TWENTY FOUR - TRUTH

50K 1.1K 9
                                    

NARRATOR’S P.O.V.


NASA OPISINA SI James habang nakatingin sa kamay niya na nilalaro ang ballpen. Hindi siya mapakali sa nalaman niya.
Nakatayo at nakatingin siya sa bahay nila Gabriella habang nakasandal sa kotse.
“I need to find any proof . . . ” Iyon ang namumutawi sa isip niya.
Lumakad siya papalapit sa bahay nito at pinagmasdan. Hahakbang na sana siya nang makita ang singsing na naapakan niya. Pinulot niya ito at tiningnan, may nakita siyang nakaukit doon na Gabriella.
Nilagay niya ito sa bulsa, ibibigay niya na lang mamaya rito.
Napabuntonghininga siya at lumakad na para umalis, tila wala rin dito ang kasagutan.
Papasok na sana siya sa kotse nang makita niya ang binata na alam niyang may pagtingin sa kanyang Gabriella. Masama ito na nakatingin sa kanya at tila may ginawa siya na hindi nito palalampasin.
Inilang hakbang nito ang pagitan nila at sinutok siya sa pisngi, dahil hindi naman iba sa kanya iyon ay pumapaling lang ang pisngi niya kapag sumusuntok ito. 
Nang susuntok muli sana ito ay hindi na niya pinagbigyan. Hinawakan niya ang braso nito at pinilipit sa likod nito at tsaka niya ito isinandal paharap sa pinto ng kotse niya.
“Anong problema mo bata at gusto mo bangasin ang mukha ko?” mariin niyang tanong habang hinihigpitan ang pagkakapilipit dito.
“Bitiwan mo ako, hayop ka! Napakasama mo! Sinaktan mo si Gabriella!” galit na galit nitong sigaw habang pilit na kumakawala sa kanya. Ngunit hindi nito magawa dahil mahigpit niya itong hawak.
“Tsk. Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ko kayang saktan ang Gabriella ko,” malamig niyang asik rito. 
“Anong, hindi kaya? Ulol! Nagawa mo na gago! Pinapatay mo ang magulang niya at pinagpalit mo pa siya sa iba. Wala kang puso! Sana hindi mo na lang kinuha si Ella, sasaktan mo lang pala siya!” Sunod-sunod nitong sabi at namumula na sa galit ang mukha. 
Nakita niya na balak lumapit nila Nelson pero pinigil niya ito gamit ang tingin.
“Iwan n’yo muna kami, Nelson,” mariin niyang utos dito na sinunod naman nito. Bumaling siya muli sa binata.
“Listen to me first, kiddo. One, I’ll never ever hurt Gabriella, because I love her. Two, what are you saying? I don’t know about your saying,” sunod-sunod niyang sabi rito para hindi na ito makasingit.
Nakita niya naman na napahinto ito at napabuntonghininga nang marahas.
“Bitiwan mo ako,” seryoso nitong sabi. Napabuga siya ng hangin at binitiwan niya ito. Humarap ito sa kanya na galit pa rin.
“Ikaw ang pumatay sa pamilya ni Ella, si Ella na mismo ang may sabi. At ’wag ka nang magkaila na hindi mo sinasaktan si Ella, dahil nakita ka raw niya sa hotel na may iba kang kasamang babae. Hindi mo alam na sobra-sobra siyang nasaktan, isabay mo pa ang pagkamatay ng pamilya niya. Ngayon sabihin mo kung deserving ka ba sa pagmamahal ni Ella?!” galit nitong sabi habang nakaturo sa kanya. Napaisip siya sa sinabi nito na may dala raw siyang babae sa hotel.
Tumingin siya nang malamig dito. “May ebidensiya ba na nagtuturo sa akin?” seryoso niyang tanong dito habang gumalaw ang panga niya.
“Oo, ’yong bracelet daw na ibinigay ni Ella sa ’yo. Ngayon hin—” Hindi na niya ito pinatapos sa sasabihin nito at ipinakita niya ang suot niyang bracelet.
“Oo nga naman, magkakaroon ka pa rin n’yan dahil mayaman ka, easy as pie na lang magpagawa, ’di ba?” Nakangisi na ito ngayon.
Napabuga siya ng hangin at nasusura na tiningnan ito. 
“Bakit, alam mo ba kung ano ang nakapaloob sa ibinigay niya?” sarcasm niyang sabi rito na kinatahimik naman nito.
Hinubad niya ang bracelet at maging ang singsing ay ipinakita rito.
“Tingnan mo ang nakaukit sa bracelet at singsing na napulot ko sa tapat ng bahay nila. Ngayon, mo sabihin kung peke iyan,” pagpapatuloy niya.
