KABANATA 13 - BACK-TO-SCHOOL

51.6K 1.1K 18
                                    

KABANATA 13
BACK-TO-SCHOOL

GABRIELLA’S P.O.V.


ISANG LINGGO NA simula nang umalis si James. Tumatawag naman siya kaya naging panatag na ako na ayos lang siya.

Ngayon nga pala ang balik ko sa eskwela. Hatid ako ng isang bodyguard ni James na siya ring bantay ko.

Kinakabahan ako sa pagpasok ko dahil baka magtaka ang dati kong mga kaklase kung bakit nakakotse na ako. Alam kasi nilang mahirap ako at hindi afford ang ganitong bagay.
Tumanaw ako sa bintana at sinalubong ang sikat ng araw. Maaliwalas ang panahon ngayon, hindi kagaya no’ng nakaraang araw na maulan.

“Señorita, narito na po tayo,” sabi ng bodyguard ni James. Pansin ko na ang babata pa ng mga bodyguard niya at mga gwapo rin.

“Sige po, Kuya. ’Pag tumawag po si James, pakisabi na pumasok na ako,” bilin ko rito at bumaba na ng kotse.

“Masusunod, Señorita,” sabi nito at sinara ang pinto ng kotse.

Lumakad na ako papasok sa gate. Pinakita ko ang I.D. ko sa guard at tumuloy na sa loob.

Nakita ko ang paglingon ng mga estudyante at iba pang mga dati kong kaklase no’ng third year na fourth year na ngayon. Sayang, dapat ay graduating na rin ako. Advance kasi akong pumasok ng kinder, kaya maaga ako kumpara sa mga kaedaran ko.

“Oh! My! Gosh! Pumasok pa ang kabit ng matandang may asawa,” narinig ko ang bulong ng isang babae na nadaanan ko.

“Kaya nga! Hindi na nahiya. Ginagamit ang ganda para makaakit ng matanda at magkapera.” 

Sino ba ’yong pinag-uusapan nila? 

“Nakita ko nga, eh. Bumaba sa sasakyan na magara. Grabe, mamahalin ’yong kotse na ’yon. Pero siya, nakasakay na doon.” 

Hindi ko na lang pinakinggan pa ang sinasabi nila at tumuloy-tuloy na ako. Hinanap ko pa ang section ko, marami kasing room dito. Kahit na dito ako nag-aral, hindi ko pa rin ito nalilibot.

“Section 3A ako nalagay, saan ba ’yon?” bulong ko habang iniisa-isa ang mga room. 

“Gabriella! Ella!” rinig kong may tumawag sa pangalan ko, nilingon ko ito at nalaman na si Carl pala iyon.

Nakasuot na siya ng college uniform. Ngayon ko lang ulit nakita si Carl, mas naging gwapo siya at pumuti.

“Oh, Carl. Long time no see,” nakangiti kong sabi rito.

“Ikaw ang kumusta. Simula nang kunin ka ng may-ari pala nitong school, hindi na kita nakita sa inyo. ’Pag tinatanong ko naman si Calvin, hindi niya ako sinasagot,” tuloy-tuloy na sabi niya at pinasadahan ako ng tingin. “Wow, Ella. Gumanda at lumaki ka, ah. Ilang buwan pa lang nakakalipas parang may nag-iba sa ’yo, blooming ka ’ata? Siguro dahil nakita mo ako, ’no?” Pang-asar pa rin talaga ’tong si Carl.

“Tse! Maganda na talaga ako noon pa. Ikaw lang nagsasabi na pangit ako,” masungit at nakairap kong sabi.

“Asus!” sabi niya lang at ngumiti. “Oo nga pala, sa inyo ka na ba umuuwi?” tanong niya na ikinatigil ko. 

“Ah, hindi na ako sa bahay umuuwi, Carl. Doon sa lalaking kumuha sa akin,” mahina kong sabi sa kanya.

Nakita kong nanlaki ang mga mata niya na tila hindi makapaniwala.

“Ano? Bakit nando’n ka pa rin?” sigaw nito na kinatingin ng ibang estudyante. Mabilis kong hinatak si Carl malapit sa may hagdanan na walang taong dumaraan.

“’Wag ka nga sumigaw,” saway ko rito na humuhugot ng malalim na hininga.

“Pero bakit nandoon ka pa rin?” nagtatakang tanong niya.

“Ano kasi, mabait naman si James at lagi niya akong inaalagaan. At hindi naman pala siya masamang tao, Carl,” mahinahon kong sabi.

