SIXTEEN - PREGNANT

53K 1.1K 15
                                    

GABRIELLA’S P.O.V.


“INAY, ITAY, KUYA, bakit n’yo ako iniwan? Sana pala hindi na lang ako pumasok ng school. Sana nasa tabi n’yo ako, edi sana kasama ko kayo para sana naligtas ko kayo. Mahal na mahal na mahal ko kayo. Pinagsisihan ko kung bakit hindi ko ito sinabi no’ng narito pa kayo. Patawarin n’yo rin po ako, kung hindi ko sinusunod ang gusto n’yo. Kung bakit naniwala ako sa tao na akala ko mahal ako . . .” pumipiyok kong sabi habang wala tigil ang pagluha ko. “Sobrang sakit po ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na alam kung saan ako pupulutin?” umiiyak ko pa ring sabi habang nakayakap sa puntod nilang tatlo. Kanina lang sila nailibing at kanina pa ako dito at hindi umaalis. 
“Ella, halika na. Parang uulan na, baka magkasakit ka pa.” Hinawakan ako ni Carl sa braso upang itayo, ngunit binawi ko lang iyon. 
“Ayoko! Dito lang ako sa kanila,” sabi ko nang umiiyak pa rin habang hinihimas ang pangalan sa puntod nila.
“Ano ba, Ella! Hindi ka na nga kumakain, tapos magpapahamog ka pa? Akala mo ba magugustuhan ng Nanay at Tatay mo ito? Akala mo ba matutuwa ang Kuya Calvin mo? Kung nandito sila ngayon, tiyak ko ’yon din ang sasabihin nila sa ’yo,” inis niyang sabi sa akin habang mahigpit siyang nakahawak sa balikat ko.
“Ella, ’wag kang mawalan ng pag-asa. Hindi ka pa naman nag-iisa. Narito ako, sila Inay. Pwede mo kaming gawing pamilya mo. Siguradong may plano ang Diyos kaya ito nangyayari sa ’yo ngayon. Hindi pa ito ang katapusan ng lahat, Ella. Sinusubukan ka lang niya kung gaano mo ba pinahahalagan ang binigay niya na buhay sa ’yo. Kung paano mo makakaya ang mga pagsubok na ibinigay niya sa ’yo. Kaya tahan na, please . . .” Huminto na ako sa pag-iyak, pero naroon pa rin ang paghikbi ko. Pinunasan niya ang luha ko at sipon gamit ang panyo niya.
Tumayo na kami pero bago umalis ay tumingin ulit ako sa puntod nila.
“Paalam po muna sa inyo. Pangako po, babalik ako na dala na ang hustisiya sa pagkamatay n’yo,” sabi ko bago tumalikod.

UMUWI NA KAMI sa bahay upang ayusin ang mga ginamit na upuan at mga kalat. 
Nakita namin ang mga pulis na kausap ang nanay ni Carl. Agad naman kaming lumapit sa kanila kaya napansin na rin nila kami.
“Good afternoon, Ms. Cruz,” bati nila sa akin.
“Good afternoon din po. Ano po bang meron?” takang tanong ko sa kanila. Sila naman ay may inilabas na tila isang plastik.
“Ito ang aming nakuha mula sa pinangyarihan ng pagpatay sa mga magulang mo, nakita namin ito malapit sa pinto n’yo. Ayon sa imbestigation namin, naiwan ito ng tao na pumatay sa pamilya mo. Pamilyar ba sa ’yo ito?” Iniabot niya sa akin ang plastik, nanginginig naman ang dalawa kong kamay habang tinitignan ang nasa loob no’n . . . . bracelet? Ito ’yong bigay ko kay James bago siya umalis, ah? Ibig sabihin, siya ang pumatay kina Tatay?
Hindi ko mapagilan ang mapahagulhol habang paulit-ulit kong pinupukpok ang dibdib ko para mawala ang sakit. 
“Napakasama mo! Napakasama mo! Bakit mo ginawa sa akin ito!” sigaw ko at sinabunutan ko ang buhok na tila doon ko binubuhos ang galit ko.
“Ella, kilala mo ba ang pumatay sa pamilya mo? Sino? Sabihin mo, para mapagbayad natin siya.” Hinahagod ni Carl ang likod ko habang sunod-sunod na nagtanong. Umiling-iling ako habang napahawak sa tiyan ko na biglang sumakit. 
“Ella! Shit! ’Nay, tumawag po kayo ng ambulansya, dali! Ella.” Iyon na lang ang huli kong narinig hanggang sa magdilim na ang paningin ko.

UNTI-UNTI KONG MINULAT ang aking mga mata, pero pinikit ko ulit ito dahil sa nakasisilaw na liwanag na tumatama sa akin. Nang imulat ko ulit ito ay nasanay na ang paningin ko kaya naman inilibot ko na ang tingin sa lugar na pinaglalagyan ko.
Puro puti na pintura ng pader, puting kurtina, at may ilang higaan na pang-pasyente na may katabi na aparato. Sa itsura pa lang ay alam ko na nasa ospital ako.
Tatayo na sana ako nang maramdaman na may mabigat na nakapatong sa kanan kong kamay kaya napatingin ako sag awing iyon. At nakita ko si Carl na mahimbing na natutulog. Nilibot ko pa ang tingin sa buong kwarto at nakita ko ang nanay niya na nasa sofa.
Hindi ko mapigilan ang maiyak dahil napakabuti nila sa akin. Hindi naman nila ako kaano-ano, pero narito sila ng nanay niya na handang tumulong.
Nakita ko ang paggalaw ni Carl, nagising ko yata dahil sa pag-iyak ko. Pinunasan ko agad ang luha ko bago pa niya makita.
“Buti nagising ka na, Ella. Pero bakit ka umiiyak?” sabi niya at napatayo pa siya nang makita ang pag-iyak ko na tila hindi alam ang gagawin. Natawa naman ako habang nagpapahid ng luha.
“Ano ka ba. Masaya lang ako kasi ang swerte ko at nakilala ko kayo ng nanay mo,” nangiti kong sabi sa kanya. Nakita ko naman na namula ang pisngi niya at nagkamot siya ng ulo na tila nahihiya.
“Syempre, sino pa ba magtutulungan kundi tayo-tayo lang, ’di ba?” nakangiti niyang sabi na nginitian at tinanguan kon naman.
Napatingin kami nang bumukas ang pinto at pumasok ang isang doktor. Umayos ng tayo si Carl sa tabi ng hinihigaan ko, ako naman ay umayos din ng pag-upo.
“Good evening sa inyo,” bati niya sa amin na binati rin namin pabalik. “So, Ms.Cruz . . . Kumusta na ang pakiramdam mo?” tanong nito sa akin, habang lumapit sa dextrose ko upang i-check ang daloy nito.
“Ayos na po ang pakiramdam ko, doc,” malumanay kong sabi at ngumiti.
“Good. Kinausap ko nga pala ang kaibigan ko na OB-GYN para itanong ang case ng kalagayan mo,” sabi ng doktor na ikinakunot ng noo ko.
“Po? Ano po ’yong OB-GYN?” takang tanong ko. Para saan ba iyon?
“Hija, sila ’yong sumusuri tungkol sa mga nagdadalang-tao. Sila ang mga tumitingin sa mga patient na kagaya mo,” sabi nito na ikinagulat ko.
“A-ang ibig n’yo po bang sabihin ay buntis ako?” gulat na tanong ko, ang lakas ng kabog ng puso ko dahil sa kaba.
“Oo, Hija. Congratulations. You’re one month and three weeks pregnant,” nakangiti na sabi nito.
“Ano p-po? Buntis po ako?” tila hindi pa napoproseso sa utak ko ang lahat.
“Yes, hija. Sige, maiwan ko na muna kayo.” Tinapik ako nito sa balikat bago lumabas.
“Carl, totoo ba ’yon? ’Yong narinig ko na b-buntis daw ako?” mahina kong tanong na tila hindi makapaniwala at napaiyak.
“Ella, ’wag ka nang umiyak. Totoo ’yong sinabi ng doktor, magiging mommy ka na . . . sana ako na lang ang daddy . . .” pag-aalo niya sa akin. 
“Ano?” hindi ko kasi narinig ang sinabi niyang huli. 
“Wala. Tsaka ayaw mo ba no’n may anak ka na? Kung may nawala sa ’yo, meron din kapalit,” payo niya sa akin habang pinupunasan ang luha ko.
“Pero kasi natatakot ako, Carl. Hindi ko alam ang gagawin? Paano kung hindi ako maging mabuting ina?” Napapikit ako at tila sumasakit ang ulo ko dahil sa iniisip ko.
“Ella, ’wag kang matakot. Narito naman ako, kami ni Inay. At isa pa, natitiyak ko na magiging mabuti kang ina dahil napakabait at mapagmahal mo. Gayahin mo na lang ang nanay mo kung paano kayo pinalaki.” Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.
“Tama ka, Carl. Si Nanay ang gagawin kong inspirasyon para maging mabuting ina sa magiging anak ko.” Tumingin ako sa aking tiyan habang hinihimas ito.
“Ayan, nakangiti ka na. Sige, magpahinga ka muna at bibili lang ako ng pagkain natin bago ka ma-discharge.” Humalik ito sa noo ko at lumabas ng pinto.
Huminga naman ako nang malalim. “Baby, paano ’yan? Wala kang daddy? Sana mapatawad mo ako ’pag lumabas ka at hindi maganda ang estado natin sa buhay, ha?” naiiyak kong sabi. 
Hindi naman sa hindi ko gusto ang nangyari at nagka-baby ako. Naiinis ako sa sarili ko, kung hindi lang sana ako nagpakatanga sa lalaki na ’yon. Lalaki na hindi ko naisip na siya pala ang mananakit sa akin at sa pamilya ko. Sorry, anak. Pero hinding-hindi ko mapapatawad ang ama mo.
Bumukas muli ang pinto kaya napatingin ako roon, nakita ko ang bodyguard ng lalaking iyon. Hindi ko siya kayang tawagin sa pangalan niya, kinasusuklaman ko siya.
“Anong ginagawa mo rito? Umalis ka na! Wala ka nang babantayan dito!” galit na sigaw ko kay Basty.
“Hindi maari ang sinasabi n’yo, Señorita. Hangga’t wala pang sinasabi ang Lord ay babantayan ko pa rin kayo. Ako po ang mananagot kung sakaling may mangyari sa inyo,” sunod-sunod na sabi niya. 
Dapat pala umalis na ako sa lugar na ito, baka kapag nalaman niya na dinadala ko ang anak niya ay sasaktan niya ako para mawala sa akin ang baby ko. Kinabahan ako sa naisip. Kailangan kong makaalis, as soon as possible.
“Pwede ka nang lumabas, bukas ka na lang bumalik at magpapahinga na ako,” mariin at nakapikit kong sabi.
“Sige po, Señorita,” pagpayag at paalam nito. 
Nakahinga ako nang maluwag at nagmulat na. Medyo nagulat pa ako nang may pumasok ulit. Akala ko si basty, mabuti at si Carl na. Napatayo ako agad at tinanggal ang dextrose na nakakabit sa kamay ko.
“Wait, Ella! Bakit mo tinanggal ’yan?” Nilapag agad ni Carl ang hawak niya na pagkaing binili at lumapit sa akin.
“Carl, kailangan kong makalayo rito. Patuloy pa rin na nagbabantay ang bodyguard ni James. Natatakot ako, baka ipalaglag niya ang anak ko.” Kailangan ko na talagang makaalis.
“Huh? Bakit naman niya gagawin iyon? Anak niya ’yan, kaya hindi niya naman siguro gagawin ’yon.” Tila nalilito siya sa sinabi ko.
“Basta! Saka ko na ipapaliwanag, basta aalis ako, kahit saan.” Maging ako ay hindi ko na alam ang gagawin, basta kahit saan, basta malayo lang ako—kami ng anak ko.
“Pero, Ella. Kahit saan ka pumunta, tiyak na mahahanap ka pa rin niya. Mayaman siyang tao, madali lang sa kanya ang hanapin ka.” Kinabahan naman ako sa sinabi niya dahil tama siya.
“Sa malayong probinsya. Tiyak ko, hindi niya ako mahahanap doon.” Desperada na ako, kailangan kong magtago para hindi na kaming magkita pa. Maglalakad na sana ako nang pigilan ako ni Carl sa braso ko.
“Sasama ako sa ’yo, Ella,” seryoso niyang sabi.
“’Wag na, Carl. Napakarami ko nang utang sa ’yo. At isa pa, nag-aaral ka rito. Ayoko naman na ako pa ang maging dahilan kung bakit hindi ka makakapagtapos. Kaya ko ito, Kakayanin ko para sa anak ko,” nakangiti kong sabi sa kanya.Tumango at ngumiti naman siya sa akin habang hawak ang kamay ko.
“Sige, pero sana tanggapin mo ang isa pang tulong ko. May bahay kami sa Palawan, malapit lang iyon sa dagat. Ibibigay ko sa ’yo ang address. Promise, susunod ako kapag kabakasyon na sa school.” 
“Salamat, Carl. Tara na,” aya ko sa kanya kaya tumango siya at binitiwan na niya ang mga kamay ko at kinuha ang bag na dala niya rito sa hospital. Ginising na rin namin ang Inay niya at tsaka namin nilisan ang ospital.
Kumuha lang ako ng ilang damit at mga importanteng papeles. At maging ang perang ipon nila Nanay sa bahay.

