THIRTY TWO - UNEXPECTED VISITOR

50.3K 995 11
                                    

GABRIELLA’S P.O.V.


LUMIPAS ANG MGA araw ay naging mas masaya ang pagsasama namin ni James, naging mas sweet at malambing din siya. 
Pumapasok siya sa opisina niya, pero minsan ay nagpupunta siya sa head quarters niya. Nalaman ko na kaya pala siya tinatawag na Lord ay dahil sa kanya pala ipinamana ng lolo niya ang titulo bilang Mafia Boss. No’ng una ay bigla akong nailang, kasi no’ng sinearch ko kung ano iyon . . . mga tao raw sila na gumagawa ng mga illegal na bagay at pumapatay ng mga inosenteng tao, marami rin daw itong kalaban o kagalit sa lipunan nila. 
Nang itinanong ko kay James kung ano ba ’yong ginagawa niya bilang mafia, ang sabi naman niya ay hindi sila sakop sa mga illegal na gawain. ’Yong mga tauhan niya, siya mismo ang nag-training sa mga ito at maging mga agent. Tinutugis nila ang mga sangkot sa drugs, murder, rapist, basta lahat ng mga gumagawa ng masasama.
Minsan nga raw ay ’yong mismo mayayaman na tao pa nga raw ang kumo-contact sa kanila para bantayan ang pamilya ng mga ito mula sa mga threat sa buhay.
Naging mas matibay ang tiwala ko kay James dahil ngayon ay mas marami na akong bagay na alam sa kanya. ’Yong pamilya na lang yata niya ang hindi ko pa alam. Kapag itinatanong ko sa kanya iyon, pilit naman siyang umiiwas. Nasabi ko nga sa sarili ko na baka may alitan na namamagitan sa mga ito kaya ayaw niyang pag-usapan, kaya inintindi ko na lang ito.
“Sweetheart, ito ang kainin mong masustansya, ’wag na ’yang mga meat,” saway sa akin ni James sa pagkuha ng baboy. Narito kasi kami sa hapagkainan at nagdi-dinner. Gusto ko na kasi kumain ng iba naman, puro gulay kasi ang ipinapakain ni James sa akin na nakakaumay na.
“Kasi naman nakakasawa na ’yong gulay, James. Tapos ikaw, kumakain ng masarap, tapos sa akin gulay na naman,” nakanguso kong sabi. Nagpunas siya ng bibig gamit ang table napkin at tumingin sa akin.
“’Di ba nga ang sabi ni doktora, kumain ka raw ng masusustansya,” paalala niya sa akin habang pinupunasan ako sa labi ko.
Napabuntonghininga naman ako at napipilitang kumain. Nakita ko naman ang pagtayo niya kaya sinundan ko siya ng tingin. 
Nagpunta siya sa refrigerator at tila may kinukuha. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain kahit na parang hindi ako nabubusog dahil wala talaga akong gana. 
Maya-maya pa ay may tumapat na lalagyan ng ice cream sa harap ko kaya napangiti at napatingin ako sa kanya. Nakangiti siyang naupo ulit at humarap sa akin.
“O, hindi ka pa ba kakain? Ayaw mo ba?” sabi niya na parang wala lang na kumukuha ng ulam at sumubo. Nakangiti na akong kumain ulit at mas magana. Pasensiya na, love na love ko ang ice cream, lalo ’yong mango flavor.
Pagkatapos ko maubos ang kinakain ko, uminom muna ko ng tubig at binuksan na ang ice cream. Isusubo ko na sana ito nang may magsalita malapit sa pintuan. 
“Ahem!” tawag-pansin sa amin kaya lumingon ako at nakita ang dalawang medyo may edad nang lalaki at babae. Inaamin ko, nakakatakot sila, wala akong mababakasan na kahit anong emosyon o kahit pagngiti man lang. Wala talaga! Nakita ko ang biglang pagtayo ni James at nagulat ako sa tinawag nito sa dalawa.
“Pa? Ma? Anong ginagawa n’yo rito?” Napalunok ako sa gulat nang sabihin niya na magulang niya pala ang mga ito. Tumayo ako at yumuko. Hindi ko kaya ang tingin na ibinibigay ng mama ni James.
“Bakit? Hindi na ba kami welcome dito sa bahay mo, son?” sabi ng mama niya at lumakad palapit sa amin at naupo. Sumunod naman ang papa ni James na may hawak na tungkod. Pinagsiklop ng mama ni James ang kamay at nabigla ako na tumingin ito sa akin at sa tiyan ko. Napahawak tuloy ako nang wala sa oras sa tiyan ko.
“Nabalitaan namin na may binabahay ka raw, anak? Siya ba ’yon?” mataray nitong sabi at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Inakabayan ako ni James at pinakilala sa magulang niya.