“Anong hindi masama? Kinuha ka nga, ’di ba? Pwersahan pa! Tapos ikaw sinabihan mo pa na mabait siya, nahihibang ka ba?” galit na sabi nito na tila siya ang kinuha.

“Mabait nga siya, ang kulit mo naman. At a-ano, kasintahan ko na rin siya,” nahihiya kong sabi at yumuko.

“Ano?! Ella naman! Matanda iyon sa ’yo! Alam ba nila Tita at Kuya Calvin mo ito, ha?” galit na galit na sabi niya sa akin.

“Hindi ko pa nasasabi kina Tatay, pero nakapunta na kami sa bahay kasama si James. At hindi pa naman siya masyadong matanda, grabe ka naman!” hilaw na tawa ko pero sinamaan niya lang ako ng tingin.

“Anong hindi masyado. Eighteen ka pa lang, ’di ba? Tapos siya, ano? Nasa mahigit trenta na! Ang laki ng agwat n’yo sa isa’t isa, Ella. Magising ka nga!” naaasar na sabi niya at sinasabunutan ang buhok, tila doon humuhugot ng lakas.

“Bakit ba galit na galit ka? Desisyon ko naman iyon. Tsaka kailan ka pa naging concern sa akin? ’Di ba nga lagi mo akong inaasar.” Naiinis na talaga ako sa kanya.

Tumalikod ito nang sandali sa akin at nang humarap ay lumuluha na. Nagulat ako dahil ngayon ko lang siya unang nakitang umiyak.

“Galit na galit ako, kasi mahal kita noon pa! Galit na galit ako, kasi sa kanya ka na! At alam mo ba kung bakit kita inaasar palagi, ha? Kasi nagpapapansin ako, pero hindi mo makita kasi manhid ka! Bakit siya pa, Ella? Matanda na iyon para sa ’yo . . .” umiiyak na sabi niya at hinawakan ako sa balikat.

Naiyak na rin ako habang tinitingnan siya. Naawa kasi ako dahil hindi ko kayang tugunan ang matagal na pala niyang pagtingin sa akin.

“I’m sorry, Carl. I’m sorry, pero hindi ko kayang tugunan ang damdamin mo. Mahal ko na kasi si James. Kahit na matanda siya, kahit na masama man ang ugali niya, kahit na masungit at seloso siya. Minahal ko siya kahit sa sandaling panahon.” Binitiwan ni Carl ang balikat ko at dahan-dahang umalis sa harap ko at tumalikod. Ni isang salita ay wala siyang sinabi. Umiiyak na tinanaw ko na lang siya ng tingin.

“Look, oh! The ambisyosang poor girl. Narinig n’yo ba ang sinabi niya na kasintahan na raw niya si Papa James?” maarteng sabi ni Tricia. Hanggang ngayon, kontrabida pa rin sila.

Aalis na dapat ako nang hinawakan ako ni Tricia sa buhok habang sina Diana at Kim naman ay sa magkabila kong braso.

“Hoy! Hampas lupa! ’Wag kang mangarap! Hindi isang katulad mo ang gugustihin niya. At ang bata-bata mo pa para patulan niya. Ang gusto ng katulad niya lalaki ay sexy, matured, galing sa buena familia, at maganda. Nakakatawa ka kasi ang lakas mong mangarap,” mariing sabi ni Trisha habang mahigpit pa rin na nakakapit sa buhok ko.

“Ano ba! Bitiwan n’yo nga ako! Masakit na!” pag-awat ko sa kanila.

“Masasaktan ka talaga ’pag hindi ka tumigil sa ilusyon mo.” Pagalit na binitiwan niya ang buhok ko.

Pagkatapos noon ay sinipa muna nila ang bag ko bago tumatawang iniwan ako.

Umiiyak na pinulot ko ang bag at tumatakbong pumunta sa garden na tinatambayan ko dati.

Umupo ako sa bench nitong park ng garden. Hinawakan ko ang masakit kong anit at umiyak. 

“Bakit gano’n sila? Wala naman akong ginagawa na masama sa kanila para tratuhin nila nang hindi tama, ah. James, miss na miss na kita. Umuwi ka na, please . . .” Humihikbing tumingala ako sa langit at pumikit habang lumuluha.

Maya-maya ay tiningnan ko ang oras sa wrist watch ko. Eight twelve na pala. Masyado ng late para sa first class. Tumambay na lang ako rito at nagpalipas ng oras habang hinihintay ang susunod na klase.


© MinieMendz

The Mafia Lord James Esteban (Self Published)Where stories live. Discover now