ng babaeng iyon! Gagawin ko ang lahat para mawala sa landas natin siya. Tama!” nababaliw nitong sabi habang hinahagilap ang baril. Nang makita niya ito ay napangiti siya na tila may binabalak na masama.


© MinieMendz

The Mafia Lord James Esteban (Self Published)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz