THIRTY ONE - BITCH

51.7K 1.1K 23
                                    

GABRIELLA’S P.O.V.


PAPARA NA DAPAT ako ng taxi nang may pumigil sa akin at hinarap ako sa kanya. Nakita ko ang nag-aalalang mukha at hinihingal na si James. 
Tinanggal ko ang pagkakahawak niya at tumalikod sa kanya para umalis, pero pinigilan niya muli ako.
“Sweetheart, bakit ka naman umalis? Halika na, ipatingin na natin si baby,” malambing nitong sabi sa akin at inaakay ako paalis sa kinatatayuan namin. Hindi ako nagpatanggay at tumingin lang ako sa kanya nang masama.
“Pumasok kang mag-isa mo, parang gustong-gusto mo naman doon, e. Gustong-gusto mo rin ’yang paghawak sa ’yo ng EX mo.” Idiniin ko talaga ang ex niya para malaman niya na nabubwisit ako sa hindi niya pagsabi na may iba pala siyang minahal. Humarap naman sa akin ito at tila nalilito.
“Ano bang sinasabi mo, Sweetheart? Hindi ko ex iyon at lalong hindi ko naging girlfriend ’yon,” aba’t maang-maangan pa ha.
“’Wag ka ngang magmaang-maangan, James. Hindi mo ba narinig ang sinabi niya? ‘Oh Come, James. Bakit hindi mo sinabi na ako ang dati mong mahal’ oh, ano, naalala mo na?” naiinis kong sabi na talagang ginaya ko pa ang malanding sabi ng babaeng iyon. Nakita ko naman ang pagngisi niya na lalo kong kinainis at kinasalubong ng kilay ko.
“Wala nga akong narinig, sweetheart. Iba kasi ang nasa isip ko,” nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa katawan ko na tila may sinusukat. Napahawak pa ako sa dibdib ko na akala mo ay nakikita niya. 
Nakita kong napahawak pa siya sa baba niya at inalis ang kamay ko na nakatakip. Bumubulong-bulong pa siya na parang may isinusukat. Shit! Namumula ang mukha ko dahil talagang sa gilid pa ng kalsada niya iyon ginawa. Napapatingin tuloy sa amin ang mga dumaraan. 
Inakay ko si James sa kotse niya para makaalis na.
“Wait, sweetheart. Magpapa-checkup pa tayo, ’di ba?” pagpupumilit niya na kinainis ko na naman. Napapadalas na talaga ang paiba-iba ko ng mood. 
“Ayoko na, sa iba na lang. Ayokong makita ang pagmumukha ng babaeng ’yon,” nasusura kong sabi. Huminga naman siya nang malalim at hinawakan ako sa kamay.
“Sweetheart, don’t worry. I will not let that happen. Okay?” Napabuga ako ng hangin bago tumango sa sinabi niya. Hinawakan niya ako sa baywang bago inakay papasok ulit.
“Tsaka ’wag ka nang magagalit, bibili pa tayo ng gamit ni baby pagkatapos natin dito,” nakangiti niyang sabi kaya napangiti na rin ako.
“Hindi ba parang napakaaga naman para bumili?” Kasi mahigit three months pa lang naman ang tiyan ko?
“Mas ayos na ’yong maaga tayo makabili, kasi baka mahirapan ka na kapag lumaki na lalo ang tiyan mo, sweetheart.” Sabagay may point siya. Lagi naman!
Kaya ngayon bumalik ulit kami, ngunit hindi na sa babaeng iyon. Sa medyo may edad na babae na. 
“Okay, hija. Palitan mo nito ang damit mo at pagkatapos ay mahiga ka rito,” sabi ni Doktora Santos habang may inabot na patient gown. Papasok na dapat ako nang mapansin ko na susunod dapat si James kaya sinamaan ko ng tingin, napahinto naman siya at bumalik sa pagkakaupo. 
Napailing na lang ako at dumiretso sa isang room para magpalit. Pagkapalit ko ay lumabas na ako at lumapit sa sinabi ng doktora na hihigaan ko raw. Inalalayan naman ako ni James.
Lumapit si doktora sa amin at may nilagay na kumot, nagulat ako nang hatakin niya ang panty ko kaya napaupo ako.
