TWENTY EIGHT - ESCAPED

58.2K 1.1K 6
                                    

NARRATOR’S P.O.V.


MAY ISANG LALAKI na nanginginig sa galit dahil nauubos na ang mga tauhan niya. 
“Peste ka talaga James sa buhay ko! Napakapasikat mo talaga. Lahat na lang inagaw mo sa akin, pero anong akala mo, ha?! Susuko na lang ako nang basta-basta?! Gago! Papatayin muna kita at ’yang babae mo!” nanggagalaiting sabi nito na sinundan ng patunog ng telepono.
“Oh, Sarah? Nagawa mo na ba ang pinagagawa ko?” nakangisi niyang tanong kay Sarah na nasa kabilang linya.
“Gantihan lang ’to, James. Tiyak na sasabog ang lahat ng meron ka.” Napahalakhak siya sa naisip.
“B-Boss, wala na. Nahuli na niya ako,” ngarag ang boses na sabi ni Sarah sa kabilang linya. Kinutuban siya sa sinabi nito kaya napatayo siya.
“Ano? Tang ina! Napakatanga mo, bitch!” galit niyang sigaw rito. Ibaba na dapat niya ngunit may nagsalita sa kabilang linya na kinabahala niya.
Tumatakbo siya palabas ng condo niya, buti at suot pa niya ang disguise kundi ay nalintikan na!
“Hello, Jaime the great! It’s been a long time. Mabuti at nagparamdam ka? Pero magtago ka na, dahil ikaw na ang sunod. Alam kong nanginginig ka na sa galit, dahil ang huling tuta mo ay nasa kamay ko na. Kaya galingan mo sa pagtatago, dahil kapag nahuli kita . . . pare-parehas kayong malulubog sa lupa!” mapanganib na sabi sa kabilang linya na ikinagalit niya.
“Fuck you! Mauuna ka muna, bago ako, gago!” galit niyang sabi rito at ibinaba na ang tawag. 
Kailangan niyang makaalis ng bansa as soon as posible, dahil tiyak na gagawa ng paraan si James para mahuli siya. Kung hindi niya ngayon magagantihan ang gagong James na ’yon, may ibang pagkakataon pa. At sisiguraduhin niya na sa babae nito siya gaganti.
Pinaharurot na niya ang sasakyan nang sobrang bilis, kailangan niyang makaalis at baka mahanap pa siya ng mga ito.
Samantala, sa itim na kotse ay may tatlong nakasakay doon; ang Dark Tres. Kakauwi lang nila galing Palawan, dahil wala na roon ang binabantayan nila. 
Sinusundan nila si Jaime gaya ng utos ni James sa kanila. 
“Akalain mo, ang dating lalampa-lampa at ang dating humahanga kay Lord ay siya pa ang magiging puno’t dulo ng lahat,” nakangising sabi ni William habang nagmamaneho. Bumaling siya kay Ice na tahimik lang na nakatingin sa bintana.
“Ikaw Ice, natahimik ka? Na-guilty ka, ano? Tsk. Bakit kasi hindi mo agad sinabi sa amin na nakita mo na pala siya? Ayan, may nadamay tuloy na inosenteng tao,” pang-aasar ni William kay Ice na tahimik sa tabi niya.
“Tsk.” Asik lang ang naisagot ni Ice, dahil tama naman ang mga ito. Nakita na niya ito no’ng magpunta si James at Gabriella sa amusement park, pero hindi niya sinabi dahil nga kailangan niya ng proof at baka namamalik-mata lang siya.
“’Wag ka na ngang mang-asar d’yan, baka bangasan pa n’yan mukha mo. Sige ka, hindi ka na makakapambabae,” pang-aasar naman ni Zia kay William na nasa likod habang nakatanaw sa bintana.
“Tsk. Ang sabihin mo, nag-aalala ka lang sa akin. Sabi na, e, may lihim kang pagtingin sa ’kin,” panunukso ni William habang nakangisi.
“Utot mo! Pagtingin your face!” mataray na sabi ni Zia na nakairap kay William.
“Focus, William. The mouse is trying to escape,” malamig na pukaw ni Ice kay William na bumabagal na ang takbo. Nanlaki naman ang mata ni William, pero napaangat pataas ang dulo ng labi niya dahil sa naisip.
Niliko ni William ang sasakyan at naghanap ng pinakamalapit na shortcut. 
“Bakit mo niliko? Hindi naman d’yan dumaan si Jaime,” nalilito at naiinis na sabi ni Zia nang mapansin na nag-iba ng daan si William.
“Easy, babe. Walang takas ang baliw na ’yon,” nakakindat na sabi niya kay Zia na umiwas lang ng tingin.

