EPILOGUE

97.1K 1.8K 194
                                    

GABRIELLA’S P.O.V.


HAWAK-KAMAY KAMI NA namamasyal sa mall. Birthday kasi ng kambal kaya naisipan namin na mamasyal na lang at kumain sa labas kaysa maghanda sa bahay at gumatos pa ng malaki. Alam kong maraming pera si James, pero hindi naman ibig sabihin no’n ay gagastos lang nang gagastos. Kailangan din mag-ipon upang sa kinabukasan ng kambal. May supresa naman akong inihanda para sa kanila mamaya.
“Daddy, Mommy, gusto ko po sa doon . . .” turo ni Gab sa isang fast food chain kaya tumingin naman ako kay Jam na tumango at tila gusto rin ang nais ng kakambal. 
“Okay, doon tayo kakain,” masaya kong sabi sa kanila. Nagtatalon sila sa tuwa at kumapit sila sa kamay namin, tumingin naman ako ngayon kay James na tila ayaw roon.
“May problema ba, hubby?” mariin kong tanong. Naku, nagsisimula na naman ang hormones ko.
“Wala, sweetheart. Gustong-gusto ko nga doon,” nakangiti niyang sabi kaya kinurot ko siya sa pisngi.
“Ang cute mo, hubby,” nakangiti ko ring sabi at lumakad na kami papasok ng fast food.
“Daddy, I want Spaghetti, fries, burger at coke!” masiglang sabi ni Gab sa daddy niya na tumango naman.
“Daddy, ako po ice cream, chicken and rice lang po with coke,” dadag naman ni Jam. Nagsalubong naman ang kilay ko nang magtaas ng kamay si James at tila may sinesenyasan. Tumingin ako roon at nalaman na sinenyasan pala niya ang crew na lumalapit sa pwesto namin.
“Dalan mo kami ng spaghetti, chicken, rice, ice cream, frice, burger and coke,” utos ni James. napakamot naman sa ulo ang crew at tumango bago sundin ang utos ni James.
“Ano ka ba, James! Dapat doon ka um-order sa harap ng counter, wala tayo sa restaurant,” pagtatama ko sa kanya.
“Tsk. Fast food or restaurant are the same, and same services in comes to costumer. So, what’s wrong, if I order here and not there?” tanong niya sa akin. Napanguso na lang ako. 
“Oo na, pero hindi naman pwede na gawin mo dito ang ginagawa mo sa restaurant. Kahit parehas pa sila ng services, hindi naman pareho ng food na ino-offer at paraan ng pag-order,” sagot ko sa kanya. Ngumisi naman siya at kumindat sa akin na tila natutuwa na naiinis ako.
“Tse!” asik ko sa kanya at tumingin sa kambal na vini-video-han pala ang pagtatalo namin.
“Kambal!” saway ko sa dalawa na binaba naman ang phone at humagikhik.

TAPOS NA KAMI at nagpapababa na ng kinain. Uminom muna ako ng tubig bago sila balingan.
“Kambal,” tawag ko sa dalawa na kumakain pa pala ng ice cream. Tumingin sila sa akin at hinintay ang sasabihin ko. “Gusto n’yo ba ng bagong kalaro?” tanong ko sa kanila na parehong nagtaas ng kamay.
“Yes po, Mommy,” masaya nilang tugon, tumango ako at ngumiti bago humarap kay James na nakakunot ang noo.
“Ikaw hubby, gusto mo ba?” nakangiti kong tanong.
“Syempre naman, lalo na kapag ikaw ang kalaro, game na game pa ako,” pilyo niyang tugon kaya sinipa ko ang paa niya na ikinangiwi niya.
“Okay, may good news ako sa inyo,” masaya kong anunsyo at tumingin sa kanila. “Pagdating ng siyam na buwan ay may bagong kalaro na kayo!” Ngumiti ako sa kanila na pare-parehong na nagsalubong ang kilay.
“Ano ba ’yan! Hindi n’yo man lang nahulaan?” inis kong ani sa kanila. Napakamot pa sila ng batok nang sabay-sabay. Hay! Mag-aama nga.
“Buntis si Mommy,” bunyag ko na sa kanila na ikinalaki ng mga mata ni James at pumalakpak naman ang kambal.
“Yehey! May kapatid na tayo Jam!” tuwang-tuwang sabi Gab sa kapatid.
“Mommy, girl po ba si baby?” tanong ni Jam at lumapit sa akin.
“Hindi ko pa alam, baby,” tugon ko rito. 
Nagulat ako sa biglang pagtayo ni James at tuwang-tuwa na sumusuntok sa hangin. 
“Yesss! Magiging daddy na naman ako!” tuwang-tuwang sabi niya at niyuyugyog pa ang balikat ng crew na nag-serve sa amin. Nagpalakpakan ang mga tao at binati kami.
Ngumiti at nagpasalamat ako sa mga ito.

NAKATINGALA AKO SA kulay kahel na kalangitan at pumikit.
“Nay, Tay, at Kuya, masayang-masaya po ako sa buhay ko ngayon. Hindi naman po ako nagagalit sa ginawa n’yong pagbenta sa akin kay James. Alam ko na po kasi ang lahat at sinabi po sa akin iyon ni James. Nagpapasalamat pa nga po ako dahil kayo rin ang naging dahilan kung bakit ako masaya ngayon. Sayang nga lang po at hindi n’yo na nakilala ang mga apo n’yo at pamangkin mo, Kuya. Pero pangako po na lagi ko kayong ikukwento sa kanila. Maraming salamat po at mahal na mahal ko kayo.” Pumikit ako at huminga nang malalim bago inilapag ang mga bulaklak sa bawat puntod nila.
Tumayo at nakangiti na lumapit ako sa pamilya ko na naghihintay sa akin. Lumingon pa ako nang isa pang beses bago nilisan ang sementeryo.