“Yes, Ma. She’s Gabriella, my girlfriend,” pagpapakilala ni James at inalalayan na ako sa pag-upo. 
“Oh, talaga?” Peke itong ngumiti sa akin “By the way, son, Si stella ba, tumawag na sa ’yo?” nakangising sabi nito kay James na parang hindi mapakali.
“I don’t know. And Ma, please! ’Wag ditto,” mariing sabi ni James sa mama niya. Nagsukatan sila ng tingin na tila may ipinapahiwatig gamit ang mata.
“Why? Wala naman akong masamang sasabihin, tinatanong ko lang naman.” Napapailing pa ito habang iniinom ang tsaa na ginayak ng kasambahay rito.
“Ikaw . . .” tawag sa akin ng mama niya kaya napaangat ako ng tingin at napalunok. “Ano ba ang business ng pamilya mo?” may lait na tonong tanong nito sa akin. 
“W-wala na po sila . . .” mahina kong sabi. Narinig ko naman ang paghalakhak niya at pagdisgustong tingin na ibinigay sa akin. Kahit naman hindi ko na sabihin, halata naman na hindi ako gusto ng mama ni James. 
“Oh, talaga? Poor you,” bulong niya ngunit umabot sa pandinig ko. “Nakapagtapos ka naman ba?” pagpapatuloy nito habang humihigop ng tsaa.
“Hindi pa po,” nahihiya kong sabi. Nakita ko siyang napailing at pilit na ngumiti.
“Gaya nga ng naiisip ko, hindi ka pa nakakapagtapos dahil halatang high school ka pa lang. Bakit kasi inuna mong landiin ang anak ko kaysa sa pag-aaral mo?” Nanliit ako sa sinabi niya kaya napababa ako ng tingin. Nakita ko ang marahas na pagtayo ni James na siyang ikinagulat ko.
“Pwede ba, Mama, kung wala kayong magandang sasabihin, pwede bang umalis na kayo!” galit na sabi James at nakakuyom ang mga kamao. Hinawakan ko siya sa braso para pakalmahin.
“Michelle, stop it. ’Wag mong ubusin ang pasensiya ng anak mo,” maawtoridad na sabi ng papa ni James na sa wakas ay nagsalita rin. 
“Sorry. I’m sorry, son . . .” labas sa ilong na sabi ng mama niya. Naupo naman si James sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko sa baba ng lamesa.
“Ano bang sadya n’yo rito?” walang ganang sabi ni James habang umiinom ng tubig.
“Balak sana namin na ayain ka sa bahay, dahil hindi ka na umuuwi,” sabi ng papa niya habang sumisimsim ng alak.
“Hindi ako pwede, Pa. May trabaho pa ako rito,” sabi ni James na nagpatuloy sa pagkain.
“Kung ganon, ’yong girlfriend mo na lang ang isasama namin sa bahay. Para naman magkakilanlan kami. Okay lang ba sa ’yo iyon, hija?” sabi ng Mama niya at tumingin ito sa aking mata para sumang-ayon sa gusto niya.
“No. Kung nasaan ako, doon lang siya. Tsaka hindi siya pwedeng mapagod lalo’t buntis siya,” pagtutol ni James sa gusto niya.
“Son, mas mabuti nga iyon at makakapagbakasyon siya kahit sandali. At wag kang mag-alala, aalagaan namin siya ’di ba, hija?” mariin nitong baling sa akin. 
“I said, NO! Ano bang hindi n’yo maintindihan?” sigaw ni James na kinalundag ko sa gulat. Nabigla naman ako nang umiyak ang mama ni James kaya tumingin ako kay James at hinawakan siya sa braso.
“James, it’s okay. Bakasyon naman ang sabi ng mama mo, tsaka susunod ka naman doon, ’di ba?” malambing kong sabi kay James na salubong ang kilay.
“No, sweetheart. Dito ka lang,” pagtanggi pa rin nito.
“Sige na, please. Promise, mag-iingat ako at kakain ako palagi ng gulay,” pagmamakaawa ko rito. Huminga siya nang malalim at tila nakumbinsi ko rin.
“Okay . . . Pero sa oras na may mangyari sa kanya, kayo ang babalikan ko . . .” baling ni James sa magulang nito na ikinangiti ng mama niya. Ngumiti rin ako rito, ngunit masama lang itong tumingin sa akin.
Inabot sa akin ni James ang ice cream kaya tinanggap ko, nahihiya lang ako kainin iyon sa harap ng magulang niya, lalo sa mama ni James na laging nakasunod ang tingin sa galaw ko.
“Hijo, ipagayak mo na pala ang gamit niya nang makaalis na kami.” Napakunot-noo naman si James habang ako ay hindi malaman ang gagawin.
“Bukas na lang. Gabi na rin at baka mapahamak pa si Gabriella.” Nakita ko naman ang pagtitinginan ng magulang ni James. Tumango ang papa ni James kaya bumaling sa amin ang tingin ng nanay niya.
“Okay,” sagot ng mama ni James. 