“It’s okay, hija. May ilalagay kasi ako, kaya kailangan na alisin ang panty mo.” Namumula ang mukha ko na nahiga muli at nagsimula na akong kinabahan. 
“H-hindi po ba masakit iyan?” kinakabahan kong tanong. Humawak naman si James sa kamay ko at hinaplos ang buhok ko para pakalmahin.
“Sa una lang dahil ipapasok ko pa ito pero saglit lang din, dahil tinitiyak ko sa ’yo wala kang ibang mararamdaman kundi ang lamig,” nakangiti niyang paliwanag kaya tumango na lang ako. Napapikit ako at hindi mapigilan na hindi kabahan.
“Relax, hija. ’Wag kang masyadong mag-panic,” pagpapaalala sa akin kaya kinalma ko ang sarili ko. 
“Sweetheart, ’wag kang matakot. Narito lang ako,” sabi ni James kaya kumalma na ako. 
May inilagay na tila gel sa tiyan ko at naramdaman ko ang pagpasok ng isang bagay sa pagkababae ko. May kirot pero gaya ng sabi ni Doc ay nawala rin. May ginagalaw na bagay ang doktora sa tiyan ko at parang kinakalat ang gel at tila may hinahanap. 
“Look, nakikita n’yo ba ang tila mga bilugan na ’yan?” Tumango naman kami sa sinabi niya dahil may dalawa kaming nakikita na gumagalaw na bilog. “Itong parte na ito, ang ulo nila. Tapos ito ’yong kamay at paa nila,” turo ng doktora. Teka! Bakit may nila?
“Iyan ang mga babies n’yo . . . Soon . . . maririnig n’yo na rin ang heartbeat nila,” sabi ni Doc na nasagot ang katanungan sa isip ko. Gulat na nakatingin ako sa monitor. Napaluha ako sa nakita ko at parang hinahaplos ang puso ko.
Tumingin ako kay James, pero nagulat ako ng makita na umiiyak ito habang nakatingin din sa monitor.
“Babies? You mean, twins ang baby namin, doc?” hindi makapaniwalang tanong ni James na abot-tainga na ang ngiti ngayon, kaya natawa ako.
“Yes, Mr.Esteban, twins ang anak n’yo. Hindi ko pa masyadong makita ang gender nila dahil wala pa halos sa four months. Bumalik kayo rito paglagpas ng isang linggo after mag-four months, okay?” Tumango naman kami bilang sagot at tumingin muli sa monitor. 
Pinagbihis na rin ako ni Doc at pinapapunta kami sa office niya para kunin ang picture ng ultrasound. Pagkatapos naming magbihis ay lumabas kami rito sa room na pinag-checkup sa akin at lumakad sa sinabing room ni doc.
Pero kung maganda ang araw mo, hindi naman mawawalan ng ikakasira nito. Makakasalubong lang naman namin ang malanding babaeng iyon.
“Oh, buti bumalik kayo? Itutuloy na ba?” malambing nitong tanong kay James na nakaalalay sa akin. Humarap si James dito at malamig na tumingin.
“You’re fired! I don’t want to see your face here, understand?” maawtoridad at galit na sabi ni James. Tila naman biglang pinagbagsakan ng langit ito at lumuhod sa amin. 
“Patawad James, hindi na mauulit. Please, ’wag mo lang akong tanggalin sa trabaho, kailangan ito ng anak ko,” nagmamakaawa nitong sabi. Tsk! May anak na pala, lumalandi pa. Hay! Bumuntonghininga naman ako at hinawakan ang kamay ni James na ikinalingon niya.
“’Wag mo na siyang tanggalin, ayos na ’yong humingi siya ng tawad,” malambing kong sabi sa kanya. Nakita ko naman ang paggalaw ng panga niya at paghinga nang malalim bago humarap sa babaeng ito at inis na tiningnan ito.
“Okay, I will not fire you, pero wala ka na sa posisyon mo. Kailangan mong magtanda. Ang ayoko sa lahat, salot. Naiintindihan mo, bitch?” mariing sabi ni James na ikinatango nito at tila takot. “Halika na, sweetheart. Baka naghihintay na si Doktora,” aya niya sa akin kaya nilagpasan na namin ito at lumakad na.
