FOURTY ONE - TWINS

50.2K 925 13
                                    

GABRIELLA’S P.O.V.


NAKAPANGALUMBABA AKONG NAKATITIG sa natutulog na mga anak ko, ang gwapo nila. Pero nakakainis! Puro kay James nakakuha ng itsura, wala man lang yatang nakuha sa akin. 
Narinig ko ang pagbukas ng pinto at kahit hindi ko lingunin, alam kong si James iyon. Nakakatawa dahil dahan-dahan talaga niyang binubuksan ang pinto.
“Sweetheart, hindi pa ba tayo matutulog? Tulog naman sila baby,” ungot ni James sa akin, huminga ako nang malalim at tumayo. Inayos ko muna ang kumot nila at lumapit sa kama namin. 
Paghiga ko ay ipipikit ko na sana ang mata ko nang maramdaman ko na humalik sa akin si James, dumilat ako at yumakap sa baywang niya.
“Good night, hubby,” inaantok kong sabi sa kanya at pinikit ang mata. Napangiti ako nang marinig ko siyang napamura at tila nahihirapang huminga.
Hindi ko na lang pinansin iyon at natulog na.

NARRATOR’S P.O.V.
SAMANTALA, HINDI NAMAN makatulog si James dahil naaakit siya sa suot ng asawa. 
Akala niya ay makaka-score na siya, pero tinulugan lang siya nito.
Sinuklay-suklay niya ang buhok nito, pero napahinto siya nang marinig niyang tumatawa ang kambal.
Maingat siyang umalis sa higaan para hindi magising si Gabriella. Tinungo niya ang kambal at napangiti siya dahil tila nananaginip pala ang dalawa. 
“Mga baby ko . . .” rinig niyang ungol ni Gabriella. Natutuwa siya sa nakikita dahil tila magkakausap ang mga ito sa panaginip, kinuha niya ang video cam at vinideohan ang mag-ina niya. 
“Hello, mga anak. Si Daddy ito. Manang-mana kayo sa akin ng mukha, pero sa mommy n’yo naman kayo nagmana ng kabungisngisan,” natatawa niyang sabi sa camera. 
“Mahal na mahal ko kayo. Alam n’yo ba na mahal na mahal ko ang mommy n’yo? Alagaan natin siya, ha? ’Wag matigas ang ulo n’yo paglaki n’yo.” Hindi niya alam kung bakit lumalabas sa bibig niya iyon.
Nagulat siya nang pumalahaw ang mga ito. 
“Shhh. Tahan na Jam at Gab, baka magising ang mommy n’yo,” bulong niyang pagpapatahan sa kambal, huminto naman ng iyak ang mga ito ngunit naroon pa rin ang bakas ng luha sa pisngi ng mga ito kaya pinunasan niya at humalik siya sa noo ng kambal.
Nahiga siya ulit sa tabi ni Gabriella at niyakap ito nang mahigpit at hinalikan sa noo.

