FOURTY SIX - WEDDING

55.2K 1.1K 32
                                    

GABRIELLA’S P.O.V.


ANIM NA BUWAN na ang lumipas, naging masigla at masaya naman ang pamilya namin. Tinulungan ako ni James na maka-recover at ngayon nga ay bumalik na ang dati kong lakas, boses, at nakakalakad na rin ako at nakakagalaw. 
Kinakabahan ako habang narito sa kotse, dahil ngayon nga ang wedding church namin. Hindi lang sa papel kundi sa harap na ng altar kung saan ang Diyos ang magiging saksi ng pag-iisang dibdib namin ni James.
“OMG! Ang ganda-ganda mo talaga, pak na pak ang beauty. Tiyak na maglalaway ang hubby mo, ang sexy mo sisteret!” tili ni Junior na siyang nagbukas ng pinto ng kotse. 
Natawa at napailing na lang ako, thanks to him dahil nawala ang kaba ko.
“Let’s go na, sisteret. Tiyak na hihimatayin na ang hubby mo dahil kanina pa makakapatay dahil your so tagal daw,” aya niya.
“Kinakabahan ako, best. Nanlalamig din ang mga kamay ko . . .” sabi ko sa kanya. Pagkatapos niyang iayos ang belo sa sahig ay humarap siya sa akin na nakataas ang kilay.
“Aba! Ngayon ka pa kinabahan loka ka? Nagyugyogan na nga kayo, nauna na nga anak bago kasal, ngayon ka pa kinabahan?” sermon nito sa akin. Hindi ko napigilan na mahiya at hampasin siya dahil sa lumalabas sa bibig niya.
“Ano ka ba! Nakakahiya!” saway ko.
“’Wag ka nang mahiya, dahil mamaya lang din honeymoon n’yo na, do’n ka kabahan. Oo nga pala, ikwento mo nga sa akin kung gaano kalaki ba ang junior ng hubby mo?” Aba, lintik na Junior ’to! Kinurot ko nga na kinatawa niya. “Joke lang! Hindi ka naman mabiro, pinapatawa lang kita. Sige na, ’wag ka nang kabahan. Titigan mo lang siya sa mata para hindi ka mailang at kabahan,” nakangiti niyang sabi, himala at wala ang pang-bading ng tono niya. Tumango ako at huminga nang malalim.

JAMES’S P.O.V.
HINDI AKO MAPAKALI dahil ang tagal naman niya papasukin sa altar, hinagod ko ang buhok ko at inayos ang suit ko. 
“Yow, Mr.Esteban! Masyado ka naman tense? Mamaya lang tiyak na enjoy na enjoy ka!” sumalubong ang kilay ko dahil sa biglang pagsulpot ni Carey. 
Yeah right! Isa nga pala sa best man ko. Hindi ko nga kinuha dahil tiyak na iinit lang ang ulo ko, kaso sabi ni Gabriella ay gawin ko raw best man ang siraulong ito. Tsk!
“Ano na naman ba, Carey? ’Pag ako napuno sa ’yo gagawin kitang chicken carey, makita mo,” inis na sabi ko. Ngumisi lang siya at tumingin naman sa akin ito na tila may balak.
“Chill ka lang, Mr.Esteban. May ibibigay lang ako na tiyak na magpapainit ng katawan mo,” nakangising sabi nito habang nakataas ang sulok ng labi at tila may plano na namumuo sa utak.
“Ano ba ’yon? Ibigay mo na,” utos ko. May kinuha siya sa bulsa ng suit niya at may inabot sa akin na bote, nagtataka ako kung ano ito? Dahil walang tatak pero pula ang balot.
“Pampalakas at tiyak na susuko sa ’yo ang bride mo kapag ginamit mo ’yan, regalo ko ’yan sa inyo. Tiyak na wala pang isang linggo n’yo sa honeymoon, may little James o little Gabriella na kayo,” pilyong sabi nito. Nagkainteres naman ako rito, ngunit hindi ko pinahalata.
“Okay, sige, bumalik ka na sa upuan mo,” taboy ko rito. Umiling-iling siya at sumisipol pa ito na tila nang-aasar. Asshole! 
“Son . . .” tawag sa akin ni Mama kasunod si Papa na bitbit ang kambal. Gwapong-gwapo ang kambal sa suot nila. Syempre, kanino pa ba magmamana?
“Oh, Mama, Papa. Hey, big boys!” bati ko sa mga ito at binuhat ang kambal na humalik sa pisngi ko. 
“Finally, maayos na ang lahat. Ano nga pala ang balak n’yo pagkatapos ng kasal?” tanong ni Papa sa akin. 
“Ipagpapatuloy ko pa rin ang Organization, Papa. Ayoko naman na mawalan din ng trabaho ang iba,” sabi ko. Tumango siya at tinapik niya ang balikat ko. Alam ko na nahihiya pa ito, dahil hindi naman kami naging close simula nang bata ako. Lagi kasi silang nasa trabaho at tila hindi na nila ako nakikita. Kaya nga mas lalong sumama ang loob ko nang ipasa nila sa akin ang mafia na hawak niya, pero kalaunan ay natanggap ko rin. 
“Sana ’wag kang tumulad sa akin, anak. Pinagsisihan ko talaga na nawalan kami ng Mama mo ng time sa ’yo,” paalala nito sa akin. 
“Kailan man ay hindi ako mauubusan ng time sa pamilya ko, Papa. Dahil kahit pagod man ako ay sisiguraduhin ko na may oras ako para sa kanila,” seryoso kong sabi. 
“That’s good,” nakangiti niyang sabi. Ngumiti rin ako at humalik sa kambal na ginugulo ang naka-wax kong buhok.
“Baby boy, ’wag n’yong guluhin ang buhok ni Daddy. Baka mawala ang pagnanasa sa akin ng Mommy n’yo,” saway ko sa kanila.
“Ready na po ang bride, pwede na pong magsiayos ang lahat,” tawag-pansin sa amin ng wedding coordinator na kinuha naming. Ibinaba ko naman ang kambal at pinalapit kina Papa para iayos na.
Hinagod ko ulit ang buhok ko at inayos ang nagusot nang suit ko dahil sa pagbuhat sa kambal. Umayos ako ng tayo sa pwesto ko, kasunod ng mga lumakad din sa aisle na mga best man ko. Sila Nelson, Carey, Basty na kapareha ang asawa niya, si Xesar na partner ang girlfriend niya, si Mark, si Carl, Christian at Junior, si Ice at si William na kapareha ang buntis na si Zia. Hindi ko alam na may namumuo palang pagtitinginan sa dalawa, parang aso’t pusa kasi sila noon.
Sumunod ang mga bata, syempre kasama ang kambal na magkahawak kamay, dala-dala ang singsing namin. Napangiti naman ako dahil hindi talaga mapagkakaila na gwapo at cute sila.
Sumunod naman ang mga ninang at magulang ko. 
At ito na ang pinakahihintay ko sa lahat, nanlalamig na ang mga kamay ko sa kaba at hindi ko mapigilan na maluha. Kaya pinahid ko ang luha ko ng panyo na dala ko.
Naaninag ko na siya at napakaganda niya, lalo’t nakangiti siya habang nakatitig lamang sa aking mga mata. Alam ko na umiiyak na ito pero nakangiti. 

♫ A dangerous plan, just this time
A stranger’s hand clutched in mine
I’ll take this chance, so call me blind
I’ve been waiting all my life
Please don’t scar this young heart
Just take my hand ♫

Alam ko na mali na kinuha ko siya sa magulang niya, pero hindi ako nagsisisi at thankful ako na maaga ko siyang kinuha. Hindi ko alam, pero nag-iba ang pananaw ko sa buhay nang makasama ko na siya. 

♫ I was made for loving you
Even though we may be hopeless hearts just passing through
Every bone screaming I don’t know what we should do
All I know is, darling, I was made for loving you ♫

Kaya nga kahit na sino man ang maging hadlang, hindi nila ako mapipigilan na angkinin ang isang Gabriella Cruz Esteban. She belong to me, sa akin lang! Hindi ko iaalis ang mga kamay ko sa pagkakapulupot sa kanya, dahil mahirap na at baka matakasan.

♫ Hold me close through the night
Don’t let me go, we’ll be alright
Touch my soul and hold it tight
I’ve been waiting all my life
I won’t scar your young heart
Just take my hand ♫

Dati, hindi ako naniniwala na may babaeng para sa akin. Wala kasi sa bokabularyo ko ang magmahal ng babae, pero nagsimula lang iyon nang makita ko siyang ngumiti, kahit na sanggol pa lang siya noon. Nabighani ako sa taglay niyang kagandahan, hindi ko alam kung nakatadhana nga ba na makita ko siya? ’Yong oras na ’yon, dapat si Papa ang pupunta upang tingnan ang hospital, pero dahil sa akin daw ipapasa iyon ay wala akong choice kundi puntahan na siyang pinagpapasalamat ko.

♫ Cause I was made for loving you
Even though we may be hopeless hearts just passing through
Every bone screaming I don’t know what we should do
All I know is, darling, I was made for loving you

Please don’t go, I’ve been waiting so long
Oh, you don’t even know me at all
But I was made for loving you.

I was made for loving you
Even though we may be hopeless hearts just passing through
Every bone screaming I don’t know what we should do
All I know is, darling, I was made for loving you ♫

Narito sa aking harapan ang babaeng iibigin ko at hindi ko ipagpapalit kahit kanino, siya lang ang nararapat sa akin. 
In-offer ko ang kamay ko sa kanya na agad naman niyang hinawakan, pagkatapos ay hinawakan ko siya sa baywang at sabay kaming humarap sa altar na nakangiti.
Sa buong seremonya ay nakatitig lamang ako sa kanya, wala akong ibang nakikita kundi ang kumikislap niyang mga mata na nakatitig sa aking mga mata. 
Nang maisuot ang singsing na patunay sa aming pag-iisa at sumpaan ay humarap kami sa isa’t isa at itinaas ko ang belo na tumatakip sa maganda niyang mukha. 
Nang maalis ko ito ay hinaplos ko ang makinis niyang mukha at hinapit ang baywang niya palapit sa katawan ko.
“Akin ka lang, sweetheart.” Nilapit ko ang labi ko sa labi niya habang nakatitig sa mata niya na nakapikit. Dahan-dahan kong tinitikman ang tamis ng kanyang labi. 
Narinig ko ang palakpakan at hiyawan, ngunit hindi ko pinansin iyon dahil kahit magdamag ko siyang halikan ay ayos lang sa akin iyon, ngunit si Gabriella na ang tumutulak para umalis sa aking halik. 
Inirapan ako nito dahil tila nahihiya ito sa mga tao. Ngumisi lang ako at kumindat dito. Hindi n’yo ako masisisi, baliw na baliw ako sa babaeng ito.
Nilapit ko ang bibig ko sa tainga niya at bumulong.
“Get Ready, sweetheart. Yari ka sa akin mamayang gabi . . .” Nakita ko naman ang paglunok niya at pag-iwas ng tingin. Humalakhak ako at humawak sa baywang niya para humarap sa kumukuha ng litrato.

© MinieMendz

The Mafia Lord James Esteban (Self Published)Onde histórias criam vida. Descubra agora