LUMABAS NA AKO ng banyo pagkatapos makapagpalit ng pantulog. Nakahiga na si James sa kama habang hinihintay ako nito. Nagpunta ako sa kabilang side ng kama at sumampa para mahiga na rin. 
Hinila naman ni James ang ulo ko at pinatong niya sa braso niya habang ang isang kamay ay hinihamas ang tiyan ko. Medyo malaki na rin ito, dahil maglilimang buwan na siya. Dalawang lalaki ang magiging baby namin, nakabili na rin kami ng mga gamit nila. Parang sira nga si James dahil parang shopping center na ang kwarto ng mga anak namin, binili kasi ang lahat ng makita at hindi ko naman napigilan dahil binayaran niya agad.
“Gusto mo ba talaga sumama kina Mama, sweetheart?” paos niyang tanong, halatang inaantok na. Umangat ako nang kaunti at inalis ang braso niya na nakapatong sa ulo ko. Sinusuklay ko ang buhok niya habang siya naman ay yumakap sa baywang ko at pinatong ang ulo sa dibdib ko. Alam kong pagod siya dahil galing pa siya sa trabaho niya. 
“Hindi, pero kasi mama mo iyon. Tsaka gusto ko rin naman na magustuhan ako ng magulang mo . . .” malungkot akong nakatingin sa mukha niya na alam kong hindi naman niya nakikita, pero pinasaya ko ang boses ko para hindi niya malaman na nalulungkot ako. Natatakot kasi ako na baka mawala si James sa akin dahil sa magulang niya na halatang hindi ako gusto.
“Sweetheart, matanggap ka man nila o hindi, wala akong pakialam sa opinyon nila. Basta kasama kita at walang sisira no’n. Dahil wala akong sasantuhin, kahit pa magulang ko pa iyon,” seryoso niyang sabi kaya piningot ko nga ang tainga niya na kinatunghay niya sa akin.
“Ano ka ba! Magulang mo iyon, dapat gumalang ka. Tsaka mahalaga pa rin ang opinyon ng magulang mo, gusto ko kasi na magustuhan din nila ako,” mahina kong sabi na ikinangiti niya.
“Ang bait-bait talaga ng sweetheart ko, swerte rin ng anak natin dahil ikaw ang mommy nila.” Sus! Nambola pa. Sinuklay-suklay ko na lang ang buhok niya para makatulog na siya. Humuhuni ako ng alam kong kanta para makatulog na rin siya nang payapa, lagi kasi siyang nagpapakanta sa akin kapag hindi siya makatulog.
Ilan sandali lang din ay na rinig ko na ang hilik niya kaya napangiti ako at hinalikan siya sa ulo. 
Pinatay ko na ang ilaw gamit ang remote at nahiga na nang dahan-dahan para hindi siya magising. Nakayakap pa rin kasi siya baywang ko kaya hinayaan ko na lang at pumikit na rin.
Sana maging maganda at maayos na ang pagtrato sa akin ng mama ni James, kahit na mahirapan ako ay tiyatiyagain ko para lang matanggap nila ako para sa anak nila. Mahal na mahal ko kasi siya at hindi ko siya kaya pang mawala sa akin.


© MinieMendz

The Mafia Lord James Esteban (Self Published)Where stories live. Discover now