“Kung ganon, sino ang naglagay ng bracelet na ipinakita sa amin ng mga pulis? Sabi naiwan daw iyon ng pumatay sa pamilya ni Ella . . .” tila nalilito nitong sabi. 
“Bata ka pa talaga. Hindi mo pa alam ang taktika ng mga gumagawa ng ganyan,” sabi niya rito, “Sige, aalis na ako. Magpapaliwanag ako kay Gabriella,” sabi niya rito at sinenyasan niya sila Nelson na aalis na.
“Sandali. Alam mo kung nasaan si Ella?” nagtataka nitong tanong sa kanya na kinakunot ng noo niya.
“Yes, nasa mansyon si Gabriella. Bakit mo natanong?” nalilito niyang sagot dito dahil tila naguguluhan din ito sa sinabi niya.
“Ha? Nasa Palawan si Ella ngayon . . .” mahina nitong bulong na umabot sa pandinig niya.
“Anong Palawan? Naroon mismo si Gabriella sa akin. Anong sinasabi mo na nasa Palawan ito—” Napahinto siya pagsasalita nang may napagtanto siya. Pagak siyang natawa na tila hindi makapaniwala at tumingin dito. Isabay pa ang paggalaw ng panga niya dahil sa tensyon na kumukulob na galit sa katawan niya.
“Saan sa Palawan nakatira si Gabriella?” mariin niya tanong dito. 
“H-hindi ko alam. Bahala kang maghanap,” pagtatanggi nito at tumakbo na palayo sa kanya. 
Pinagtatadyakan niya ang gulong ng kotse niya at inis na tinawag sila Nelson.
“Halika na, Nelson,” tawag niya rito at sumakay na sa kotse. 
“Nelson, call Atty. Bautista. Tell him to find Gabriella in Palawan. Dapat nasa akin na kamo ang result bago magpalit ng araw,” maawtoridad niyang utos dito.
“Yes, Lord,” agad na tugon ni Nelson sa utos niya at nag-dial sa phone upang tawagan si Atty. Bautista.
Akala niya ay kaya na niya ang lahat dahil siya ang boss/lord ng mafia, pero hindi pala lahat ay kaya niya, dahil hindi pala lahat ay sapat na. Hindi niya man lang naprotektahan ang mga mahal sa buhay ng babaeng mahal niya at maging ito rin.
Naiinis siya sa sarili niya kung bakit hindi niya agad nalaman. Tila naiwan ang utak niya sa England dahil sa nangyaring pagsabog sa barko. 
Nakipagkita siya noon kay Mr.veño, ang matandang nakikipagkompitensiya sa negosyo niya na baril. Dahil sa mundo niya, kung ano ang negosyo ng isa, hindi mo pwedeng kalabanin. Dahil makulit ang matanda at hindi madaan sa usapan, sa lupa tuloy ang bagsak nito. 
Pagkatapos niyang bigyan ng leksyon ang matanda ay lalabas na sana siya ng barko nang tumawag si Gabriella sa kanya. Dahil focus siya sa pagsagot kay Gabriella ay hindi niya alam na sinamantala na ito ng mga kalaban, pinaputukan siya sa bandang dibdib pero binawian niya rin agad ang mga ito. 
At nang nararamdaman niya na ang pagsabog ng barko, tumalon siya at lumangoy papunta sa pangpang habang nakahawak sa dibdib na sugatan at duguan. Dahan-dahan siyang tumayo at humarap sa barko na sumabog na hanggang sa unti-unti na itong lumubog.
“Lord, may tama kayo . . .” nag-aalalang sabi ni Nelson sa kanya. Itinaas niya lang ang kamay, upang ipaalam na ayos lang siya. Inumpisahan niya nang maglakad patungo sa kotse, ngunit nakakatatlo pa lang siyang hakbang ay dumilim na bigla ang paningin niya.
“Lord, ito na ang address na ibinigay ni Atty. Bautista,” pukaw ni Nelson na nasa harap na niya pala, hindi man lang niya namalayan ang pagpasok nito sa opisina niya. Nagmadali siyang tumayo at lumabas, dahil hindi niya mapigilan ang sarili na hindi mapakali. 
Napahinto siya sandali at may binilin kay Xesar na papaiwanan niya rito.
“Xesar, alam mo na ang gagawin?” pahiwatig niyang sabi rito na tinanguan naman nito.
“Kapag nahanap ko na si Gabriella, kayo naman ang pagtutuunan ko ng atensyon. Tingnan ko lang kung hindi kayo magmakaawa na patayin ko na lang kayo . . .” ang namumuong plano niya sa isip. 


© MinieMendz

The Mafia Lord James Esteban (Self Published)Where stories live. Discover now