NINE MONTHS AT ito na ang araw na pinakahihintay namin—ang lumabas ang prinsesa ng Esteban.
“JAMES! KAMBAL! MANGANGANAK NA AKO!” Sigaw ko at natawa. 
One, Two, Three, ting! 
Nakita ko na ang humahangos na kambal na bitbit ang gym bag habang kasunod si James na sinusuot ang pantalon na patalon-talon pa sa paglalakad.
“Halika na Mommy, dadalhin ka na po namin sa hospital!” humihingal na sabi ng pitong taong gulang na kambal. Binuhat naman ako ni James na ikinatawa ko na.
“Hahaha! Bravo! Boys scout talaga kayo,” masaya kong sabi, ngunit nakita ko naman ang pagkamot nila ng ulo bago bumalik sa taas ang kambal habang si James ay inilapag ulit ako sa sofa at sumunod sa kambal.
“Anong nangyari do’n?” Nagkibit-balikat na lang ako at pinagpatuloy ang pagbabasa ng magazine. Ililipat ko na sana sa next page ngunit bigla na lang humilab ang tiyan ko. Napahawak ako doon at napa-aray hanggang sa sumakit nang sumakit na kinahiyaw ko sa kanila.
“Kambal! James! Manganganak na ako!” sigaw ko at napapahinga nang malalim. 
Sa kabilang banda . . .
“Daddy, tawag ulit tayo ni Mommy. I think, it’s true na . . .” sabi ni Gab. Huminto naman sa paglalaro sina James.
“Naku, baka niloloko na naman tayo ng mommy mo,” tugon ni James at tinulungan si Jam na laruin ang game na nilalaro nila kanina pa.
Nagkibit-bilikat na lang si Gab at naglaro na ulit.
“Diyos ko! Manganganak ka na, hija!” sabi ni Mama na kararating lang at kasunod si papa at mga team ni James. Binuhat nila ako at dinala sa kotse. Pagdating sa hospital ay sinakay na ako sa stretcher para dalhin sa emergency room.
“H-humanda kayo sa akin, mag-aama!” sigaw ko habang umiiri. Huminga ako nang malalim at umiri pa ulit.
“AHHHHHHHHH!!!!!” Napapikit ako ngunit agad na dumilat din nang narinig ko ang pag-iyak ng anak ko.
Itinabi sa akin ito at masasabi ko na nagmana ito sa akin. 
“Wow! Ang ganda-ganda naman ng apo ko!” masayang sabi ni Mama at kinilig ang anak ko.
“Ma’am, ano po ba ang ipapangalan sa baby?” tanong ng nurse. Ngumiti ako at sinabi ang pangalan.
“Grace Jane Esteban.” Ngumiti at nagpaalam naman ang nurse pagkatapos isulat ang pangalan ng anak ko.
Tumingin kami sa pinto nang bumukas iyon at pumasok ang tatlo na hinihingal. Umirap at palihim na natawa ako.
“Oh, saan ba kayo galing at hindi n’yo man lang alam na manganganak na si Gabriella?” sermon ni Mama.
“E kasi, kala namin hindi pa siya manganganak, Mama. Nasaan na si baby?” tanong ni James at lumapit sa akin. 
“Daddy, how about this!” taas ni Jam sa camera. Napalunok naman si James at natatakot na tumingin sa seryoso kong mukha. “A-ah Doc, pwedeng take two?” nauutal na tanong ni James kay Doc na ikinatawa lang nila.
“Ikaw kaya manganak at subukan ang take two? Bwisit ka talaga Esteban!” naiinis kong sabi sa kanya na ngumisi lang.
“Syempre hindi ako pwede sweetheart, taga-Shoot lang ako,” pilyo niyang sabi.
“Okay, sige, ngayon ay wala nang magshu-shoot para hindi na ako manganak,” sabi ko na palihim na natawa dahil namutla pa siya.
“No! No Sweetheart, kailangan natin magparami dahil sayang ang lahi ko. Hindi pwede ’yang sinasabi mo, okay?” giit nito.
Umirap at namula na umiwas ako ng tingin sa kanya.
Kahit kailan talaga walang makakapantay sa pagkamahilig nito. Pero dahil mahal ko naman, wala rin akong magawa kundi pagbigyan. Tiyak na kapag naghanap ito sa iba, magkaka-world war three kami.
“I love you, sweetheart,” bulong niya kaya tumingin ako na sumalubong ay ang halik niya.
Sandali lamang naglapat ang labi namin at tumitig ako sa kanya.
“Mahal din kita, James,” buong puso kong sabi na ikinangiti niya.
Sabay namin na tiningnan ang mga anak namin na nakakatitig sa prinsesa ng Esteban. 
Wala na akong mahihiling pa dahil nasa akin na ata ang lahat. Ang gusto ko na lang ay maging masaya, malusog, at puno ng pagmamahalan ang pamilya ko.


© MinieMendz

All rights reserved 2015

The Mafia Lord James Esteban (Self Published)Where stories live. Discover now