GABRIELLA’S P.O.V.
PAGGISING KO AY wala akong katabi sa higaan, maging ang mga bata ay wala rin sa higaan nila.
Tumayo ako at nagpunta sa banyo para maghilamos at magsipilyo, pagkatapos ay nagpunta ako sa closet at kumuha ng pamalit na damit.
Pagbaba ko ng hagdan ay wala rin sila sa sala, nagpunta ako sa dinning area ngunit wala rin. Nakita ko si Manang Gloria at tinanong kung nakita ba niya ang mag-ama ko.
“Naroon sa hardin, Señorita,” nakangiti nitong sagot kaya ngumiti rin ako at nagpasalamat. 
Nakita ko na nilalaro ni James ang mga bata habang parehas niyang bitbit. Hindi kaya siya mangawit?
Nakangiti na lumapit ako sa kanila, ngunit napawi rin nang may tumayo na babae na sexy, maganda, at halata mong mayaman.
Nakita ko ang pagdikit niya kay James at kunwari na nilalaro pa ang kambal ko.
Nagbaba ako ng tingin at napakuyom ng kamao. Sino ba ’yong babaeng ito?
“About sa proposal ko sa ’yo, magkita na lang tayo mamayang gabi,” mapang-akit nitong sabi at humawak pa sa balikat ni James.
Galit na sinugod ko ito at sinabunutan. May proposal pa siyang nalalaman, ha! Ano ’yong inaalok niya, ha? Malandi!
“Huwag mong hawakan si James! At talagang sa harap pa ng anak namin mo siya nilalandi, ha!” galit kong sabi sa kanya at patuloy na sinasabunutan.
“Gabriella, stop!” pigil sa akin ni James at hinatak ako mula sa babaeng iyon. pagkatapos niya akong itayo ay tinayo naman niya ang babaeng nagpapaawa pa.
“Are you okay, Miss Santol?” Grabe, gusto kong matawa sa apelyido niya, ngunit pinigilan ko at galit na tumingin sa dalawa.
“Ouch! Sino ba ’yang babaeng iyan? Ano bang problema mo at nananabunot ka?” galit nitong sabi sa akin kaya inirapan ko siya at lumapit sa mga anak ko.
“Pasensiya na, she’s my wife,” paghingi ng tawad ni James at pagpapakilala sa akin.
“Ha? Asawa mo? Bakit tila bata pa siya sa ’yo?” nanghihinayang nitong sabi. Aba’t! Talaga? Nanghinayang pa?
“Yes, you have a problem with that?” seryoso sabi ni James, binelatan ko nga!
“Yes—No. I mean, Congrats! Pero, marami naman ibang girls d’yan na alam mo na . . . hindi childish,” nagmumungkahi nitong sabi habang hinahawi pa ang buhok.
“Tsk, You! Get out! Don’t ever insult my wife infront of me, baka may magawa pa ako sa ’yo na hindi maganda,” galit na sabi ni James at may sinenyasan yata na bodyguard. “Palabasin n’yo nga ang babaeng ito, at ’wag na ’wag n’yo nang paaapakin sa lupain ko,” utos niya sa mga bodyguard. Kinaladkad naman nila ang babaeng iyon na todo hingi ng patawad.
Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa kambal, nahihiya kasi ako sa inasta ko kanina.
“Sweetheart, dapat hindi mo na ginawa iyon,” sabi niya nang pumunta sa harap namin. Hindi ko siya tiningnan at pinansin. 
“Nasugatan ka tuloy.” Huminga siya nang malalim at hinawakan ang braso ko. Napangiwi ako at tumingin sa braso ko na may kalmot. Ngayon ko lang napansin ang talas pala ng kuko ng babaeng iyon.
“E, kasi todo makakapit sa ’yo, hindi ko nakontrol ang sarili ko . . .” nakanguso kong sabi. Napaigtad naman ako nang halikan niya ang sugat ko, nilayo ko ito dahil may dugo.
“Ano ka ba! ’Wag mong halikan, kita mong may dugo, e,” sermon ko sa kanya. Natatawa naman siyang tumayo at pumasok sa loob kaya hindi ko na alam kung saan siya pupunta. Nilaro-laro ko naman ang kambal na tumatawa.
“Mga anak, bakit n’yo ako pinagtatawanan, ha?” nakanguso kong sabi habang hinawakan ang maliliit nilang kamay. Bumungisngis ang dalawa na tila naiintindihan ang sinabi ko.
“Mukha nagkakasiyahan kayong mag-ina ko, ha?” sabi ni James na may dalang bulak at alcohol, napalunok ako at kinabahan na itinuro ang hawak niya.
“Hubby, ’wag mong sabihin na idadampi mo ’yan sa balat ko?” kinakabahan kong sabi at lumayo sa kanya.
“Sweetheart, kailangan mo ito para hindi lumalala ang sugat mo,” sabi niya sa akin na kinailing ko lang.
“Masakit ’yan, e!” naiiyak kong sabi. Huminga naman siya nang malalim.
“’Pag hindi kita ginamot baka mahawa ang kambal, gusto mo ba ’yon?” Umiling-iling naman ako kaya kahit na natatakot ay nilapit ko ang braso ko sa kanya at pumikit. Naramdaman ko naman ang paghawak niya sa braso ko, napapikit at napangiwi ako sa hapdi nang pahiran na niya. Bumuga ako ng hangin at inalis ang kamay niya.
“Aist! Ang hapdi!” nakangiwi kong sabi habang ginagalaw-galaw ang braso ko. Humawak naman siya ulit at hinipan ito, natigil lang ako nang mawala na ang sakit.
“Ano, masakit pa ba?” Umiling-iling ako at ngumiti na, ginulo naman niya ang buhok ko bago itinuro ang pisngi niya na tila may sinesenyas.
“Huh?” nakakunot kong tanong sa kanya.
“’Yong kiss ko, bilang kapalit,” pilyo niyang sabi. Kinurot ko siya at nilapit ang labi sa pisngi niya, pero nagulat ako nang humarap siya kaya sa labi ko siya nahalikan. Pinaghahampas ko nga!
“Sweet mo talaga, sweetheart,” sabi niya habang dinilaan pa ang labi.
“Che! Ewan ko sa ’yo!” kunwari ay mataray kong sabi pero nag-iinit na ang pisngi ko.
“Kunwari pa siya, pero kinikilig naman,” pang-asar niya. 
“Hindi, ’noh! Tsaka, anong oras na ba? Oh, 8 na pala! ’Di ba may pasok ka sa office today?” pag-iiba ko ng usapan.
“Yes, pero pwede rin naman na hindi ako pumasok.” Umiling na agad ako sa sinabi niya.
“Pumasok ka, baka magalit na ang sekretarya mo dahil siya na ang gumagawa ng lahat kapag uma-absent ka. At pupuntahan ka naman namin ng kambal mamayang lunch, dadalhan ka namin ng food.” Napangiti naman siya at humalik sa pisngi ko.
“Okay, basta magpahatid kayo kay Mark o kaya kay Nelson, ha? ’Wag kayong aalis na walang kasama.” Tumango naman ako sa bilin niya at ngumiti sa kanya bilang pagsang-ayon.
Humalik ulit siya sa akin at sa kambal. “Ba-bye Jam and Gab, hintayin ko kayo ng Mommy n’yo mamaya,” sabi niya sa dalawa na kinatuwa ng mga ito. Ngumiti at tila pinapalakpak pa ang kamay at paa nila.
Umalis na si James at sumakay na sa kotse kasama ang tatlo na si Ice, Zia at William, laging na silang nandito dahil lagi silang sabay ni James sa office. 
Binuhat ko naman ang kambal at umakyat na sa kwarto. Magaang pa naman sila dahil mag-iisang buwan pa lang ito.