May kinuhang folder si doktora at inabot sa amin, kaya kinuha ko ito at kinuha ang laman na nakapaloob. Nakita ko ang kuha sa monitor na ultrasound ng babies namin.
“Iyan ang kopya ng sa inyo, hija. Reresetahan kita ng vitamins na iinumin mo at malakas na gamot na pampakapit sa babies mo,” paliwanag nito habang si James naman ay nakikinig talaga sa lahat ng sinasabi ni doktora kaya naman napangiti ako.
“Doctora, I have a question,” sabi ni James.
“What it is, Mr. Esteban?” tanong ni Doctora.
“Pwede pa ba ang sex?” Nabigla ako sa sinabi ni James at tila namula pa yata ako. Diyos ko, lamunin na sana ako ng lupa. Ano ba itong si James, walang paligoy-ligoy. Natawa naman si doktora na lalo kong kinahiya.
“Maari naman, ngunit hindi na dapat. Dahil dalawa ang baby n’yo, baka makasama. Pero may position naman para maitawid n’yo rin,” nakangiting sabi ni Dok habang itong si James ay active na active na makinig habang ako naman ay hiyang-hiya na. 
“In what position, Doktora?” curious na tanong ni James na nilapit pa ang tainga kay Doctor. Binulong naman ni doktora kay James ito na ikinangiting abot-tainga niya. Matapos iyon ay humarap siya akin na may pilyong ngiti.
“Ayos iyon doktora, hindi pa namin nasusubukan ang posisyon na iyon.” Kinurot ko nga sa tagiliran niya dahil sa mga pinagsasabi niya.
“’Wag ka nang mahiya, hija. Ganyan talaga, lalo’t kakakasal n’yo lang at first babies n’yo pa,” nakangiting sabi ni doktora na kinawala ng ngiti ko at maging ni James. 
“Sige po, salamat Dok!” nakangiti kong sabi at tumayo na. Inaya ko na si James na sumunod naman at tumitig sa akin. Hindi ko pinahalata na naapektuhan ako at nakangiti na tinitingnan ulit ang mga picture nila baby.
“Sweetheart—” Hindi ko na siya pinatapos na magsalita, dahil alam ko na ang sunod na sasabihin niya.
“Halika na, kumain muna tayo dahil nagugutom na ako,” aya ko sa kanya at sumakay na papasok ng kotse. Nakita ko pa rin ang pagtitig ni James sa akin mula sa labas. Nakita ko rin ang pagbuntonghininga niya at umikot siya sa kabilang side para sumakay na rin. 
Tumingin lang ako sa bintana at hindi na lang siya pinansin. Naisip ko, magkakaanak na kami pero boyfriend ko lang siya, hindi pa pala siya lubusan na sa akin. Hindi pa nga pala kami kasal dahil wala naman siyang inaalok. 
Paano kung nakapanganak na ako at malosyang? Tapos makahanap siya ng iba na mas higit pa sa akin, ano ang panghahawakan ko sa kanya? Ang pagmamahal at ang anak namin?
“Damn it, Gabriella!” Napaigtad ako nang sumigaw si James habang nakatitig sa akin nang malalim. Gumalaw-galaw ang panga niya at nakahawak nang mariin sa manibela.
“B-bakit?” mahina kong tanong.
“Anong bakit? Bakit ka umiiyak? Dahil ba sa sinabi ni Dok?” may bahid na inis na tanong ni James. Napalunok naman ako at nag-iwas ng tingin habang pinupunasan ang luha na hindi ko namalayan na tumulo na pala.
“Tumingin ka sa akin?” mariin niyang sabi kaya tumingin ako sa kanya.
“’Wag kang magpapaapekto sa mga maririnig mo, ha? Basta magtiwala ka lang sa akin.” Lumambot na ang reaksyon niya at hinaplos ang pisngi ko na may luha.
Huminga ako nang malalim at tumingin muli sa bintana.
‘Tama, dapat na magtitiwala ako kay James.’ 


© MinieMendz

The Mafia Lord James Esteban (Self Published)Where stories live. Discover now