AIRPORT
PAGDATING NI JAIME sa airport ay agad-agad siyang kumuha ng plane ticket patungong Hawaii. 
“Tang ina! Mamaya pa makakaalis, peste!” asar na sabi niya at gumawa ng paraan para matakpan ang mukha niya. Naupo siya sa waiting area, habang nagmamasid sa paligid.
Naiinip at nasusura na siya sa tagal tawagin ang flight niya. 
Tumingin siya sa relo at sa paligid. Hindi siya mapakali, dahil ano mang oras ay narito na ang mga ito. Pero napangisi siya nang tawagin na ang bansang pupuntahan niya. Tumayo siya at pilit niyuyuko ang ulo. Inabot na niya ang ticket at passport.
Napangiti siya nang magtagumpay na makapasok siya. Tumingin siya ulit sa likod at napangisi na lumakad na papasok. 
“Hindi mo ako mapapabagsak, James. Dahil bago ako, ikaw muna ang ilulubog ko sa lupa,” natatawa at nakangisi niyang sabi sa sarili habang naglalakad papasok. 
Pumasok na siya sa loob ng plane at hinanap ang seat number. Nakita niya ito at sa katabing upuan ay may nakaupo na lalaking nagbabasa ng dyaryo. 
Inilibot niya ang tingin at nakita na kakaunti pa lang ang nakasakay at puro lalaki. 
Pinakiramdaman niya ang paligid at kinutuban siya. 
Mabilis siyang tumayo sa upuan upang makaalis. 
“Tang ina! Na-setup ako!” kinakabahang niyang sabi sa isip. Nagmamadali siyang pumunta sa pinto, ngunit bigla na lang itong nagsara. Mula sa pagharap sa pinto ay napaharap siya likod niya, ngunit huli na nang pukpukin ng isang lalaki ang batok niya. 
Hanggang sa unti-unting nawalan siya ng malay. Pero bago ’yon, nakita niya ang mukha at nakilala niya pa ang trumaydor sa kanya. 
“Hayop ka, Basty!” galit na sabi ng isip niya.
“Lord, mission complete. Nasa kamay na namin si Jaime,” sagot ni Ice sa kabilang linya.
“Good, ’wag n’yo munang galawin,” bilin ni James na nasa kabilang linya.
“Masusunod, Lord,” sabi ni Ice at kaya binabaan na siya ni James.
Bumaling si Ice sa kasamahan niya pagkatapos ng tawag sa Lord nila.
“Dalhin n’yo na iyan sa warehouse, ’wag n’yo raw munang gagalawin, ang Lord na raw ang bahala,” malamig niyang utos sa mga ito, bago bumaling kay Zia at William.
“Let’s go,” aya niya sa dalawa na walang ginawa kundi ang magbangayan, pero sumunod na ang mga ito sa kanya.
Nakasakay na sila kotse nang magtanong si Zia.
“Oo nga pala. Kung nakuha na ni Lord si Gabriella, sino ’yong nagpanggap na maging ito?” nacu-curious niyang tanong.
“Siya si Christina Carborer. Pumayag ito sa kagustuhan ni Jaime na magpanggap. Sinamantala nila ang pag-alis ni Lord para gumawa ng hakbang. At kaya rin nakatakas si Christina ay dahil na rin kay Basty,” paliwanag ni Ice na nakatingin sa bintana. Nagulat naman si Zia at William sa sinabi ni Ice.
“Si Basty ang traydor? Pero bakit naman nito ginawa? Isa si Basty sa pinagkakatiwalaan ng Lord,” naguguluhang tanong ni Zia.
“Oo, pero inamin niya agad ito kay Lord. Hawak kasi ni Jaime ang anak niya, kaya wala siyang nagawa kundi ang sundin ito.” Napatango naman si Zia sa nasagot na katanungan niya.
“Napakagaling naman ng mga nag-opera doon sa babaeng iyon, hindi agad natin nalaman, maging ni Lord,” hindi makapaniwalang sabi ni Zia.
“Kung si Jaime nga ay nagawang gayahin ang mukha ni Lord at maging ang kilos nito, ’yong paggawa pa kaya niya sa tuta niya,” natatawang sabi ni William habang napapailing.
“Kaya pala nasabi ni Gabriella na pinagtaksilan raw siya ni Lord dahil nahuli niya raw ito na may kasama babae sa hotel. At ’yong si Christina ang babaeng nagsabi ng fiancee daw siya ni Lord,” pagpapatuloy ni Zia sa sinabi ni William. “Teka nga! Bakit parang sa ating tatlo, ikaw lang ang may alam?” naiinis niyang tanong kay Ice.
“Babe, alam mo naman na genius ’yan. Kaya ’wag ka nang magtaka,” nakangiting sabi ni William kay Zia na inirapan siya.
“Che! ’Wag mo nga akong ma-babe-babe,” masungit na sabi ni Zia na tinawanan na lang ni William.
“Okay! Okay! Hindi na. Galit naman agad, parang nilalambing lang, e,” pagsusuko ni William sa masamang tingin ni Zia.
“Tsk.” Asik na lang ang tugon ni Zia at tumingin sa bintana.
Napapailing na lang si Ice sa dalawa.


© MinieMendz

The Mafia Lord James Esteban (Self Published)Where stories live. Discover now