KABANATA 3 - JAMES ESTEBAN

68.6K 1.6K 73
                                    

KABANATA 3
JAMES ESTEBAN

GABRIELLA'S P.O.V.


ALAS-SAIS NA NG umaga nang magising ako kaya naman at agad akong napabangon sa kama. Seven thirty kasi ang pasok ko, kaya kailangan ko nang bumangon. 

Tiningnan ko ang suot ko at nakita ko na hindi pa nga pala ako nakakapagpalit ng uniform mula pa kahapon. 

Nakatulugan ko ang pag-iyak sa masamang panaginip na iyon. Panaginip man iyon, pero natatakot ako. Para kasing totoong mangyayari sa akin.

Aist! Makagayak na nga, baka ma-late pa ko sa school. 

Pagbaba ko ay naabutan kong naghahanda na si Nanay ng agahan namin habang si Tatay naman ay nagbabasa ng dyaryo niya na nakagawian na niya tuwing umaga, at ang kuya ko naman na gwapo at masungit ay nakapangalumbaba at tila antok na antok pa.

"Magandang umaga sa mahal kong pamilya!" bati ko nang nakangiti sa kanila na kinatingin naman ng mga ito. Napahagikhik pa ako habang tinutungo ko ang upuan ko.

"Oh, anak. Mabuti at maaga kang nagising? Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Nanay habang naglalagay ng ulam sa lamesa.

"Opo, 'Nay. Hindi ko na po iniisip 'yon," sagot ko naman habang naglalagay na ng kanin sa plato.

"Ayos 'yan, anak. 'Wag mo nang alalahanin iyon at masamang panaginip lamang iyon," sabi pa ni Nanay at bahagyang sumulyap kay Tatay.

"Opo," nakangiting tugon ko.

"Sus! Baka naman manliligaw mo 'yong napanaginipan mo, ha? Yari ka sa akin," biglang singit naman ng masungit kong kuya.

"Naku, Kuya Calvin. Wala pa akong manliligaw. Wala ngang lumalapit, e. Parang takot pa nga sila 'pag lumalapit ako, tsaka parang walang gustong makipagkaibigan sa akin," sabi ko na nalulungkot. Simula kasi nang pumasok ako sa eskwelahan, wala pang lumalapit para makipagkaibigan.

NARRATOR'S P.O.V.

NAGKATINGINAN ANG MAG-ASAWANG Kanor at Martha. Bigla silang kinabahan, pero sana ay mali lang ang nasa isip nila na binabantayan ng lalaking iyon ang anak nila.

Si Calvin naman ay nalulungkot para sa kapatid dahil kita nga niya na wala man lang maski kaibigan ang kapatid niya sa school.

GABRIELLA'S P.O.V.

"AYOS LANG 'YAN, bunso. Nandito naman ako at si Carl, kami na lang ang kaibigan mo," sabi ni Kuya Calvin na nakangiti sa akin.

"E, Kuya! Pang-asar naman si Carl, e. Lagi na lang akong inaasar na pangit, kahit hindi naman," nakangusong sabi ko.

"Naku, 'wag mo nang intindihin 'yon. Kung alam mo lang . . ." sabi ni Kuya na pabulong pa ang ginawa sa huling sinabi.

"Ha? Kuya, ano po 'yon?" tanong ko dahil hindi ko narinig ang huling sinabi niya.

"Wala 'yon. Tara, kain na tayo," sabi niya na kumikindat pa.

Napailing na lang ako dahil tila may kapilyuhan siyang iniisip. Si Kuya talaga. 

SCHOOL

NAGLALAKAD NA AKO papuntang classroom. Tiningnan ko ang oras sa relo ko at nakita ko na seven ten na, buti na lang at may time pa kong magbasa ng notes.

Pagpasok ko ay biglang natigilan ang mga kaklase ko. Maingay sila kanina, pero ngayon ay tila daig pa ang sementeryo sa pagiging tahimik. 
Hindi ko na lang pinansin at nakatungo akong naglalakad patungo sa upuan ko sa likod, habang sila ay bumalik na ulit sa pag-uusap at tilian nila, pero mukhang makakatikim na naman ako ng lait kina Tricia at sa mga alipores niya. 