NAKASAKAY NA KAMI sa kotse habang hiniga ko ang kambal sa upuan, nakaharang ako para hindi sila malaglag.
Pinaandar na ni Mark ang kotse, siya na ang nagprisinta na ihatid kami gaya nga ng sabi ni James.
Habang nasa byahe ay tumunog ang phone, hudyat na may tumatawag. Kinuha ko agad ito sa bag at nakitang si James ang caller.
Sinagot ko agad ito habang nakamasid sa kambal. 
“Hello, hubby?” masaya kong bungad sa kanya.
“Nakaalis na ba kayo? Malapit na ba?” naaatat niyang tanong. Naguguluhan ako sa boses nito pero nagkibit-balikat na lang ako.
“Hindi pa, pero malayo na rin kami sa bahay. ’Wag ka nang mainip, pupunta rin naman kami d’yan,” nakangiti kong sabi.
“Ibigay mo kay Mark ang telepono, kakausapin ko.” Iaabot ko pa lang kay Mark ang telepono nang may biglang magpaputok sa likuran namin. 
“Shit! Señorita, YUKO!” nagmamadaling sabi sa akin ni Mark kaya kinakabahan at yumuko na agad ako. Hinarangan ko ng katawan ko ang kambal. Diyos ko! ’Wag n’yo po kaming pababayaan, lalo na ang kambal. Naiiyak na ako habang niyayakap ang kambal na umiiyak.
“Shit! Damn it! Sweetheart? Anong nangyari? Hey, naririnig n’yo ba ako?” naririnig kong sabi ni James. Hindi ko na nasagot ito dahil bigla na lang may tumama sa likod at balikat ko na napakasakit. 
Nakita ko pa ang pabalik na pagbaril ni Mark hanggang sa tumahimik na ang paligid. 
Tiningnan ko ang kambal at nakita ko na ayos lang sila, hinaplos ko ang pisngi nila dahil umiiyak na ang dalawa.
“M-Mga anak, ’wag na kayong umiyak. Okay lang si M-Mommy . . .” paos kong sabi bago ako napaubo ng dugo at nawalan ng malay.


© MinieMendz

The Mafia Lord James Esteban (Self Published)Where stories live. Discover now