HINAWI KO ANG buhok kong tumatama na sa mukha ko. Malakas na ang hangin dahil gabi na rin. Narito na kami sa terminal ng barko, ito ang sasakyan na maaari kong gamitin patungo sa probinsiya nila Carl. 
Humarap ako kay Carl at ngumiti. “Maraming-maraming salamat sa ’yo, Carl. Ang laki na ng utang ko sa ’yo,” nakangiti kong sabi sa kanya “Pangako, ’pag nakaahon na ako sa lahat ng ito, babawi ako sa ’yo,” pagpapatuloy ko.
“Ano ka ba, para ka namang iba. Basta mag-iingat ka lang doon, ha? Pangako rin ’pag bakasyon ko na, dadalaw ako sa ’yo doon. At ito nga pala, pandagdag na rin kung may gusto kang bilhin.” May inabot siya sa kamay ko at nanlaki pa ang mga mata ko nang malamang sampung libong piso iyon.
“Ano ka ba, Carl. Maraming naiwan na ipon sila Nanay. Sobra-sobra pa nga iyon upang ipang-negosyo ko habang hindi pa malaki ang tiyan ko.” Hinamas ko ang aking tiyan habang nakatingin sa kanya.
“Sige na nga. Basta mag-iingat ka doon. Lalo’t buntis ka, ha?” nag-aalala niyang sabi kaya tumango ako.
“Aalis na ang barko! Magsisakay na kayo!” sigaw ng isang tauhan mula sa barko. Agad ko namang binitbit na ang bag ko.
“Oo, mag-iingat ako. Sige, sakay na ako, Carl. Ikaw rin mag-iingat ka,” nakangiti kong paalam at niyakap siya nang mahigpit.
“Paalam, Carl.” Kumaway pa ako bago tuluyan nang pumasok sa barko.


© MinieMendz

The Mafia Lord James Esteban (Self Published)Where stories live. Discover now