"Poor Gabriella, no friend since birth. Kawawa ka naman, ang panget mo kasi at dukha ka pa," sabi niya sa akin at dinuro ang noo ko ng daliri niya sabay hila ng buhok ko na binitiwan din naman agad bago umirap sa akin. Bumalik na rin sila sa kanilang upuan at nagtawanan habang nakatingin sa akin na tila tuwang-tuwa sa ginawa nilang pang-aapi sa akin.

Binuklat ko na lang ang notes ko kaysa pansinin pa sina Tricia. Inumpisahan ko nang basahin ang lecture namin kahapon, pero hindi ako makapag-concentrate dahil naririnig ko ang usapan ng mga kaklase ko, lalo na ang grupo nila Tricia. 

"Hey, girls! Guess what?" kinikilig na sabi ni Diana na best friend ni Tricia. Kakarating lang nito na humahangos at tila may dalang balita.

"What?" maarteng sabi ni Tricia habang nagre-retouch ng makeup.

Hay! Bakit kaya kailangan pang mag-makeup nang kay kapal-kapal? Maayos naman ang itsura niya. 

"Girls, 'yong may-ari daw ng school na ito ay dadalaw raw dito," sabi ni Diana na tumitili pa. Napatingin tuloy sa kanya mga kaklase namin at pati na 'yong nasa labas na dumadaan.

"Argh! Bunganga mo ang lakas, para kang nakalunok lagi ng mega phone," naiinis na sabi ni Tricia, pero agad ding nawala ang bagsik ng maalala nito ang sinabi ni Diana. "At totoo ba 'yong sinasabi mo? Dadalaw si my loves James Esteban dito?" kinikilig na pagpapatuloy nito. Tila doon lang niya napagtanto ang sinabi ni Diana.

Sino ba 'yong pinag-uusapan nila?

Ang pagkakarinig ko 'James Esteban' daw ang may-ari ng school. 
Tsaka 'di ba matanda na 'yon? Bakit pa nagka-crush si Trisha doon?


NARRATOR'S P.O.V.

NAKATANAW SA BINTANA ng kotse si James Esteban na mas sikat sa tawag na: Mr. Esteban.

Papunta ito sa eskwelahan ng ESTEBAN HIGH, ang school na pinapasukan ni Gabriella at ang pagmamay-ari niya. Hindi na siya makapaghintay na malapitan at mahawakan ang kanyang Gabriella. Kaunting buwan na lang ang hinihintay bago ito mag-disiotso, pero hindi na siya makapaghintay ngayon kaya gusto niya nang makita at mahawakan ito. 

Mula sa bintana ay natanaw na niya ang school na kanyang pagmamay-ari, at mula rin doon ay nakita niya ang pagtingin ng mga estudyante at guro sa kotse niya na papalapit. 

"Tsk. Pathetic idiot," ismid niya habang naiirita ang mukha sa mga taong usisero sa sasakyan niya.

GABRIELLA'S P.O.V.

"LISTEN, CLASS! MAY sasabihin ako sa in'yo. Alam ko na lahat kayo ay nabalitaan na ngayon darating ang may-ari ng school natin, si Mr. James Esteban. Magbigay-galang kayo sa kanya at walang mag-iingay at 
'wag ding makulit habang nariyan siya. Maliwanag ba?!" masungit na sabi ni Ms. Ramos.

"Yes, Ma'am!" sabay-sabay na sagot namin.

"Okay, pumunta na kayo sa gym building dahil malapit na raw dumating si Mr. Esteban dito," sabi pa ni Ma'am Ramos na nagme-make up pa.

'Hays, nagre-review pa naman ako!' nakabusangot na sabi ko sa isip.

Copyrights 2015 © MinieMendz

The Mafia Lord James Esteban (Self Published)Kde žijí příběhy. Začni objevovat